Chapter17 : The Story Behind

1117 Words
BETHANY May appointment talaga siya sa araw na yon. At yon ay ang pagkikita nila ni Alex. Tinext kasi niya ang lalaki kagabi kung pupwede ba silang magkita ngayong araw, buti nalang at pumayag naman ito. It was well past noonday and well before the dinner hour, so the small cafe was nearly deserted. Napatayo naman siya sa kanyang kinaupoan nang makita niyang papasok na si Alex sa naturang cafe. "Hi." masiglang bati sa kanya ng lalaki. Pagkatapos nilang mag order ng kape, agad namang hinanap ni Alex si Gib. "Pupunta rin si Gib?" Napapailing siya. "Si Gib kasi ang rason Alex kung bakit gusto kitang makausap." "Oh! how come?" She could sense Alex sudden defensiveness, and though it wasn't as blatant as Gib, it was still there. "Gusto kong malaman kung bakit ayaw ni Gib sa mga reporter." sabi niya kay Alex. "Sa tingin ko, hindi lang naman sakin. I think it's all journalists. I also think there's a reason behind it." bumuga siya ng malalim na hininga saka tinitigan ng diretso si Alex. "Meron nga ba?" Ngumisi naman si Alex. "Napansin mo rin yon? akala ko kasi maitatago ni Gib ang pagkadisgusto niya sa inyo." "Ano ulit yong sinabi mo?" aniya. "Hindi kasi maipagkaila ni Gib na ayaw talaga niya sa aming mga reporter."   ALEX Naglaho naman ngayon ang ngiti sa kanyang mga labi habang seryoso niyang tinitigan si Bethany. "Siguro may sarili siyang rason kung bakit." he leaned back and eyed her keenly. "Sa unang pagkakita ko pa lang sayo Bethany, nagustohan agad kita." nasabi rin niya sa wakas. "Nakita ko kasing palaban ka at walang inuurongan. At ang kagaya mo ang hinahanap ko sa isang babae. But Gib is my partner and my bestfriend, at ayaw kong makita na naman siyang masaktan. Kung gusto mo, you could have a field day with this, lalo na't nasa top siya ngayon sa promotion list for Senior Inspector."   BETHANY Her eyes widened. Wala kasi siyang ideya sa mga pinagsasabi sa kanya ni Alex. Gib probably thought that one wrong word from her story, and his promotion would be turn down. "Pero sasabihin mo sakin Alex kung bakit, diba?" pigil-hininga niyang sabi. Parang nagulat naman si Alex sa sinabi niya. His expression was suddenly grim. "Depende. Pero, ano nga bang gusto mong malaman?" "Alex, makakaasa kang hindi ko ito isusulat." "Mangako ka Bethany. This isn't for public consumption." He sounded very stern, and she'd never seen him look quite so grim. "I promise!" she assured him. What on earth was Gib hiding? Napakagat na lamang niya ang pang-ibabang labi.   ALEX He studied Bethany for a moment longer, hanggang sa napagpasyahan niyang sabihin nalang sa babae ang gusto nitong malaman tungkol kay Gib. Mukha kasing hindi naman katulad ni Celine si Bethany. "All right," sang-ayon niya sa wakas. "Sasabihin ko na sayo. Sana lang maging buo pa ang ilong ko pagkatapos ko itong sabihin sayo." "I certainly hope so." Bethany laughed shakily. "But if I can't, we'll both be in the doghouse." at sabay silang tumawa ng malakas. He gave her first a sympathetic glance before he began to speak. "Alam mo bang bright boy yan si Gib. Hindi lang siya magaling sa academics, magaling rin ito sa combat skills at sa sharpshooting. Kaya nga he graduated from the PNP academy with flying colors. Kaya lang, nang ma assigned siya bilang station commander. May na engkwentro agad siyang isang tulisan. Nabaril niya ito, kaya lang isa pala itong menor de edad."   BETHANY Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig niya mula kay Alex. "Nabaril niya ito at napatay?" "Fortunately, no. But the boy was in the hospital for weeks before he finally recovered." kwento nito. "Nangyari yon sa isang convenience store robbery. The cashier triggered a silent alarm, at nagkataon naman na bumili roon si Gib. Pero bago pa nakalabas yong tinuturo ng cashier na tulisan, sinita iyon ni Gib. Pero sa halip ay binaril ng lalaki si Gib, kaya pinaputokan rin siya ni Gib." "So armado yong lalaki." "Syempre. Hindi yon magnanakaw kung hindi armado." Napakunot-noo siya. "If Gib shot in self-defense, what was the problem then? Bad publicity?" "Bad publicity?" he laughed. "That's an understatement. Naging headline talaga yong storya right from the start. May isa kasing reporter na nagpakalat non at grabe talaga ang nagawa niyang impluwensya sa storya. To think ha yong binatilyo may record na yon na assault, grand theft, at armed robbery. Pero ang isang reporter na kailanma'y hindi talaga inakala ni Gib na siya mismo ang nagsulat at nagpakalat sa balita ay siya ring nagdulot ng matinding pagkasawi ni Gib. Naging suspendido si Gib ng ilang buwan. Mabuti nalang at na review yong kaso niya sa Ombudsman. They found the shooting justified at inosente si Gib of any wrongdoing." "Yong reporter ba ay lalaki?" "Hindi. Babae," sagot ni Alex. "Kilala mo ba si Celine Franco?" Nanlaki ang mga mata niya sa pangalang naririnig niya. "Si Celine Franco? yong sikat na reporter?" alam kasi niya kung sino ang babae, sikat na sikat kasi ito noon. Tumigil lang ito sa pagiging reporter nang makapag-asawa ito ng isang pulitiko. Tumango naman sa kanya si Alex. "Alam mo bang girlfriend ni Gib si Celine nong mangyari yon? Gib was madly inlove with her. At nakita ko rin kung gaano kamahal ni Celine si Gib. Kaya nga hindi talaga ako makapaniwala na nagawa niya ito sa kaibigan ko para sa pangalan niya." "Oh no," she muttered. "Kawawang Gib. The shooting itself must be traumatic, lalo na ang ginawa sa kanya ni Celine." she leaned back, para yatang nilalagnat siya sa natuklasan. "Naging front page pa nga si Gib noon nang halos dalawang linggo. Maraming bumatikos sa kanya. Pinalabas kasi sa balita ni Celine na nabaril at napatay ang menor de edad na binatilyo. Pero hindi na mahalaga kay Gib kung totoo man iyon o hindi. The damage was already done." dagdag na kwento ni Alex. "Naisipan nga niya noon na mag resigned nalang eh." Napailing na lamang siya. "Napaka unfair naman, lalo na't wala naman pala siyang kasalanan." "Gib was nothing but a pawn. Celine milked that incident for all it was worth and more. Alam kasi niyang pag-uusapan talaga ng mga mamamayan ang kwentong iyon. Lalo na't PNP chief sa mga panahon na yon ang daddy ni Gib." "I see what you mean." she agreed uncomfortably. Nagngingitngit ang kalooban niya sa di malamang rason nang magpaalam na siya kay Alex. Though she now understood Gib's resentment toward her and her job, she wasn't at all sure how to overcome it. Hindi ito madali para sa kanya, sabi niya sarili habang papasok na siya sa kanyang kotse. Hindi talaga iyon madali para sa kanya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD