Chapter 20 : On The Act

716 Words
BETHANY Nababagot na talaga siya dahil isang oras na silang nakaupo sa may lounge area. At ang tanging nagawa lamang niya ay ang pag-iiscan sa kanyang tab. Pwera nalang sa dalawang lalaki na kasama niya na nalilibang sa pag-uusap. Hindi rin kasi siya makasabat dahil hindi naman siya maka relate sa topic ng dalawa. "Hindi ko alam kung anong maitatawag natin sa gabi na ito." sambit ni Gib na napasandal sa kanyang upuan. "Wala tayong patutungohan nito." "Sa tingin ko, kailangan na nating bumaba." sa wakas nakasabat rin siya sa pag-uusap ng dalawa. "You two guys are supposed to be working undercover. Bakit kailangan pa nating maghintay dito?..kung papasukin nalang kaya natin ng palihim yong kwarto na sinasabi ko sa inyo." GIB "Hindi pwede." his voice was low, but the words were still sharp. "Hindi natin pwedeng basta-basta nalang mapapasok yon. Mas mahigpit pa nga kaysa Buckingham Palace ang security doon." Sinubokan kasi nila kanina ni Alex na pasukin ang kwartong iyon. They had managed to set their foot inside the casino, but that was it. Mabuti nalang naging maagap sila at mabilis lang silang nakalabas. "But we need to do something." giit ni Bethany. "I feel like a sitting duck here and--" "Hindi rin ito madali para samin." pinutol niya ang sasabihin pa ng babae. "Minsan nga ang pagsusurveillance ay aabot pa ng isang buwan o higit pa." "Hihigit pa sa isang buwan?" di makapaniwalang anito. Napakunot-noo naman siya. "Kailangan muna nating makapasok sa organisasyon ni Marco Montez, infiltrate it somehow, at kapag nakapasok na tayo sa organisasyon nila, doon natin kukunin ang pagtitiwala niya..." Nagsasalita pa lamang siya nang mag interrupt sa kanya si Bethany. "Parang si Marco Montez yong papalapit sa atin ah." "Si Marco nga at saka si Buno." Alex confirmed. "Parang lasing na naman si Buno." Napakunot-noo si Bethany. "Bakit kaya nagtatiyaga yang si Marco Montez sa isang bodyguard na lasinggero?" Napatawa naman si Alex. He watched as Marco glared at Buno then turned his attention to Bethany. "Magbayaw kasi sila." aniya kay Bethany. "And at the same time si Buno ang right hand ni Marco." "Paano naman sila naging magbayaw?" kuryosong tanong sa kanya ni Bethany. "Sister kasi ni Marco ang asawa ni Buno." paliwanag niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Bethany. "Ano? Ang sabi mo walang pinapatos na babae yang si Buno?" "Honey, ano kaya ang gender ng baby natin noh?" sabi niya kay Bethany sabay haplos sa tiyan nito nang mapadaan sina Marco at Buno sa tabi nila. "Kung lalaki, sana kamukha ko siya." BETHANY Feel na feel naman niya nang sabihin iyon ni Gib. Ano kaya ang feeling ng magiging ina noh?..She couldn't remember imagining herself as a wife and mother. Pero ito siya ngayon, and the result was curiously pleasant. Somehow the pillow belted around her tummy, and what it was supposed to represent, only reinforced the image. Ang pinapantasya niya ngayon ay isang batang babae na kamukhang-kamukha ng kanyang ama. The little girl ran down the sidewalk to greet her father, home from the Camp... Naku! nanaginip yata siya ng gising, she thought shakily. Napabalik lamang siya sa kanyang presensya ng magsalita si Alex. "May ideya na ako. How about itodo nalang kaya natin ang acting ninyo?" mungkahi ni Alex. "Stay here Bethany." sabi sa kanya ni Gib at sinundan nila si Marco at Buno. With that whispered warning echoing in her ear, nakita nalang niya na sinakal ni Alex ang leeg ni Marco. Lumakas naman ang t***k ng puso niya sa nakikita. Sinakal rin ni Buno si Alex upang mabitawan nito si Marco. Ibinalibag ni Buno si Alex at nang makabawi si Alex ay sinuntok naman nito si Buno. "Juice kong mahabagin, ito na kaya ang sinasabi ni Alex na acting?" mahinang sabi nya sa sarili. The next thing she knew, namimilipit na sa sakit si Buno, marahil napurohan ito sa malalakas na suntok mula kay Alex. At sa sobrang bilis nga ng pangyayari, namalayan nalang niya na si Marco at Alex ang nagbakbakan ngayon. Halos aatakihin naman siya sa puso nang biglang lumitaw si Gib sa eksena ng dalawa. At sa isang iglap lang, nagpakawala ng isang malakas na suntok si Gib na tumama sa kaliwang panga ni Alex. Bago pa siya makapagreact sa nakita, bumagsak na sa sahig si Alex. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD