Chapter Three

3288 Words
Denis Lindsey Blancaflor Point of View   Hindi na talaga ako pumasok ng hapon. Baka kasi ma-late ako ng uwe - nakakahiya naman kay Sir. Sinama kasi ako ni Sir dito sa airport. Napaaga daw kasi ang uwe ng anak niya. Hindi ko nga makitaan ng pagkabakas ng excitement itong si Sir eh. Hindi katulad ng iba na kapag may uuweng kamag-anak galing ibang bansa ay halos kulang nalang ay sa airport na matulog para sa pag-aantay sa susunduin. Nandito kami ngayon sa waiting area. Si Sir Anton? Eto at nakaupo lang at relax na relax lang di katulad ng mga taong halos mabali na ang leeg sa kasisilip sa bawat taong nalabas sa exit lane ng mga pasahero. Ako kaya? Kailan kaya ako makakatungtong ng ibang bansa? Syempre naman noh pangarap ko rin makapagtrabaho sa ibang bansa - mas malaki kaya ang sweldo dun kesa dito. Saka sigurado ako mas gaganda ako dun. Hahaha! Malamig dun eh. "Sir hindi po ba natin aantayin dun yung anak niyo? Nakalapag na daw po kanina pa ang plane ng Canada eh" sabi ko kay Sir habang tinuturo ko yung exit lane. "Okay lang. Maupo ka nalang muna Denis. Maya maya lang nandito na siya" malumanay na sagot ni Sir Anton. Kaya eto nakaupo lang din ako habang binabasa ko ang update ni Author. Hindi ko tuloy maintindihan tong binabasa ko kasi iniisip ko kung ano nga ba itsura ng anak ni Sir. Makulit siguro yun. Sino kaya ang kasama nun sa pag-uwe? Ang alam ko kasi ay hindi pinapayagan na sumakay sa eroplano kapag bata pa. May yaya siguro yun. "Finally! Kanina pa ako paikot ikot dito" Bigla akong napatunghay nung narinig ko ang pabalang na boses na iyon. Ang bastos naman ng taong ito. Napatitig ako sa mukha niya. Mabilog ang mata, may biloy ang magkabilang pisngi na lumalabas kahit di pa gaanong nangiti, matangos na ilong, ma-pink na labi, matangkad, in short mapapamura ka nalang sa gwapo. Kaso - bastos. Biglang tumayo si Sir Anton. "Denis this is my Son, Yvan..." -Sir Anton. Ha!!? Akala ko ba bata pa ang susunduin namin ni Sir? Eh bakit ganito? Superman ang bedsheet tapos ganitong kalaki na? "Yvan this is Denis son of Nanay Linda" pagpapakilala ni Sir. "Good Afternoon po Si-" "Let’s go Dad. I'm tired. Gusto ko na magpahinga" biglang sabi niya kahit hindi pa ako tapos magsalita. Bastos naman ng lalaking ito! Malayong malayo sa tatay niya! Nakakainis ah! Nagkusa na akong kunin ang maletang dala ni Yvan. Ayy Sir Yvan pala. Yun naman talaga ang papel ko dito eh. Nakakahiya naman kung makikisabay ako sa paglalakad habang sila may hawak ng maleta. Sumakay na kami ng sasakyan ni Sir. Sa backseat ako at silang magtatay sa harapan. Nilabas ko ang cellphone ko at nagbasa nalang ulit ako sa w*****d. "Mag-enroll ka bukas. Dito mo pagpapatuloy ang pag-aaral mo" narinig kong biglang basag ni Sir sa katahimikan. "Dad!!? I thought I -" "Or else I'll cut your cards" putol ni Sir sa sasabihin dapat ni Sir Yvan. Wala na akong narinig pang salita mula sa anak ni Sir Anton. Mukhang matigas ang ulo ng lalaking to ah! Karamihan talaga sa mga anak mayaman ganyan ang ugali. Di na ako magtataka. Pagkatapos i-park ni Sir ang sasakyan ay dumiretso na kami sa loob ng bahay. Sinalubong kami ni Maam at niyakap nito ang unico hijo niya. "Lagay mo yung gamit ko sa kwarto ko" diretsong utos sakin ng dyablo! Hindi na ako nagsalita at mabilis kong sinunod ang utos niya. Jusko naman! Sana lang hindi kami palagi magkakasakubong nito. Nakakainis ang ugali! Gwapo nga ang yabang naman! Ayy naku! Bakit ba siya ang iniisip ko! Buset! Magpasalamat nga siya at pinag-aaral pa siya ng tatay niya! Saka pasalamat siya at mayaman sila - dapat nga mas maging mabuting tao pa siya eh! "Nga pala Denis anong oras ang first subject mo bukas?" Biglang tanong sakin ni Sir Anton habang pababa ako ng hagdanan. "10:30 pa po Sir" magalang na sagot ko. "Okay. Magpahinga ka na at sasamahan mo bukas sa school niyo si Yvan, samahan mo siya mag-enroll" mahabang bilin sakin ni Sir. "Po?" Gulat kong reaksyon. "Bakit? May lakad ka ba bukas ng umaga?" Mabilis na tanong ni Sir. "Ayy wala po Sir. Sige po. Maaga po akong gigising" ngiting sagot ko at mabilis na akong naglakad papunta sa kwarto ko. Binuksan ko na muli ang laptop ko at nagsimula na ulit akong ipagpatuloy ang istoryang ginagawa ko sa w*****d. Di kase ako nakapag-update kagabi - naapektuhan ako sa nabasa kong update ni Author.  . . . "Eto susi ng kotse mo" sabay abot ni Sir kay Sir Yvan. Hala! Ibig sabihin sasakay ako na siya ang driver? "Bakit ba kasi kailangan pa akong samahan! I know what I'm supposed to do" reklamo niya. Ako? Syempre walang kibo. Baka masigawan pa ako ng dyablong to. "Pagkatapos mong mag-enroll pwede mo ng gawin ang gusto mo basta mag-aral ka at pumasok" sabi ni Sir Anton. Kung ako si Sir Anton baka nasapak ko na mukha ng dyablong ito! Nuknukan ng bastos! Di malaman kung kanino nagmana ang walanghiyang ito. Nakakapagisip tuloy ako ng masasamang salita dahil sa kanya. "Hey! What are you waiting for!?" Sita niya sakin habang naglalakad na siya papunta sa sasakyan niya. Sumakay siya sa driverseat at ako naman sa backseat. Ayoko ngang makatabi yan! Saka hanggat maari ayoko siyang kausap - magnonosebleed ako. Di pa naman ako sanay mag-english. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa sasakyan. Kunwari nga eh may katext ako para di masyadong awkward. Diba ganto naman palagi - kunwari may katext o ginagawa sa cp para di masyadong nakakailang. Pagkalipas ng thirty minutes ay nakarating na kami dito sa school. Ipinarada ng dyablo ang sasakyan niya at mabilis na kaming bumaba ng sasakyan. "Dito po tayo Sir" sabi ko sa kanya sabay turo ko sa registrar. Tiningnan lang niya ako at nagsimula na siyang maglakad. Grrrrrrrrr!!!!!!! Sumunod na ako sa kanya. Dapat nga ako ang sinusundan niya eh. Napansin kong pinagtitinginan siya ng mga babaeng nakakasalubong namin at mga babaeng nakaupo sa bleachers. Nakita ko pa nga na nagbubulungan yung ibang mga babae eh. Kaiba noh? Parang ngayon lang nakakita ng tao. Sabagay, dyablo nga pala itong kasama ko. Nandito na kami sa registrar. Binigyan siya ng form para fill-up-an. Pinanuod ko lang siya habang nagsusulat. Yvan Marcus Hernandez Yun pala ang buong pangalan niya. Galing pa man din sa bible tapos ugaling impyerno siya! Ilang minuto lang ay nakatapos na kami sa pagpapasa ng form sa registrar kaya papunta na kami ngayon sa cashier. Habang naglalakad kami ni Sir Yvan ay nakita kong makakasalubong ko ang taong iniiwasan ko. Si Tangkad. Sana naman nakalimutan na niya yung nangyari sa simbahan. Nakakaramdam nanaman tuloy ako ng hiya. "Sige po Sir. Una na po ako... May klase na po kasi ako ng 10:30" paalam ko sa kanya. Imbis na sumagot ay bigla nalang siya tumalikod at naglakad palayo. Hindi ko na inintindi yun. Pasalamat nalang ako dahil tapos na yung awkward moments ko. "Oyy Denis sino yung kasama mong papabol kanina?" Tanong sakin ni Milazhel habang inaayos ko ang gamit ko sa upuan. "Anak ng amo ko yun nang, in short amo ko rin" sagot ko. "Ayy neng! Ang swerte mo! Ang pogi ng amo mo!" Talandeng sabi niya. Kung alam lang ng babaeng ito ang ugali ng dyablong yun! Dumating na ang prof namin at nagsimula ng magpaliwanag ng magpaliwanag. Di ko nga halos masundan eh. Math kase. I really hate numbers! Oh ayan napapaenglish na tuloy ako. Hayip! Natapos ang buong klase ko ng wala akong naintindihan. Tanong ng tanong kasi si Milazhel eh. Kailangan pa bang tanungin kung bakit kailangan hanapin ang X sa math? Hahaha! Loka noh? Lakas makahugot ng loka! At dahil sa maaga pa naman ay naupo muna ako sa canteen. Dito ko muna ipagpapatuloy ang ginagawa ko sa w*****d. Baka kasi hindi nanaman ako makapag-update kapag nawili nanaman ako sa pagbabasa kapag nag-update ang story list ko. Naka-automatic connect kase sa wifi itong cp ko kapag masa bahay na ako. Inilabas ko ang laptop ko mula sa bodybag na dala ko. Binuksan ko agad ito at ini-open ko yung recent word document ko. Nagsimula na akong magtype habang maraming pumapasok na scenario sa isipan ko. "Psssssssst!" "Pssssssst!!!!!" Nilingon ko iyon. Sino? Sino pa! Edi yung grupong laging nantitrip saken. Bakit ba pinapaligiran ako ngayon ng sandamakmak na dyablo!!!? Hindi ko iyon pinansin. Hinayaan ko nalang na sumitsit sila ng sumitsit. Hanggang sa naramdaman ko nalang na umurong ang upuan sa harapan ko at naupo ang leader nila. "Diba sabi ko kapag tinatawag kita lalapit ka agad" mapang-inis niyang sabi sakin. Katulad ng dati hindi ko sila pinapansin. "Hoy! Kinakausap kita! Naapektuhan na ba ng malabo mong mata ang tainga mo at hindi mo ako naririnig!" Medyo malakas na pagkakasabi niya sakin. Nilapitan niya ako at isinara ang laptop na nasa harapan ko. Inilapit niya ang mukha niya sakin. "Ayoko ng hindi ako ini-" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nung biglang may humawak nanaman sa kamay niya. "Ikaw nanaman! Bakit ba palagi ka nalang nakikialam!!!?" Malakas na sigaw ng leader. "Nananahimik ang tao, walang ginagawang masama sayo. Pwede ba tigilan mo na ang pambubully sa kanya!" Matapang na sabi ni tangkad. "Anong problema dito?" Biglang singit ng guard. "Pasalamat ka at dumating ang guard" narinig kong sabi nung leader at mabilis ng tumalikod. At sa pagtalikod niya ay bigla niyang nabangga si... Si Dyablo! "Hindi ka ba marun-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nung bigla siyang sinapok ni Sir Yvan. Napunta lahat don ang atensyon namin. Bulagta sa sahig ang leader. Patay tayo diyan! "Okay ka lang?" Tanong sakin ni Tangkad. "Salamat nga pala kanina..." Tipid kong sabi sa kanya. "Halika.. Sama ka muna sakin..." Sabi niya sakin. Hindi ko alam pero kusang kumilos ang katawan ko at tumayo ako para sumama sa kanya. Napansin kong nakatingin sakin si Sir Yvan. Nakasimangot. Hindi ko na pinansin iyon at sumama na ako kay Tangkad. Sumama ako kay Tangkad. Ewan ko ba pero kusa ng kumilos ang katawan ko at nagpaubaya ako sa kanya. Nandito ngayon kami sa rooftop. Nakaupo si Tangkad sa lapag at ako naman ay nakadungaw sa pasilyo. "Upo ka" tipid niyang sabi sakin. Bahagya akong umurong at naupo. Magkatabi na kaming nakaupo habang nakapatong ang bag ko hita ko. "Nga pala, Powell Jake "PJ" for short" sabay lahad niya ng kamay saken. "Denis Lindsey" pagpapakilala ko rin sabay abot sa kanyang kamay. Hindi naman ito ang unang beses na nahawakan ko ang kamay ng Tangkad na to. Sa simbahan yung una, pero bakit parang naiilang ako? Normal ba yun? "Salamat nga pala sa pagtatanggol sakin kapag pinagtitripan ako nung mga yun" tukoy ko sa grupong laging nangtitrip sakin. "Ah.. Wala yun. Kahit naman sino gagawin yung ginawa ko kapag nakakita ng ganon" nakangiti namang sagot niya. Nagkwentuhan kaming dalawa. Naikwento ko sa kanya na bago lang ako dito sa Cavite at nasabi ko rin na kasambahay kami ni nanay ng isang pamilya. Hanga nga siya sakin eh. Napagsasabay ko raw ang trabaho at pag-aaral. Nagkwento rin siya ng tungkol sa kanya. Basketball player pala siya. Sabagay, sayang ang pagkatangkad niya kung hindi niya magagamit sa sports. "Ikaw? Anong hilig mong sports?" Ganting tanong niya sakin. "Billiard..." -Ako "Talaga? Marunong ka nun? Laro tayo minsan!" Masayang reaksyon niya sa sinabi ko. "Oo ba! Kapag may freetime" ngising sagot ko naman. Kinuwento niya sakin yung mga kaibigan niya. Si Lorenze at si Mike. Bestfriends daw niya yung dalawang yun. Mababait daw kaya sana daw makilala ko siya. Nabanggit din niya yung pangalan na Danica pero di sya masyado nagkwento tungkol dun - bukod sa nasabi niya mabait daw yung babaeng yun. IT pala ang kurso niya. "Pwede patingin?" Sabi niya sabay hubad sa suot kong salamin. "Nakakalula naman tong grado neto.. Malabo talaga mata mo dati pa?" Tanong siya sakin. "Oo. Matagal na itong salamin na to. Kapag nakaipon na ako - magpapagawa ako ng bago" ngiting sagot ko sa kanya sabay kuha ng salamin at sinuot ko ulit. Naging magaan na ang loob ko kay Powell. Nakakawili palang siyang kakwentuhan. Parang di nga nauubos eh. Di nababakante ang oras laging may kasunod at naiisip na tanong. "Yung kasama mo sa Jollibee nung isang araw..." "Ahh.. Si Edward. Kaibigan ko yun. Actually, kakakilala ko palang din sa kanya nung bagong dating ako dito" mabilis kong putol sa sinasabi niya. Nakita ko rin kasi sila sa jollibee nung oras na iyon. Di pa kami magkakilala ni Powell kaya di ko siya pinapansin. Tinatanong nga ako ni Edz kung bakit nakatingin sakin si Powell eh. Nagtaas balikat nalang ako. "Oh pano? Una na ako. Baka pagalitan ako ni nanay kapag ginabi ako ng uwe. Baka matrapik sa tejero" paalam ko sa kanya at mabilis na akong tumayo at pinagpag ang suot kong pantalon. "Wait..." Sabi niya at tumayo rin. "Kunin ko number mo" mabilis niyang sabi nung matapos niyang kunin sa kaliwang bulsa ang cellphone niya. "091796870**" "Sakto globe! Sige... Ingat ka" nakangiti niyang sabi sakin. Nginitian ko siya at nagsimula na akong bumaba. Wala palang ibang napunta ditong estudyante. Tahimik na tahimik kasi at sa totoo lang nakakatakot. Kung anu-ano nga pumapasok sa isipan ko habang nababa ako ng hagdan eh. Naiimagine ko na biglang may magpapakitang white lady o tumatakbong batang babae na may hawak na manika. Takte! Ano ba yan! Gumagana nanaman ang imahinasyon ko! Haaay... Salamat eto na ang exit door. Binuksan ko ang pintuan at humakbang na ako papalabas. "Ayy p**e!!!!" Gulat na sabi ko nung may nabangga ako sa harapan ko. Ako pa nga ang nag-bounce at di natinag ang katawan ng nabangga ko. "What the fu- You!!!? What are you doing there?" Diretsong tanong niya sakin sabay turo sa nakabukas na pintuan. "Pasensya na po Sir... Hindi ko po napansin na nakatayo po pala kayo diyan sa harapan ng pintuan" sabi ko sa kanya. Gusto ko sanang ipagdiinan pa yung salitang NAKATAYO SA HARAPAN NG PINTUAN kaso baka magalit sakin at patalsikin pa kami ni nanay sa bahay nila. "Hindi mo ba nababasa to?" Tanong niya sakin habang nakadutdot ang kamay sa nakapaskil sa pintuan. DO NOT ENTER AUTHORIZED PERSONNEL ONLY Hala! Wala naman nun kanina ah! O baka hindi ko lang talaga napansin? "Ayy hindi ko po napansin Sir.. Naghahanap po kasi ako ng comfort room.." Pagpapalusot ko nalang sa kanya. "Sige po. Una na po ako" mabilis kong dugtong at kaagad na akong umalis. Kapag minamalas ka nga naman oo! Iniiwasan ko na nga ang dyablong iyon tapos palagi ko pang nakikita - nakakasalamuha ko pa! Kainis naman na mga bus to! Puro salungat sa lugar na uuwian ko! Lagot ako kay nanay neto. Mag-a-alas siete na eh. Biglang nahagip ng mata ko si Powell. May kasamang babae. Yun yung kasama niyang babae sa jollibee nung nagkataon na nandun kami pareho. Nakakuyabit sa kanya yung babae at nakangiti. Aktong patawid na sila at papunta dito sa waiting shed nung biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko at ibinaba ang salamin ng bintana. "Let’s go" sabi ng dyablo habang hindi natingin sakin. "Ayy Sir.. Okay lang po... Sige po" nahihiyang tanggi ko. Tiningnan niya ako ng tingin na nangangahulugan na bawal akong tumanggi. Awtomatikong kumilos ang katawan ko at binuksan ko ang pintuan ng backseat at kaagad na akong sumakay. Saktong pagkaupo ko at tumunog ang notification tune ng cellphone ko. I'll call you later. Ingat sa pag-uwe. PJ to. Save mo nalang # q. Sender: 092669232** Hindi ko na muna yon nireplayan. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Kahit naman pala papaano ay may kabaitang taglay itong anak ng amo ko. Haaay... Katulad nalang palagi kapag ganitong oras - TRAPIK! Labasan kasi ng mga nagtatrabaho sa epza kaya eto super trapik dito sa bacao. Bigla ulit tumunog ang cellphone ko pero sa pagkakataong ito call na. Inislide ko at mabilis kong sinagot ang tawag. "Hello..." "Woooow! Ang ganda ng boses mo" sabi ng kausap ko sa kabilang linya. "Si PJ to... Nakauwe na ako - dun kami dumaan sa tulay sa Julugan para iwas sa trapik. Ikaw nakauwe ka na ba?" Bibong tanong kwento niya sakin. "Ayy Ikaw pala Powell.. Eto nandito pa sa bacao - trapik kasi. Buti nakadaan ka don, nakakatakot kaya dumaan don. Parang mapipigtal na" sagot ko naman sa kanya. "One-time idadaan kita don..." Sabi niya. "Sino nga pala yung sinakyan mong kotse?" Dugtong na tanong niya. "Aahh.. Amo ko.." "Mabait pala anak ng amo mo..." Jusko! Kung alam lang nito ang ugali ng dyablong kasama ko! "Ah.. Powell, tawagan nalang kita maya pagdating ko sa bahay..." Mahinang sabi ko sa kanya. Nahihiya kasi ako. Nahihiya akong marinig ng dyablo na may kausap ako. Naiilang sa madaling salita. Rinig na rinig din kasi niya ang boses ko at ako lang ang maingay. "Okay sige Lindsey. Antayin ko tawag mo ha..." Sagot naman niya at naputol na ang pag-uusap namin. Ilang minuto lang ang lumipas ay nandito na kami sa bahay. Nagpasalamat nga ako kay Sir kasi dire-diretso lang siya ng lakad papasok ng bahay. Napaka! Nagmano ako kay nanay. Sinabi ko na trapik kaya ngayon lang ako nakauwe. Hindi ko na binanggit na sinabay ako ni dyablo. Nagbihis na ako at ginawa ko na ang mga ibang gawain na hindi pa natatapos ni nanay. "Nak kumain ka na pagkatapos mo diyan ha" bilin sakin ni nanay. Mabilis kong natapos ang trabaho ko. Kumain narin ako kaya nandito ako ngayon sa upuan malapit sa swimming pool. Kaharap ko ang laptop at nakakaramdam ng inis dahil wala pang update sa AMKB. Ano nanaman kaya ang inaarte arte ni Author! Wala pang update! Kainis! Syempre sa isip ko lang yan. Baka may makarinig pa sakin at isumbong pa ako ke author. Baka tuluyan ng hindi mag-update yun. Napansin kong may message ako. Sabi mo tatawagan mo ako :( Ayy! Oo nga pala. Nakalimutan kong tawagan si Powell. Grabe naman tong lalakeng ito! Feeling close na agad noh? Hahaha! Pero okay na yung ganito - at least kapag may nagtangka nanaman sakin mantrip ay may magtatanggol na sakin. New friend kumbaga. Ni-tap kong yung number niya at yung call button. Naka-unli call naman ako kaya walang problema. Wala pa atang tatlong ring ay sinagot na agad niya ang tawag. "Hi Lindsey!" Mabilis niyang bati sakin. Sarap palang pakinggan ang pangalan kong Lindsey aa! First time kasing may tumawag sakin sa pangalan na yan. Malimit kasi yung first name ko. Denis. Katulad kanina hindi nanaman maubusan ng kwento si Powell. Nakaupo daw siya ngayon sa maliit na upuan ng garden nila habang nakain ng wafu yung tigtetres, yung parang stick-o. Lahat na yata nikwento niya. Pati nga yung laban ni Doflamingo at Luffy kinuwento niya sakin ee. Pati rin yung laban ni Naruto, Sakura, Sasuke kay Kaguya - detalyado! Astig noh? Ikwento ko kaya ang lahat ng episodes ng Sailor Moon Sailor Star? Hahaha! Dejokelang. Bigla akong napatigil sa pagsagot sa mga kwento ni Powell nung napansin kong nasa harapan ko si Sir Yvan. Topless! May abs pala ang mga dyablo! Dagdag pa ang V-line. "Hello Lindsey??? Oh nawala ka na?" Rinig kong sabi ni Powell. Hindi ko masagot si Powell dahil sa taong masa harapan ko. Takte! Natutulala talaga ako. "Sir????" Patanong na bati ko. "Ah... Powell, text nalang kita mamaya.. May gagawin lang ako" paalam ko sa kanya sabay end call. "Ikuha mo ako ng sanmig sa ref" diretsong utos sakin ni Sir Yvan a.k.a DYABLONG MAY ABS. "Opo sir" sagot ko at inilapag ko ang cellphone ko sa table katabi ng laptop at mabilis na akong nagpunta sa kusina para kumuha ng pinapakuha ni Sir. "Eto na po Sir" sabay abot ko sa kanya. Hindi nanaman siya nagsalita kaya kinuha ko na ang laptop ko at cellphone ko. Umalis na ako at dumiretso na ako sa kwarto ko. Powell bukas nlng uli. Phinga n ak. Phinga k nrn. Gudnyt po. Text ko kay Powell. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko nung tumunog ito. Okay po. Phinga nrn po aq. Txt mko pgkgcng mo ha. Sweetnight po. Mabilis na reply niya sa text ko. Hindi ko na ulit nireplyan yun. Baka magkahaba nanaman at mauwe nanaman sa kwentuhan ang text namin. Baka ang ikwento naman ni Powell ay si Natsu ng Fairytale. Hahaha! Anime lover. Pipikit na sana ako para matulog nung biglang nagring ang cellphone. Haaay naku! Sigurado ako si Powell nanaman to. Tiningnan ko ang screen. 091696363** Calling.... Dedecline ko na sana pero number lang ang maka-appear sa screen. Nilagyan ko na kasi ng pangalan yung number ni Powell dito sa cellphone ko ee. "Hello....." Pagsagot ko sa tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD