Chapter 19 : Disguise

848 Words
BETHANY Nagkasundo silang tatlo na doon nalang sa Gray Paradise sila magkita-kita ngayong hapunan. At exactly seven-thirty na siyang nakarating sa entrance ng banquet hall, agad namang hinanap ng mga mata niya ang table na pina reserved ni Gib. "Can I help you?" salubong sa kanya ng magandang hostess. Nginitian niya ito. "Yes, I'm supposed to meet someone. Oh, there they are." Nagpasalamat siya sa hostess at agad niyang nilapitan ang mesang kinaroroonan ng dalawang gwapong lalaki na nakasuot ngayon ng magarang tuxedo. A white coated waiter was in the process of transferring ice water from a tray when she arrived at the table. Laglag naman ang panga ng dalawang lalaki pagkakita sa kanya, pero agad din namang nakabawi ang dalawa sa pagkagulat. Pero ang mas ikinagulat ni Gib ay ang paghalik niya sa pisngi nito na kaharap si Alex. "Hello sweetheart. Sorry na late ako, pero alam mo naman ang mga babae. Nahihirapan lang talaga akong maghanap ng damit na isusuot." hinaplos niya ang kunwaring umbok ng kanyang tiyan. Na nilagyan lang naman niya ng maliit na unan sa ilalim. "Lalo kasing lumalaki si baby araw-araw eh." sinadya niyang lakasan ang boses para marinig siya ng iba pang tao doon. "Menu ma'am?" magalang na saad ng waiter. "Yes, thank you." sagot niya sa waiter habang sinulyapan niya ang dalawang lalaki na ngayon naman ay titig na titig sa curly at burgundy na kulay ng kanyang wig. The waiter was still hovering at the table, removing the extra place setting. Sa wakas ay nag-iwas rin ng tingin sa kanya si Gib, but she had to send a warning glance to Alex. Tinakpan naman ng lalaki ang mukha nito sa menu na kunwari pumipili na ito ng o-orderin. Nagpaalam sandali ang waiter na babalikan lang daw nito ang table nila mamaya. "Well, kumusta ngayon ang ayos ko guys?" agad na tanong niya sa dalawa. "Do you like the new me?" Napatawa naman si Alex. "Buti naman at nahanap mo kaagad kami." anito, his eyes twinkling. "Pero kami, hindi ka namin nahanap." Bumaling naman ang paningin niya kay Gib. "Well, Gib?" she asked boldly. "Sa tingin mo ba mamumukhaan pa kaya ako ni Buno?" bulong niya dito. "Probably not," walang ganang sagot nito. "Pero kung ang inaasahan mo ay hindi ka na mapapansin niyan ni Buno, pwes nagkakamali ka. Dahil walang pinapatos yan si Buno basta nakasaya." "Ah ganon." nagkunwari nalang siyang hindi apektado sa sinasabi ni Gib. "And what about Marco? Does he chase after anything in skirts, as well?"   GIB Pinasadahan niya ng tingin si Bethany. At ngayon lang niya napatanto na kahit anong ayos ng babae ay maganda pa rin ito. Sa totoo nga, she looks cute in preggy look..Pero ang tanong nito kung papatulan rin ba ni Marco Montez ang mga babaeng nakasaya?..yon ang napatigil sa kanya. "Wala akong ideya." tipid na sagot niya sa tanong ni Bethany. "Pero kung gagawin mo nanaman ang ginawa mo kagabi, mas mabuti pang magsulat ng magsulat ka nalang sa pahayagan ninyo kaysa sasabak ka sa sitwasyong gaya nito." Bethany's eyes flashed. "Hindi naman mangyayari yon kung na rescue mo ako kaagad." angil na pahayag nito. "Nagka amnesia ka yata Inspector Sarmiento sa nangyari kagabi." Of all the things for her to remind him of. It was the last thing he wanted to think about, at sa palagay niya may pinahihiwatig sa kanya ang babae. Damn! she really knew how to strike a low blow. May sa kung ano kay Bethany Dalman na nagpapabuhay sa loob-loob niya. One of these days...he promised himself as he drew a deep calming breath. One of these days he was going to take her to pleasure she could never had imagined. Pero ano ba itong mga iniisip niya? Iyon yata ang pinakahuling bagay na gugustohin niya. Matapos nilang maghapunan, napagkasunduan nilang doon muna sila makitambay sa may lounge area. Nagpaalam naman saglit sa kanila si Alex na pupunta ito sa restroom. Unang naglakad sa kanya si Bethany, at siya naman ay nakasunod lang. Nang masabayan na niya itong naglalakad, binulongan niya kaagad ito. "Ang mga buntis ba ay kumikembot pa rin ba sa paglalakad?" Tiningnan naman siya ng masama ni Bethany. "Kumikembot?" balik na tanong nito. "Yeah." at pinasadahan niya ulit ng tingin ang babae. It lingered for long, in uninterrupted seconds. "Ahh.. hindi ka pala kumembot, you wiggle." nakangiting saad nito.   BETHANY "I...wiggle?" bahagya naman siyang natulala ng masilayan niya ulit ang ngiti sa mga labi ni Gib..Did he have any idea how breathtaking he looked wearing that smile? "Bakit mo nasabi yan, Gib?" she laid a hand on his arm and moved so that her breasts brushed the front of his shirt. "Akala ko hindi mo ako napapansin."   GIB He would have to be blind not to, he thought dimly. Masyado na kasi siyang naalibadbaran sa pakembot-kembot ng lakad ni Bethany, and the most annoying part is that she wiggled into the lounge, staring after her and wondering what the hell he was going to do about her..at higit sa lahat, pinaalalahanan na siya ng kanyang katawan sa gusto niyang gawin. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD