GIB
Si Bethany lang ang naging laman ng kanyang isipan sa buong araw na iyon. Hanggang sa tumawag sa kanya ang babae pagsapit ng gabi.
"Hi, si Bethany to. Hiningi ko pala ang number mo kay Alex. Kumusta ka na?" malambing na tanong nito.
"Masakit pa rin ang ulo ko." masungit niyang sabi. "Siguro pinagtatawanan mo na ako ngayon noh?"
"Hindi ah.." depensa nito. "Ibig sabihin ba nito, hindi muna matutuloy ang pagmamanman natin kay Marco Montez."
BETHANY
Bigla namang nanahimik ang kabilang linya sa sinabi niya. She could almost envision Gib warily eyeing his phone, wondering if he heard right. "Would you like some piece of advice?" basag niya sa pananahimik ng kausap.
Narinig nalang niya na napabuntong-hininga ang lalaki sa kabilang linya. "Ano naman ang ipapayo mo?"
Lihim naman siyang napangiti sa iritadong boses ng lalaki. "Uminom ka ng aspirin at bumalik ka sa kama mo para magpahinga."
"Alone?"
Hindi na lamang niya pinansin ang sarkastikong tono ng lalaki. "Is that an other invitation?" she asked in her most seductive voice.
Namayani na naman ang katahimikan sa pagitan nila. "Kalimotan mo nalang ang sinabi ko." ani Gib. "Sa katunayan nga...Oh, hell!" nahihimigan niyang nabagabag talaga ang lalaki at di mapakali. Lihim ulit siyang napangiti. "Look, Bethany." pag-aalinlangan nito. "Siguro kalimotan nalang natin ang nangyari kagabi. Dahil hindi na yon mauulit."
"O-kay"
Napangiti lamang siya sa sarili niya. Ang dali lang naman pala mauto ni Gib.
"Gib," pag-iiba niya ng paksa. "About tonight. Kung matutuloy man ang pagmamanman ulit natin ni Marco Montez, sa halip na nasa labas ka, bakit hindi nalang tayong tatlo ang pumasok sa loob ng nightclub?"
"Hindi naman tayo magtatagal don." he sounded a little impatient. "Tuso si Marco Montez, Bethany. Pagkatapos nang engkwentro ninyo ni Buno kagabi, sa tingin ko mas humigpit na ngayon ang pag-iingat nila." he paused. "At saka Bethany, siguro hindi na ligtas para sayo na papasok ka pa sa loob ng nightclub."
Napatuwid naman siya ng upo. Nag expect na siyang sasabihin talaga iyon ni Gib.
"But why?" she demanded.
"Baka namumukhaan ka na ni Buno. Hindi mo ba naisip yon?"
"Lasing siya sa gabi na yon, Gib. I'm sure hindi niya ako namumukhaan."
"Pagkatapos nang ginawa mo sa kanya. Hmm..I doubt."
"Pero ayaw kung tumunganga lang dito, Gib." aniya pa. "May ideya na ako. Hinding-hindi ako mamumukhan ni Buno, I swear. Basta isama nyo lang ako. Sige na Gib."
"Hindi ko pa alam." walang kasigurohang sagot nito.
"Gib, please!" pagmamakaawa style naman ang gagawin niya. "After all, we are partners on this case, from start to finish. Right?"
Narinig niyang napabuntong-hininga ulit ito sa kabilang linya, but at least he didn't disagree.
"Bakit mo naman nasabi na hinding-hindi ka na mamumukhaan ni Buno?" tanong nito sa halip.
Napangiti lang siya. "Basta, hindi niya ako mamumukhaan. Trust me." panigurado niya kay Gib. "Ako na ang bahala doon."
*****