Chapter Four

3397 Words
Yvan Marcus Hernandez Point of View   Pagkatapos kong magbayad sa cashier ng tuition fee ay naglakad lakad muna ako dito sa loob ng school at nung nakaramdam ako ng pagod ay naisipan kong magpunta sa canteen. Marami rin palang mabibili dito sa loob. May mga stall ng tacos, hotdog sandwich, pizza at kung anu-ano pang short order para sa mga estudyante. Malaki talaga pinagkaiba ng school dito sa school ng Canada. Sa Canada kasi walang uniform. Kahit ano pwedeng isuot. Dito ang daming arte. Kung hindi nga lang dahil kay Daddy ay hindi ako babalik dito eh. Sabagay, kasalanan ko rin naman dahil naging wild ako dun. Pero normal lang naman yun sa mga kagaya kong teenager diba? Kung ikukwento ko pa kasi ang dahilan kung bakit bigla akong pinabalik ni Daddy dito sa Pilipinas ay baka maka-sampung PoV pa ako. Shortcut nalang. Nagkaroon ng gulo at sangkot ako - kickout ako. Oh ayan - siguro naman nakapag-imagine na kayo ng katarantaduhan na maaring nagawa ko. Habang patuloy akong naglalakad ay napansin ko yung katulong namin. Denis ata pangalan nun. Nakaupo siya at nakaharap sa laptop. Kaya siguro ang kapal ng salamin nun dahil laging nakatutok sa kalaki laking laptop na yun! Malaki talaga! Old model na yun sigurado. Yung laptop ko kasi ay yung bagong labas ngayon ng accer. Yabang ko nu? Totoo naman kasi. Iniwas ko ang tingin ko nung napansin kong may lumapit sa kanyang lalaki. Ano ba namang klaseng pag-iisip tong si Denis at naisipang pumatol sa lalaking yun! Mukhang aso! Di hamak naman na mas gwapo ako dun! Habang patuloy akong naglalakad ay inilabas ko ang cellphone ko. sss lang. Ka-chat ko rin kasi si Aaron. Yung tropa kong pinoy din na nasa Canada. Nabanggit niyang uuwe din daw siya dito sa Pilipinas at pinag-uusapan namin na magkita kami para makapagkwentuhan. Bigla ko nalang naramdaman na may bumangga sakin. Ang yabang nga eh. Pinandilatan niya ako ng mata ay may sinasabi. Di ko na pinatapos pa ang sinasabi niya. Sinapok ko na agad siya dahilan para bumulagta siya sa sahig. Siya na nga nakabangga siya pa galit! Naglapitan ang mga kaibigan ng lalaking nakabangga sakin. Tiningnan ko sila ng tingin na anuman ang naisip nilang gawin ay lalaban ako. Di ko sila uurungan noh! Sinulyapan ko ang pwesto ni Denis. Nawala siya. Tiningnan ko ang daan papuntang bleachers, wala din. Napansin kong lalapit na ang guard samin kaya mabilis na akong tumalikod at naglakad papalayo dun. First day na first day ko dito - gulo agad. Ilang sandali ang lumipas ay napagpasyahan ko ng umuwe. Nagsimula na akong maglakad papalabas ng madako ang atensyon ko sa mga naglalaro ng basketball sa isang open court ng school. Pinanuod ko muna sila habang nakatayo ako sa harapan ng isang pintuan. Di naman siguro ako makaka-istorbo dito kasi may nabasa akong nakasulat na - DO NOT ENTER. AUTHORIZED PERSONNEL ONLY. Wala nanaman sigurong papasok pa dito kasi hapon na hapon na. Nasa kawilihan ako ng panunuod nung bigla kong naramdaman na may bumangga nanaman sa katawan ko. Buti nalang ay di gaanong kalakasan. Babae siguro kaya mahina. "Ayy p**e!!!" Malakas na sigaw niya. "What the fu!! You!!? What are you doing there!?" Takang tanong ko nung makita kong si Denis iyon. Tinuro ko sa kanya yung signboard ng pintuan. Nagdahilan kasi siyang naghahanap siya ng comfort room. Kadami daming namang comfort room sa canteen at sa bawat floor ng building. Bakit dito pa niya naisipang maghanap? Mabilis na siyang nagpaalam. Magtatanong pa nga sana ako pero nagdire-diretso na siya palabas ng gate. Matapos yun ay may lumabas din na isang lalake sa pintuan. Nagpalinga linga muna siya bago tuluyang magpunta sa hagdanan papuntang second floor. Tapos na yung larong pinapanuod ko kaya kaagad na akong nagpunta sa parking lot at inikot ko na para makauwe na ako. Aktong palabas na ako ng gate nung makita ko ulit yung lalaking lumabas rin sa pintuan kanina. May kasama na itong babae at nakakuyabit sa kanya ang babae. Ayoko man mag-isip ng di maganda pero di ko mapigilan. Magkasama nga kaya si Denis at yung lalake sa loob ng pintuan na yun? Nung nakalabas na ako ng gate ay nakita ko si Denis na nasa waiting shed. Nakatingin siya dun sa lalake. Napansin ko rin na may hawak na cellphone yung lalake. Ano ba itong nangyayari saken! Nagiging detective na yata ako. Epekto siguro ito ng kapapanuod ko ng detective conan. Itinigil ko ang sasakyan ko sa harapan ni Denis. Ibinaba ko ang salamin. Tumatanggi pa nga siya pero binigyan ko siya ng tingin na nangangahulugan na di siya pwedeng tumanggi. Umupo siya sa backseat at nakatingin lang sa labas ng bintana. Narinig kong tumunog ang cellphone niya kaya doon naman napunta ang atensyon na. Kapwa lang kami tahimik. Wala naman akong pakialam sa kanya eh. Kaya ko lang naman siya sinabay dahil bayad utang na loob dahil sumama siya sa pag-eenroll ko. Narinig ko nanamang tumunog ang cellphone niya. Pero sa pagkakataong ito ay alam kong tawag na iyon. Mabilis niyang sinagot iyon. Di ba ito nahihiya? Okay lang sa kanya na may nakakarinig sa pakikipaglandian niya? Narinig ko pa nga na parang pinag-uusapan nila ako eh. Nakaramdam na yata ng hiya itong si Denis kaya halatang napilitan magpaalam sa taong kausap. Muli nanamang tumahimik hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nagpasalamat siya sakin pero hindi ko siya inintindi. Di ba niya alam na ayaw na ayaw ko ng may kinakausap sa cellphone kapag nakasakay sa sasakyan ko? Kakainis ah! Dumiretso na ako sa kwarto ko. Inayos ko ang dalang ko gamit at nagbihis na ako. Matapos kong kumain ay naisipan kong magpunta sa pool. Plano ko talagang maligo kaya nagsuot nalang ako ng board shorts. Topless. Habang naglalakad ako ako papuntang pool ay parang may naulinigan akong nagsasalita. Kainis! Di ko masyadong marinig. Siguro kausap nanaman ni Denis yung kausap niya kanina sa kotse. Di ba sila nagsasawa sa mga boses nila? Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hanggang sa makarating ako sa harapan niya. Nakatitig lang siya sakin. Sa katawan ko. Mukhang naliliitan yata sa katawan ko itong taong to ah! Teka... Ano ba ang iuutos ko? Ano ba ipapakuha ko? Hanggang sa kusa nalang lumabas sa bibig ko ang sanmig. Kahit wala akong balak mag-inom - ay mapapainom tuloy ako. Inilapag niya ang cellphone niya sa tabi ng laptop niya. Sinilip ko ang laptop niya. w*****d. Denis Lindsey Blancaflor yun pala ang tunay niyang pangalan. Ayos ah. Diba parang pambabae yun? Sabagay, halata namang pusong babae siya. Dinampot ko ang cellphone niya at ginamit ko iyon na pantext sa sarili ko. Pagtripan ko kaya siya? Itextmate ko kaya siya? Ilang sandali lang ay bumalik na siya dala ang sanmig na pinakuha ko. Matapos nun ay kinuha na niya ang laptop niya at cellphone niya at mabilis na rin umalis at naglakad palayo. Naupo ako at sinimulan ko ng inumin ang sanmig na nasa harapan ko. Naisipan kong i-search ang pangalan niya sa w*****d. Pwede pala kahit wala akong account - makikita ko rin pala ang profile niya. Teka.. Siya ba itong nasa picture? Bakit parang ang layo? Bakit dito maayos ang itsura niya? Wala siyang suot na salamin at maayos ang buhok niya. Siguro nakasampung edit ito. Nagagawa nga naman ng editor! Ini-screenshot ko yung profile niya. Hanggang sa napansin kong ubos na pala ang iniinom kong alak. Nakakabitin! Kaya nagpasya akong kumuha pa ng tatlong bote at bumalik ulit ako sa upuan. Kasalanan niya to eh! Wala sana akong balak mag-inom - yan tuloy napapadami ako. Nakailang balik ako sa fridge para kumuha ng kumuha ng sanmig. Nawili na ako hanggang sa naramdaman na ako ng kaunting pagkatama ng alak. Tama lang pero di laseng noh. Naisipan kong i-misscall si Denis. Misscall lang -yung di ko hahayaang masagot niya yung cellphone niya. Ni-tap ko yung call sa message niya sakin. (pero ako nag-message nun gamit cp niya, mautak kaya ako) hahaha! Takte! Ang bilis niyang sagutin kaya di ko na nagawang i-end ang tawag. "Hello...." Wow! Si Denis ba talaga tong sumagot? Bakit iba ang boses? Ganito ba talaga kalambing ang boses niya kapag nagsasalita siya? "Hello???" Pag-uulit niya. Ang sarap pakinggan. Ang ganda ng boses. "Kung di po kayo magsasalita - i-end ko na ang tawag..." Sabi niya. Bagay na bagay sa kanya ang maging isang DJ ng isang radio station. Ang lambing ng boses niya. Bigla ko nalang narinig ang busy tone ng linya. Ni-end na niya ang tawag ko. Tawagan ko kaya ulit? Kaso - i-e-end niya ulit yun sigurado. Magsalita kaya ako? Eh ano sasabihin ko? Shaks! Kinakausap ko na ang sarili ko! Laseng na nga yata ako! . . . . "Denis..." Narinig kong tawag ni Daddy nung aktong lalabas na ng bahay papasok si Denis. "Bakit po Sir?" Magalang na tanong naman niya. "Eto nga pala yung allowance mo for this month. Kasama na diyan yung sweldo mo" sabi ni Daddy habang inaabot ang sobreng kulay brown. "Ayy Sir... Kahit yung sweldo nalang po. Huwag na po yung allowance... Sobra sobra na po" pagtatanggi niya. "Hayaan mo na... Para makabili ka narin ng bago mong salamin" pamimilit naman ni Daddy. Parang di na nga silang dalawa magkakatapos dahil sa pagtatanggi ni Denis pero hindi siya nanalo kay Daddy. Syempre - daddy ko yan. Di papayalo yan. Hahaha! Bigla ko tuloy naalala yung ginawa ko kagabi. "Oh papasok ka narin naman Yvan - isabay mo na si Denis. Pareho naman kayo ng eskwelahang pinapasukan" sabi ni Daddy. "Ayy Sir! Wag na po. Okay lang po. Sige po, alis na po ako" mabilis na tanggi ni Denis. "Huwag ka na nga mag-inarte diyan. Halika na!" Pabalang na sabi ko sa kanya. Kaya wala siyang nagawa. Sumakay na siya sa backseat at sinumulan ko ng paandarin ang sasakyan. Katulad ng dati - tahimik lang siya at nakatingin sa labas ng bintana. Narinig ko nanamang tumunog ang cellphone niya at mabilis niya itong sinagot. "Oh.. Ang aga mo tumawag ah!" Bungad niya sa tumawag. "Ayy.. Sorry.. Goodmorning pala" nakangiting sagot niya. "Ahh.. 9:30 pa. Bakit?" "Ok sige. Antayin mo nalang ako. Promise dun na ako diretso" sabi niya at naputol na ang pag-uusap nila. 9:30 pa pala pasok niya pero napakaaga pumasok!? Haaay.. Sigurado ako yung kalandian nanaman niya ang kausap niya. "Salamat po Sir! Sige po, una na po ako" nakangiting paalam niya sakin at mabilis na naglakad patungo sa daan ng papuntang open court. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at nagpasya akong sundan kung saan man siya pupunta. Nakita ko siyang pumasok sa pintuan na nilabasan niya kahapon. Dire-diretso lang siya. Nung nakasiguro akong hindi na niya ako makikita ay sumunod ako. Pumasok din ako sa pintuan. Wala namang ibang pupuntahan dito kundi ang dulo ng hagdan na nasa harapan ko. Inakyat ko yun. Hanggang sa may nakita akong nakaawang na pintuan dito sa pinakataas at pinakadulo ng hagdan. Sumilip ako. Nakita ko si Denis na naka-indian seat na upo at nakangiti habang nagsasalita. May libro at notebook sa harapan niya. Inurong ko pa ng kaunti ang pintuan para makita ko kung sino ang kasama niya at kung sino ang kausap niya. Nung makita ko kung sino ang kausap niya ay napaisip ako. Parang nakita ko na yung lalaking yun ah! Teka... Tama! Siya yung lalaking kasunod na lumabas ni Denis kahapon sa pintuan at siya rin yung lalaking may nakakuyabit na kasamang babae kahapon habang papalabas ng gate.     Powell Jake Ricafrente Point of View   Alas tres na ng madaling araw hindi parin ako makatulog. Kainis! Tumagilid, dumapa, tumihaya at nagtalukbong na ako ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Pakiramdam ko kasi ay parang may umiikot sa katawan kong kuryente. Napapraning na yata ako. Senyales na ba ito na nadedevelop na ang mga abnormal cells ko? . . At dahil hindi ako nakatulog maaga akong pumasok. Hindi kami magkasabay ngayon ni Danica kase mamaya pang hapon ang klase niya. Wala daw kasi yung prof nila ngayong umaga. Nakaupo ako ngayon dito sa gilid ng open court at gilid ng chapel. "Tol pakopya naman ng takehome exam natin sa algebra" bati sakin ni Lorenze sabay upo sa tabi ko. Ayy s**t! Nakalimutan kong sagutan yun! Nawala sa isip ko na may takehome exam kami. "Tol wala akong sagot dun, diba kapag walang sagot tinatawag sa recitation?" Pagkukumpirma ko. "Oo tol! Isa nalang pag-asa natin. Si Mike. Dapat may gawa siya" -Lorenze. "Oh mukhang ako pinag-uusapan niyo ah!" Biglang sulpot ni Mike sa likuran namin. "May sagot ka ba sa takehome exam?" Halos sabay naming tanong ni Lorenze. Pumusturang tabang si Mike. "Ako pa!!" Haaay salamat naman. "Syempre walaaaa! Malay ko ba sa mga punyetang numbers at letters na yun!" Mabilis niyang dugtong. Kulang nalang ay batukan naming dalawa si Mike nung sabihin niya yun. Siya na nga lang kasi ang pag-asa naming kopyahan - wala pa! Sabagay kelan nga ba gumawa ng mga ganoon itong lalaking ito! "Uyy tara sama ka nalang samin Pj" -Mike. "Ha? Saan pupunta?" Takang tanong ko sa kanya. "Huwag na tayo pumasok. Mag-SM nalang tayo. May bagong movie ngayon, marvel" dugtong na sabi ni Lorenze. "Ahh... Pase-" "Haaay... Asa pa kaming sasama ka. Goodboy ka nga pala at kami ang bad" ngising sabi ni Mike. "Baka magbago pa isip mo Pj, sunod ka ha o kaya itext mo ako" -Lorenze. Umalis na sila agad. Naiwan akong mag-isang nakaupo at kaharap ang takehome exam ko na walang sagot. 20mins nalang time na ng algebra. Bahala na. Sana may magpakopya sakin sa mga kaklase ko. Akmang tatayo na ako nung tumunog ang cellphone ko. Notification tune. Nagtext si Mike at pilit akong pinapasunod. Hindi ko na nireplayan. Bahala sila. Hindi naman kasi ako sanay na gumala kapag may pasok. Di ko sinasadyang ma-tap yung pangalan ni Lindsey at mabilis na lumabas sa screen yung calling. Hindi ko na nagawang i-cancel yung tawag ko sa kanya. Oh.. Ang aga mo tumawag ah!" Bungad niya sakin. "Hi! Goodmorning!" Bati ko sa kanya. Ewan ko ba pero alam ko sa sarili ko na nakangiti ako. "Ayy.. Sorry.. Goodmorning pala" malambing na sagot niya. "Anong oras ang klase mo?" -Ako "Ahh.. 9:30 pa. Bakit?" "Pwede bang turuan mo ako sa algebra? Hindi ko kasi masyadong naintindihan yung discussion kaya hindi ko nasagutan yung takehome exam namin" mahabang sabi ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya na dun nalang kami magkita sa rooftop. Mas maganda na kasi dun, walang tao at walang istorbo. Makakapagkwentuhan kami ng maayos. Matapos maputol ang usapan namin ay nagpunta na ako sa rooftop. Ewan ko ba pero ramdam ko sa sarili ko na excited ako sa di ko alam na dahilan. Hindi narin ako papasok. Minsan lang naman eh. Saka di naman siguro malalaman ni Danica na hindi ako pumasok kasi mamaya pa namang hapon ang klase niya. Habang nakaupo ako ay ni-play ko ang i-tunes ng cellphone ko. Til I found you by freestyle baduy man pero mahilig talaga ang sa mga ganitong uri ng kanta. Ayoko sa mga rap. Gusto ko sweet yung tono - harmony. "Kanina ka pa?" Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses at lumapad ang pagkakangiti ko nung makita ko si Lindsey. "Ngayon ngayon lang din. Upo ka" sagot ko sa kanya. Inilabas ko yung takehome exam ko at pinakita ko sa kanya. "Okay sige. Turuan kita kung paano i-solve. Eto ang formula" pagsisimula niya. Habang tinuturuan niya ako ay hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Ang pink ng labi niya at matangos ang ilong. "Hindi ka naman yata nakikinig sakin eh" sabi niya sabay tapik sakin. "Ang gulo kasi. Bakit ba kailangan i-plus yung letter sa number? Saka bakit kailangan pang hanapin yang X? Diba wala nanamang value yan?" Mahabang pagpapalusot ko sa kanya. "Hindi mo kasi masosolve ang problem kung hindi mo pipilitin malaman kung ano yung value ng X. Kaya nga N yung next na hahanapin natin eh" seryosong sagot niya. "Hugoooooooooot!!!!" Malakas na sigaw ko dahilan para magtawanan kaming dalawa. Ang saya. Kailan nga ba ako ulit tumawa ng ganito? Masaya rin naman ako kapag kasama ko ang mga tropa ko at si Danica pero di ko maipaliwanag kung bakit parang mas masaya ako ngayon. Bigla nalang kaming napatigil bigla sa pagtawa at napadako ang tingin namin sa gawing pintuan nung may narinig kaming tumunog dun. Parang tunog ng cellphone. Mabilis akong tumayo at tiningnan ko. Wala. Walang tao. "Yaan mo na yun. Baka naisipan lang maglinis ng janitor diyan sa hagdan papunta dito" sabi ni Lindsey habang nakaupo parin sa lapag. Tumingin ako sa relo ko. 9:15am. "Oh 9:15 na. Diba 9:30 pasok mo?" Tanong ko sa kanya. "Oo. Tapusin muna natin itong takehome exam mo" sagot naman niya sakin. "Okay lang. Kokopya nalang ako sa kaklase ko mamaya" nakangiting sabi ko ulit sa kanya. Hindi siya pumayag kaya wala akong nagawa kundi ang pakinggan ang pagpapaliwanag niya sa bawat given problem. Inabot na yata kami ng isa't kalahating oras bago ko nasagutan ang lahat ng items. "Oh diba? Kaya mo naman pala eh" masayang puri niya sakin. "Salamat..." Sagot ko sa kanya. "Sensya na ha.. Di ka tuloy nakapasok" nakukunsenya kong sabi sa kanya. "Hala! Wala yun noh! Kung gusto mo gumala pa tayo eh" ngiting sagot ulit niya. "Talaga!? Sige!" Medyo napalakas ang boses ko sa pagkakasabi ko. "Agad agad? Teka... Baka hanapin ka ng -" "Okay lang. Tara na." Putol ko sa sasabihin niya at mabilis kong hinila ang kamay niya pababa ng rooftop. Bahala na. Basta gusto kong gumala ngayon. Minsan lang ito kaya susulitin ko na. "Oyy Powell saan tayo pupunta?" Tanong niya habang hawak hawak ko ang kamay niya at patuloy ko siyang hinihila. "Sa SM. Gala tayo. Ikaw may sabi kanina diba na kahit gumala pa tayo" ngising sagot ko sa kanya. Kaya wala na siyang nagawa. Mabilis na kaming sumakay ng bus. Nasa tabing bintana siya at katabi naman niya ako. Medyo makipot ang inuupuan namin kaya kailangan ko pang ilagay ang kaliwang kamay ko sa likuran niya para makakapit ako sa gilid ng bintana. In short - semi akbay. (Naimagine niyo? Ako? Ahhhh! Kinikilig ako!!!) hahaha! Ilang sandali lang ay dumating na kami dito sa SM. Wala namang problema kasi kapag college ay malaya ng nakakalabas pasok sa mga mall di katulad kapag highschool lang. Di pinapapasok ng guard. Niyakag ko munang kumain si Lindsey. Natanggi pa nga siyang ako magbayad ng inorder namin pero di ako pumayag noh! Ako ang nagbayad. Gentleman kaya ako. Sa Savory kami kumain. Masarap dun promise. Try niyo. Matapos naming kumain ay nagsimula na kaming maglakad lakad. Hanggang sa mapadaan kami sa cinema area. "Parang ang ganda nito noh? Meron na kaya sa cd niyan?" Turo ni Lindsey sa movie ni Xiam at Kim. Bakit hindi ka crush ng crush mo movie. "Tara! Panuorin natin!" Masayang yaya ko sa kanya. Hindi ko na siya inantay magsalita at mabilis na akong bumili ng ticket. Bumili na rin ako ng isang malaking popcorn at isang extra-large iced tea. Share nalang kami para di siya mahirapan sa paghawak. Baka mahirapan pa siya at di makapagpokus sa pinapanuod niya. Pumasok na kami sa loob ng sinehan. Dito kami nakapwesto sa pinakadulo at gitna. Para mas kitang kita namin at balance yung mata namin sa screen. Sakto naman na magsisimula palang yung movie. Pinatong ko sa gilid yung iced tea namin at hawak ko na yung popcorn. "Gusto mo ako na maghawak niyan?" Biglang tanong sakin ni Lindsey. "Hindi. Okay lang.. Eto iced tea oh" sabay abot ko sa kanya. Humigop naman siya at matapos nun ay ipinatong niya yun sa butas sa gilid ng upuan niya. "Bakit? Kinukumpara mo ako sa mukha na yun noh?" Ngiting tanong niya sakin nung napansin niyang sa kanya ako nakatingin at hindi sa screen ng sinehan. Di ko rin kasi maiwasan eh. "Hindi noh! Saka puro tigyawat kaya yan, ikaw wala" palusot kong sabi sa kanya at mabilis kong idinako ang tingin ko sa screen. Ano ba tong nangyayari sakin... Parang may mali sa ginagawa ko... Parang may hindi tama sa nararamdaman ko... Hindi ko namalayan na tapos na pala ang pinapanuod namin. Ang bilis ah! "Tara sa tomsworld" yaya naman niya sakin. Nagpunta kami sa tomsworld ay naglaro ng racing, ballgames, shooting at arcade. Natalo nga niya ako sa Marvel vs Xmen eh. Ang galing ng tandem niya. Storm at si Rogue. Habang papalabas na kami ng tomsworld ay halos sabay na nagring ang cellphone namin ni Lindsey. Bhe Calling... Ayy s**t! Nakalimutan kong bigla si Danica. "Lindsey wait lang ha... Punta lang akong Cr" paalam ko sa kanya habang nakatapat sa tainga rin niya ang cellphone niya at mabilis na akong nagpunta sa CR. "Hello bhe..." Sagot ko sa tawag. "Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? Nasaan ka?" Diretsong tanong niya sakin. Patay tayo diyan! Sasabihin ko ba totoo? Sasabihin ko bang nasa SM ako at may kasama ako? Paano nga ba to?? "Ahh... Sorry bhe. Umuwe na kasi ako... Masama kasi pakiramdam ko, sakit ng ulo ko" palusot ko sa kanya. "Ah okay sige bhe... Gusto mo diretso nalang ako diyan sanyo?" Sagot naman niya. "Kita nalang tayo bukas bhe... Di rin kita maiintindi bhe.. Sobrang sakit ng sintido ko" dahilan ko ulit sa kanya. "Okay sige bhe.. Pahinga ka ha... Labyu bhe" "Labyutu bhe" Matapos ang usapan namin ay kaagad na akong bumalik kay Lindsey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD