Denis Lindsey Blancaflor Point of View
Denis dito ka sa unahan - di mo makikita diyan, ang tatangkad ng nasa unahan mo oh!" Malakas na sabi sakin ni Milazhel.
Wow ha! Lakas neto ah!
Oo na! Ako na pandak!
Hindi na ako nagsalita at kaagad na akong lumipat sa unahan. SALAMAT SA CONCERN AH! Capslock yan para dama!
Ako nga pala si Denis Lindsey Blancaflor. 16 years old. Bata ko pa noh? Nabibilang ako sa ikatlong kasarian. Pero hindi ako nagsusuot ng mga pambabaeng damit. Malabo ang mata ko kaya may suot akong salamin. Medyo may kalumaan na nga ang salamin ko eh. First year college palang ako. Bago lang kasi ako dito sa Cavite.
Kung hindi nga lang dahil kay nanay ay hindi ako pupunta dito. Isa kasing kasambahay si nanay dito. Mabait daw ang amo niya. Sinabi daw ng amo ni nanay na papuntahin ako dito sa Cavite at sila na daw ang bahalang magpaaral sakin.
Sa totoo lang ayaw ko talaga kaso mukhang kailangan talaga ng katulong ni nanay sa mga gawain dun sa bahay ng amo niya. Ang laki laki kasi eh. Mansyon na yata ang tawag don.
Nung huling dalawang linggo lang ako dumating dito. Nahihiya pa nga ako at sinamahan pa ako ni Sir Anton dito sa school para mag-enroll. Sabi ko nga hindi na nila ako kailangan pa pag-aralin kasi malaki naman ang sweldo ni nanay at pati ako ay sinuswelduhan rin.
At dahil sa sobrang kabusilakan ng puso ni Sir Anton ay hindi siya pumayag na hindi ako mag-aral ng kolehiyo. Para sakin din naman daw iyon kaya huwag na daw ako tumanggi.
Dumating na ang prof namin at dire-diretsong nagdiscuss tungkol sa gestalt. Syempre naman nakikinig ako. Ayoko kayang bumagsak. Nakakahiya sa nagpapaaral sakin kung babagsak ako. Sayang din yung pera na binabayad dito sa school.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Palihim kong kinuha sa kaliwang bulsa ko iyon.
Lindsey una n aq umuwe. Ddaan p aq ke Angel eh
Sender: Edz
Si Edz? Ahh.. Yung kasama ko kanina sa Jollibee. Nagkakilala kami nun nung nagkataon na nagpunta ako sa palengke. Naligaw ako. Tapos nagmagandang loob siyang ituro sakin ang daan at sinamahan niya pa ako sa sakayan. Simula nun naging magkaibigan na kami. Oh wag mag-isip ng masama - may girlfriend na yun noh!
"Okay Class. See you" pagpapaalam ng prof namin.
Hala! See you agad? Ang bilis ah! Mabilis kong tiningnan ang orasan. Tapos na nga. Hindi ko napansin ang oras ah.
Pagkatapos kong maiayos ang gamit ko ay lumabas na ako ng room at bumaba ng hagdan.
Haaay... Eto nanaman yung isang tropang laging nangtitrip sakin. Ayoko naman rin patulan kasi, una bago palang ako dito. Pangalawa, ayoko talaga ng nakikipag-away. Pangatlo, nakakahiya kina Sir Anton kung malalaman nilang nakikipag-away ako. Ano nalang ang sasabihin nila sakin, diba?
Kaya hinahayaan ko nalang sila. Tiis lang. Dadating din naman ang araw na magsasawa rin itong mga to.
Nakayuko akong naglakad hanggang sa makalampas sa kanila. Naririnig ko pa ngang sumisitsit yung isa sa kanila pero hindi ko nalang iniintindi.
"Malabo na mata - bingi pa!" Sigaw nung isang lalaki at pagkatapos nun ay nagtawanan sila.
Hindi ako nalingon. Hindi ako natigil sa paglalakad. Dire-diretso lang ako.
"Diba kanina pa kita tinatawag?" Biglang may humawak sa kamay ko dahilan para mapatigil ako at bumagsak nanaman ang hawak kong libro.
Hindi ako nagsasalita.
Nakayuko lang ako. Ayokong tingnan ang mukha ng taong mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.
"Kapag tinatawag kita dapat lalapit ka agad! Ayoko ng binabalewala ako!!!" Malakas na sigaw niya.
Ang sakit na ng pagkakahawak niya sa braso ko. Pakiramdam ko nga mababali na kamay ko eh. Yung mga kasama naman niya nakangisi lang at parang tuwang tuwa pa sa ginagawa ng lalaking to.
"Pre nasasaktan na ang tao, bitawan mo na" biglang narinig ko. Nanatili parin akong nakayuko. Ayoko kasing makita nila ang mata ko na nagbabadya na sa pag-iyak.
"Ano bang pakialam mo? O baka gusto mong ikaw naman ang pagtripan ko!!?" Matapang na sagot naman ng lalaking may hawak sakin.
"Palibhasa alam mong hindi papalag kaya pinagtitripan mo!" Matapang pa ring sagot nung lalaki.
Lumuwag ang pagkakahawak sa braso ko at tuluyan ng binitawan.
"Eh tarantado ka pala eh!!!" Sigaw nung lalaking humawak sakin at sumugod dun sa lalaking dumating. Bago pa sila tuluyang magpang-abot ay inawat na sila ng mga estudyante.
"May araw ka rin saken!!!!" Sigaw nung mayabang na humawak sa braso ko.
Dahan dahan kong dinampot ang mga librong nalaglag kanina.
"Okay ka lang?"
Muli kong tinunghay ang mukha ko. Siya nanaman. Siya yung umawat din sa kanila nung pinagtripan rin ako ng grupong yun nung isang linggo.
Tango lang ang sinagot ko.
"Salamat...." Tipid kong sabi at nagsimula na akong maglakad palabas ng school.
Ganito pala talaga dito. Maraming taong mayayabang. Hindi katulad sa probinsya na halos lahat ng tao ay mabubuti. May respeto. Akala lang ng mga kaibigan ko sa probinsya na masaya dito - ang hindi nila alam, impyerno!
Ilang minuto lang ay nakarating na ako dito sa bahay. Matapos kong magbihis ay nagsimula na ako sa trabaho ko.
Si nanay ang nagluluto ng hapunan at ako naman ang nag-aayos ng hapagkainan.
Pagkatapos kumain nila Sir Anton ay nagliligpit naman ako ng pinagkainan at minsan naman ay naglilinis ng swimming pool.
Haaay.... 11pm na agad. Ang bilis ng oras.
"Ohh Denis maya maya magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas ha" sabi sakin ni nanay habang nakaupo ako malapit sa pool.
"Opo nay. Nagpapaantok lang po ako" magalang kong sagot sa kanya.
Pagkaalis ni nanay ay binalik ko ang atensyon ko sa pinagpapatuloy kong story sa w*****d. Nakakawili kasi eh. Saka ang sarap sa pakiramdam kasi iniimagine ko ako yung bida sa ginagawa kong istorya.
Hanggang sa biglang may notification akong natanggap. Message notif.
Thank you nga pala.
Ginamit ko kasi yung poem na gawa. Maraming salamat po talaga.
Sender: Mr. Awesome
Hindi ko na nireplayan yun. Ayos lang naman na kopyahin yung gawa ko - atleast alam ko sa sarili ko na ako ang may gawa nun. Nakita ko rin na ni-follow niya ako sa w*****d.
Alam mo pamilyar ka talaga sakin. Parang nakita na talaga kita.
Sabi niya ulit.
Naku! Di ako maniniwala sa mga ganyan ganyan. Di mo ako maloloko noh! Naghahanap ka lang ng makakachat at ako ang napili mong pagtripan. Hahaha!
"Denis oh bat gising ka pa? Wala ka bang pasok bukas?" Biglang dating ni Sir Anton.
"Ayy Sir! Meron po. Nagpapaantok lang po ako..." Magalang kong sagot sa kanya.
"Nga pala Denis, nextweek uuwe ang anak ko galing Canada. Pakilinis yung kwarto sa itaas at pakipalitan ng bedsheet na superman. Nasa cabinet yung mga bedsheet" bilin sakin ni Sir.
"Opo Sir"
Siguro bata pa yung anak ni Sir. Superman kasi yung bedsheet. Ang cute siguro nun - magandang lalaki kasi si Sir at maganda si Mam. Kaya sigurado ako cute ang anak nila. Sana makasundo ko ang batang yun.
Sabado.
Walang pasok.
Maaga parin ako nagising kahit walang pasok. Marami rin kasing ginagawa dito sa bahay eh. Pagkatapos kong magluto ng umagahan ay tinungo ko naman ang pool para linisin ulit ito.
Oo. Tama. Ako ang nagluluto tuwing sabado at linggo. Si nanay kasi ang naglalaba. Sinasabi nga ni Sir Anton na ipa-laundry nalang daw ang mga damit kaso ayaw pumayag ni nanay. Ewan ko ba dito kay nanay - pahirap sa sarili. Kung sabagay, malaki rin kasi ang pasweldo ni Sir kay nanay kaya siguro si nanay na ang gumagawa ng ganoong gawain.
Matapos kong linisin ang pool ay dumiretso na agad ako sa itaas. Dun sa sinasabi ni Sir Anton na kwarto ng anak niya. Hindi naman masyadong magulo - maayos pa nga eh. Maalikabok lang. Sinimulan ko ng linisin iyon. Winalis ko at ni-mop ko. Pinakintab ko talaga para magustuhan ng batang anak ni Sir Anton. Katulad ng sinabi ni Sir ay pinalitan ko ng bedsheet yung kama - superman. May mga nakita pa nga akong iba't ibang design na bedsheet ng superman eh. Pero itong kulay blue ang napili ko. Ang cute kasi. Sigurado ako magugustuhan ng anak ni Sir to.
Pati yung kurtina ng bintana ay pinalitan ko. Superman din. Astig nga eh. Idol na idol siguro ng batang iyon si Superman. Ako kasi si Spiderman ang gusto ko. Astig kasi yun.
Showing na nga pala this week yung The Amazing Spiderman, papanuorin ko yun kahit mag-isa lang ako. Hahaha! Loner lang.
Naglinis narin ako ng buong bahay. Nakakapagod nga eh. Pero okay lang - masarap naman ang merienda, lomi! Paborito ko. Lalo na yung tinitinda ni Ate Peli, yung sa kanto. Masarap talaga - promise!
Matapos kong linisin ang buong bahay ay naglinis naman ako ng kwarto ko. May tig isa kasi kami kwarto ni nanay dito. Astig noh? Kasambahay na may sariling kwarto. Pati narin yung ibang katulong dito at yung driver nila Sir Anton ay may kanya kanya rin kwarto, ganon kalaki ang bahay dito. Syempre naman hindi ko kayang linisin ang buong bahay na ito - sinabi ko lang yun kanina. Hahaha kasabay kong naglilinis sila Ate Josie at si Karen. Kasing edaran ko lang din.
Dahil sa pagod na ako ay umupo na muna ako sa kwarto ko at binuksan ko ang laptop ko. Sosyal ko noh? May laptop ako. Regalo sakin ito ni nanay dati nung pagkagraduate ko ng highschool, tagal ko na kasi gusto magkalaptop. Bihira kasi sa probinsya ang may ganito. Sikat ka kapag meron ka. Ang yabang ko nga dun eh.
Binuksan ko ang w*****d account ko. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong story. Kakasimula ko palang sa bagong ginagawa ko - karamihan kasi ay tula ang ginagawa ko. Medyo na-inspire lang ako nung unang beses akong makabasa ng story (Bromance pa nga eh. Ang Manliligaw Kong Bully pa nga ang title) Maganda diba? Kakainggit si Chriden don. Kaso nabibitin ako - pabitin kasi ang Author nun! Kainis! (promote promote din)
Kahit naman bago palang ang story ko ay may ilan ilan naring nagbabasa. 26. Ayos na yun - atleast may nagbabasa diba? May followers narin ako - dalawa. Ayy tatlo na pala - may bagong nag-follow saken eh.
Mr. Awesome ang username niya. Utut mo! Awesome awesome! Ikaw yung nagsabi na kinopya yung poem na gawa ko tapos awesome tawag mo sa sarili mo? Hambog! Sabi ko lang yan syempre.
Mr. Awesome added your story to reading list name 'pandak'
Takte! Ayos ang name ng list niya ah! Pang-asar!
Hindi ko na inintindi yun. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa ginagawa kong story.
Sana magkatotoo lahat ng tinatype ko dito sa w*****d - ang sarap siguro sa pakiramdam na may sobra sobrang nagmamahal sayo tapos mahal mo rin. Yung nagmamahalan kayo tapos may dadating na problema at sabay niyong lalampasan. Sabay niyong lulutasin. Sarap sa feeling non! Da bes. Kaso sa w*****d lang yun eh. Sa w*****d lang kasi nai-e-express ang hidden desire ng mga writers - at ramdam kong isa na ako don.
Kung naging babae kaya ako, maganda kaya ako?
Kung naging lalake kaya ako, pogi kaya ako?
Tumingin ako sa salamin.
Ayy takte! Change topic na nga!
May maganda bang nakasalamin at ang kapal kapal ng buhok? Pandak pa! Pero panalo naman ako peslak noh! Wala akong tigyawat, makinis to noh. Di na kailangan ng camera 360, smooth skin to. Aww! Ang yabang ko noh?
Dahil sa kalokohan ko ay hindi ko na napansin ang oras. Alas dyis na pala ng gabi. Isinara ko ang laptop ko at himiga na ako sa kama ko.
.
.
.
.
Katulad kahapon ay maaga akong gumising. Nagluto at nagwalis walis sa garden. Nagdilig at inayos ko ang mga pasong nakahanay sa bawat gilid ng malalaking puno. Naiimagine niyo na? Naiimagine niyo na bang para akong engkantada dito habang bitbit ang paso?
Matapos yun ay bumalik na ako sa kwarto ko. Binuksan ko ulit ang laptop ko at as usual w*****d at sss lang. Palipas oras.
Wala paring update si Author sa AMKBII. Sa totoo lang mas gusto ko talaga si Jerome kay Den eh. Pero wala tayong magagawa - hindi pwedeng diktahan ang puso.
Tumingin ako sa orasan. 3pm na. Dali akong nagtungo sa banyo at naligo. Muntik ko ng makalimutan linggo nga pala ngayon. Sisimba ako.
"Nay, simba muna po ako!" Paalam ko kay nanay habang pinaplantsa ang uniform ko para bukas.
"Sige anak. Mag-iingat ka" sagot naman niya.
Naku nay! Walang magtatangka sa buhay ko noh! Ganto na nga itsura ko wala pa akong pera - baka nga mas mapagkamalan pa akong holdaper o killer eh.
Katulad dati - sa likod lang ako napwesto. Ayoko kasi sa unahan - di naman sa pagiging maarte, mainit dun.
Teka parang pamilyar sakin itong lalaking parating ah. Papunta dito sa pwesto ko.
Tama! Siya yung pumigil sa mga nantitrip sakin sa school. May kasama siyang babae. Pak na pak yung babae. Maganda. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya wala akong ibang naisip gawin kundi ang ngitian siya. Tutal tinulungan naman niya ako at nasa simbahan naman kami kaya nginitian ko siya. Smile is the best communication diba?
Nagsimula na si Father. Tahimik lang ako ngayon kasi di ko kasama yung kaibigan ko. May gala daw.
Hanggang sa dumating yung Hawak kamay 'Ama Namin'. Diba ganoon talaga kapag sa katoliko? Imbis na nakataas ng bahagya ang kamay ay naghahawak hawak ang magkakatabi. Kaya eto ngayon - nagkahawak kamay kami nung lalaking tumulong sakin. Di ko alam pangalan ee pero matangkad siya. Nanliliit nga halos ako dahil magkatabi kami. Sa kabilang kamay naman niya ay yung babaeng kasama niya.
Di naman malambot at di rin magaspang ang kamay niya, nararamdaman ko ngang medyo nanginginig kamay niya eh o kamay ko?
Hala! Bakit ko binigyan ng atensyon ang kamay niya? Nawala tuloy ang atensyon ko kay Father.
"Ahh... Excuse me... Yung kamay ko..."
"Ayy... Sorry..." Nahihiyang sagot ko.
Potek kasi eh! Kakahiya tuloy. Kanina pa pala tapos yung part ng magkahawak kamay. Kahiya tuloy!
Sumainyo ang Panginoon...
Magbigayan kayo ng kapayapaan sa bawat isa... Peace be with you...
Nakipag-peace ako sa nga taong nasa paligid ko.
"Peace be with you..." Sabi ng katabi ko at tumango lang ako senyales ng pagbati ko sa kanya.
Di tuloy ako makatingin ng ayos sa kanya. Nahihiya tuloy ako dahil kanina. Badtrip naman oh. Iiwasan ko talagang makasalubong ito sa school.
Natapos na ang misa kaya nagpasya na akong lumabas ng simbahan. Gitgitan nga eh. Kala mong mauubusan ng pintuan! Sumakay na ako ng tricycle. Mukhang uulan kasi. Wala pa naman akong dalang payong.
Nagmano ako kay nanay at dumiretso na ako sa kwarto ko. Wala na akong ginagawa kapag ganitong oras pag linggo. Nagawa na lahat ni nanay habang nasa simbahan ako.
Binuksan ko ulit ang laptop ko at w*****d ulit. Yes! May update na si Author. Babasahin ko na muna ito bago ko ipagpatuloy yung story ko.
Kainis naman oh! Sabog luha ko nung malaman kong nakabuntis si Paul! Buset na yan! Lintek na istoryang yan! Wala ng alam kundi saktan si Den! Dama ko tuloy yung sakit. Nawala tuloy ang gana kong mag-update ng sarili kong story. Affected much ako. Promise.
"Denis anak tawag ka ni Sir Anton" gambala ni nanay sa pag-uulit kong pagbabasa sa update ni Author sa AMKB. Baka kasi sakaling mag-iba ang storya ee.
Mabilis akong nagtungo sa sala at pinuntahan ko si Sir.
"Sir tawag niyo daw po ako?" Magalang kong tanong.
"Ah oo Denis. Pwede ka bang maaga umuwe bukas? Napaaga kasi ang uwe ng anak ko eh" sabi ni Sir sakin habang nakaupo sa set at nanunuod ng CNN.
"Opo Sir. Mga anong oras po?" Tanong ko.
"Mga 4pm tayo aalis dito. 7pm pa naman ang arrival ng plane" sabi ulit ni Sir.
"Okay sige po sir" huling sabi ko at bumalik na ako sa kwarto ko. So ibig sabihin hindi ako papasok sa last subject ko. Ayos na yun. Hindi muna kami magkikita ni tangkad. Maiiwasan ko muna siya. Siguro naman sapat na ang dalawang araw para makalimutan niya yung nangyari sa simbahan diba?
Pagkabalik ko ng kwarto ay pinagpatuloy ko na ang ginagawa kong story. Gusto ko kasi araw araw ang update - para mawili yung mga readers. Sana si Author ganun din ang isipin.