GIB
Sobrang bigat ng ulo niya pagkagising niya kinaumagahan. Parang mabiyak rin ito sa sakit. Tinatamad naman siyang bumangon at parang gusto pa nga niyang matulog ulit. Ngunit, nang marinig niya ang boses ng babae agad naman siyang napabalikwas ng bangon.
"Sa wakas gumising ka rin. Alam mo bang tanghali na?"
Nanlaki naman ang mga mata niya. Hindi kasi niya inaasahan na naroon pala ang babae. Nakatayo ito sa may doorway habang suot nito ang kanyang t-shirt. Preskong-presko pa nga ito na parang bagong ligo.
"Bethany." his voice was a hoarse croak. "Papano..?"
BETHANY
Agad naman niyang naintindihan ang pilit ipahiwatig ni Gib. Lumapit siya rito at tinabihan niya itong umupo sa kama.
"Hindi mo naalala?" taas kilay na tanong niya. "Kasalan ito ng bourbon. Naparami kasi ang nainom mo kagabi."
GIB
Bourbon. Tama! naglasing nga siya kagabi dahil hindi niya mapapatawad ang sarili kung may nangyari pa kay Bethany.
"Anong nangyari kagabi?" he eyed her warily. "May nagawa ba ako..or mga nasabi?"
Napangisi naman sa kanya ang babae. "Wag kang mag-alala. Hindi ko naman ni record yong mga sinabi mo. As for what you did..well, wala ka namang dapat ikahiya."
Again, he eyed her warily. Pero nang mapansin niya ang kanyang kahubdan, at tanging kumot lamang ang nakatakip. Nanlaki ang mga mata niya.
BETHANY
Hindi naman niya maiwasang hindi mapangiti sa reaksyon ni Gib. She couldn't resist teasing him a little. Her lashes dropped to shield her eyes, and Gib had inched up slowly to lean against the headboard.
"Gib," she began in a sweetly seductive voice. "Sana hindi mo nakalimotan ang--." she glanced at him from the corner of her eyes and paused. "--ang lahat, sana." at napabuntong-hininga siya. "Kagabi kasi...well, hindi ko alam kung malilimotan ko pa ang gabing yon."
GIB
Hindi siya nakakibo sa sinabi ni Bethany. At sa halip ay napatitig lamang siya sa babae. Surely she wasn't trying to say that he..that they..and he didn't even remember it? He must have been plastered out of his mind. Mas lalo namang nanlaki ang mga mata niya nang silipin niya ang kanyang kahubdan sa ilalim ng kumot. He was almost naked. Agad naman niyang inilibot ang paningin sa paligid para maghanap ng karagdagang ebedensiya kung may nangyari nga sa kanila ni Bethany kagabi. Oh no! nakakalat nga ang mga damit nila sa sahig.
"A-ang ibig mo bang sabihin ay..ay nag ano t-tayo?..." nauutal niyang pahayag. Pero nginitian lamang siya ni Bethany.
Napalunok muna siya bago siya muling nagsalita. "I'm sorry," mahinang sabi niya. "Wala ako sa sarili nang--"
Naputol niya ang sasabihin nang tumawa ulit si Bethany. "Hindi mo naman kailangang mag sorry." she bent down and kissed him leisurely, thoroughly, putting all of her newfound feelings into it. "In fact, you were fantastic." she murmured against his mouth. "Really fantastic."
His heart was pounding frantically in his chest. His hands were curled into fists at his side. Pero ang hindi niya maiwasan ay ang pigilan ang sarili na matikman ulit ang matatamis na labi ng babae.
"Ginawan na pala kita ng breakfast, pero pasensya na dahil hindi na kita masasabayan, may appointment pa kasi ako." pinulot na nito ang nakakalat na damit sa sahig tas binigyan siya nito ng matamis na ngiti. "Next time nalang."
Sa sobrang pagkairita niya sa sarili, ginulo niya ang kanyang buhok pagkaalis ni Bethany. Paano ba niya hinayaang mangyari ang bagay na iyon, he wondered irritably, kung ganon siya na mismo ang lumabag sa sinumpaan niya? To think he'd made love to her, at hindi man lang niya iyon maalala. Damn! Napapamura naman siya ng malakas.
The hell of it was, hindi siya sigurado kung galit ba siya sa sarili dahil may nangyari sa kanila ni Bethany, or dahil wala lang talaga siyang maalala.
*****