BETHANY
Inihatid lang ni Gib si Alex sa Campo, at bago paman siya makapag protesta ay inapakan na nito ang accelerator at pinaharurot ang kanyang sasakyan. The look on his face was hard and seemed to forbid any questions. Aware that something was up but not quite sure what it was, she settled back into the seat with a vague feeling of uneasiness. Alam kasi niya kung kailan siya tatahimik at iyon nga ang kanyang ginagawa sa mga oras na yon.
Imbis sa bahay niya dapat siyang ihatid sa lalaki. Hindi niya alam kung anong napasok sa ulo nito at inuwi siya ni Gib sa kanyang apartment. Nang makapasok na sila sa apartment nito. Agad naman niyang inilibot ang tingin. She glanced around with interest at the deep-blue carpet, ivory walls, a rust-colored velvety sofa, and a bar in the corner. Kahit lalaki ito pero maaliwalas ang place nito.
Umupo naman si Gib sa bar counter at napakunot-noo na tinitigan siya nito.
"Nice place, malinis ang lugar mo." komento niya.
His eyes narrowed. "Ano bang inaasahan mo?" tanong nito. "Na porke't lalaki ako, hindi na ako marunong maglinis?"
Nawala naman ang ngiti sa kanyang mga labi. "Hindi ko sinabi yan..pero maiba tayo, bakit mo ako dinala dito?"
Pero wala siyang nakuhang sagot mula rito. "Hindi ko rin alam." anito. "Probably because I'm the world's biggest fool." his voice roughened. "At dahil hindi ako mapakali pag hindi kita nakikita. Gaya nalang kanina."
Pigil niya ang kanyang hininga sa sinabi ni Gib. "Wag kang mag-alala sakin Gib, I can take care of myself." panigurado niya.
"Palagi mo naman yang sinasabi." wika nito. "Pero please lang Bethany, sa susunod wag mo nang uulitin yon. Nakakagulo ka lang sa trabaho namin. Alam mo, you spell trouble lady. As in trouble with a capital T."
Ayon na naman si Gib, binanatan na naman siya. She didn't have to listen to this, didn't have to stay and let herself be the object of his sniping attacks. Pag dibdibin kasi niya ang mga sinasabi ni Gib sa kanya ay masasaktan lang siya. Kinuha na niya ang kanyang shoulder bag at mabilis niyang tinungo ang pintuan. Ngunit, hinarangan lamang siya ni Gib.
"I-I'm sorry." he muttered, habang hinahawakan nito ang magkabilang balikat niya. "Hindi ko yon dapat sinabi." he hesitated. "I'm really sorry."
"Wala bang halong kaplastikan yang sorry-sorry mo?" walang pakundangang sabi niya.
"Yes," he said fervently. " Sana hindi ko nalang yon nasabi."
"Okay lang, walang kaso yon." at hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. "Hindi naman ako mahirap pakisamahan, Gib." dagdag niyang sabi sa gumaralgal na boses.
GIB
Hindi niya akalaing napaiyak niya si Bethany. Hindi talaga niya sinadya iyon. Ang makitang umiiyak ang babae ay para na ring kirot sa kanyang puso.
Sana hindi nalang niya sinabi iyon. Hindi rin niya alam kung pano aluin ang babae for the damage he'd just done. Niyakap na lamang niya ito.
For a long moment they stood, their arms wrapped around each other, while each took a deep breaths of air. Kumalas na si Bethany sa pagkakayakap niya at tumingala ito sa kanya, tas ngumiti ito ng tipid. But it was a beautiful smile, a tender, forgiving smile.
Sa mga sandaling iyon, tuloy nalimotan niya ang kanyang sinumpaan. Bethany made him forgot everything. He reached for her once more, and unable to help himself, yumuko siya para gawaran ng isang maalab na halik sa mga labi ang babae.
She met him halfway. More than halfway, he thought hazily as his mouth connected with hers. Her lips was warm, sweet and giving. Dahan-dahan naman niyang ninamnam ang tamis ng mga labi nito. Her low moan mingled with his warm breath as her lips parted. It was exquisite torture to kiss her and not do more. Mahigpit naman niyang hinahawakan ang babae as if he never let her go. Nakapikit pa rin ang mga mata niya as he savored the sensation, knowing that it would soon have to end.
Yet it was Bethany who finally drew slowly away. Nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya, her lips moist and glistened. "Well, ngayon napatunayan ko na. Totoo pala ang sinabi mo na, sa susunod na hahalikan mo ako, ibibigay mo sakin ang buong atensyon mo." humugot naman ito ng malalim na hininga. "It was worth the wait." dagdag nitong sabi.
BETHANY
Nakita niyang biglang nagdilim ang mukha ni Gib. Hindi naman niya maintindihan ang reaksyon nito. Tungkol kaya ito sa kanyang nasabi? Nagugulohan talaga siya sa reaksyon ng mukha nito. He looked like a man who was fighting a battle within himself.
Umupo ulit si Gib sa stool ng kanyang bar counter. Pinagmamasdan lamang niya ito habang nagsasalin ito ng alak sa kanyang baso. "Wag mong sabihin na maglalasing ka ng dahil sakin." aniya pa. "Siguro, apektado ka sa halik noh?" biro niya.
GIB
Kahit kailan madaldal talaga itong si Bethany, sa isip niya. Idadaan na lamang niya sa pag inom ang kanyang frustration. "Halika dito uminom tayo." pang aalok niya sa babae. "Since nandito ka, samahan mo nalang ako uminom." sinalinan niya ng whiskey ang isang shot glass at inabot ito kay Bethany.
BETHANY
Tinanggap naman niya ang maliit na basong may alak na binigay sa kanya ni Gib. Bakit kaya ito umiinom? takang tanong niya sa sarili. Ipinatong niya ang mga kamay sa counter at agad naman na inalis ng lalaki ang mga kamay nitong nakapatong sa counter, as if ayaw siya nitong mahawakan..Why was he deliberately pushing her away? Lihim naman siyang nasaktan at nagugulohan. Para maitago niya ang kanyang nararamdaman, linagok niya lahat ang laman ng baso na binigay sa kanya ni Gib. Pero parang napaso ang lalamunan niya sa kanyang ininom, kung kaya naibuga lamang niya ito. "Ano to?" she gasped, napangiwi naman siya sa kakaibang lasa ng alak.
"Bourbon."
"Bourbon?" nanlaki ang mga mata niya. Isa kasi itong matapang na whiskey. "As in straight bourbon?"
"Yeah, straight." nagsalin ulit si Gib ng whiskey sa kanyang baso at linagok ito na parang tubig lang...Hanggang sa napapadami na yata ang nainom nito.
"Gib." she twisted around so she could see him. "Sa tingin mo ba maihahatid mo pa ako sa bahay niyan?"
"Oo naman." sagot nito habang hindi tumitingin sa kanya. "Just give me a minute."
Napabuntong-hininga na lamang siya at napapailing. Ang minutong paghihintay niya ay naging oras na. Sunod-sunod pa kasi ang pag inom nito, hanggang sa tumayo ito at biglang natumba.
Sa tingin niya lasing na lasing na talaga si Gib kaya ito natumba. Agad naman niyang linapitan ang lalaki at tinulongan itong makatayo. "Dammit Gib Sarmiento, gumising ka. Hindi kita kayang akayin." aniya sa nakatulog na lasing.
Nang hindi pa rin ito gumagalaw, tinanggal na niya ang suot niyang heels para hindi siya mahirapang akayin ang lalaki patungo sa kwarto nito. Sisimulan na sana niyang akayin si Gib nang mapansin niyang naka headset pala ito.
"Hindi kita marinig." he mumbled.
Agad naman niyang pinatay ang pinakinggan nitong music.
"Oh, bakit mo pinatay. hik. ang mushik.?" anito at pilit na minumulat ang mga mata.
"Gumising ka nga diyan Inspector Sarmiento, hindi kita kayang akayin papunta sa kwarto mo."
Nang hindi na sumasagot sa kanya ang lalaki, napagpasyahan niyang akayin nalang ito sa abot ng kanyang makakaya. She then straddled his legs and slipped both arms behind his shoulders to try to lift him to a sitting position. Then she tugged him with all her might.
The next thing she knew was that, she was flat on her back on the floor, at nadaganan pa siya sa walang malay na si Gib. God! he was really heavy. Hindi siya halos makahinga. She began to squirm, at sinubokan niyang kumawala sa pagkakadagan sa kanya ni Gib.
Dahan-dahan namang gumalaw si Gib. "You smells good," he mumbled into her neck. "Wag Bethany. Diyan ka lang.."
Nanigas siya, pero napangiti naman siya sa lihim. Buti nalang at nakilala pa rin siya nito kahit lasing na ito.
Nang tuloyan na siyang makawala sa pagkakadagan ng lalaki, napailing na lamang siya. Nakadapa na kasi ang lalaki habang ang mukha nito ay nakasubsob sa carpet. Pero kakayanin ba ng konsensya niya na matutulog lang ito sa sahig na ganyan ang posisyon? Buti nga sa kanya. Pero di kalaunan ay nakonsensya rin siya at napagpasyahan niyang ilipat nalang ito sa kanyang kwarto kahit na gaano pa ito kabigat.
Nang sinimulan na niya itong akayin, hindi talaga niya maangat ang katawan nito. Kailangang makahanap siya ng paraan para bangonin ito. Nang makaisip na siya ng paraan, bumuga muna siya ng malalim na hininga. Tas linagyan niya ng ice cube ang noo ng lalaki. Napatalon naman siya sa gulat nang biglang bumangon ang lalaki, at iwinasiwas ang ulo nito sa ere dahilan sa pagtilamsik ng maginaw na tubig sa kung saan.
Tinapik naman nito ang kanyang noo at matalim siyang tinitigan. "What the hell?" he mumbled.
Hindi na lamang siya sumagot at sa halip ay inakbay niya ang kanang kamay ng lalaki sa balikat niya. Inalalayan niya ito papuntang bedroom. Nang nasa harap na sila sa kama nito, dahan-dahan sana niyang ihiga si Gib nang di inaasahang sabay silang bumagsak sa kama. Agad din naman siyang bumangon. Pinagmamasdan niya ngayon ang natutulog na lalaki. Hindi naman niya ito kayang iwan. Kumuha na lamang siya ng panyo at ipinunas niya sa basang noo ng lalaki. Tapos hinubad niya ang t-shirt nito pati na ang pantalon at tanging brief nalang nito ang naiwan.
Pigil-hininga naman niyang ginawa ang bagay na yon. Dahil sa tanang buhay niya hindi pa niya naranasang maghubad ng adan. Pilyang ngiti naman ang sumilay sa kanyang mga labi nang pagmasdan niya ang kabuuan ng lalaki.
An odd feeling crept over her, and once more she felt dangerously short of air.
Broad shouldered. Check, narrow-waisted. Check. Gib's body was almost a perfection. Tumutulo na nga ang laway niya sa kakatitig. Kahit pa lasing ito, but he was the most exciting man to look at whom she had ever seen - May damit man ito o wala.
Everything about him tugged at her senses. At sa mga oras ding yon gustong-gusto talaga niyang haplosin ang lalaki. In fact, she imagine a mental picture of the two of them, kissing, limbs entwined, and driving the tempo of love.
Nakakatakam ka talaga Gib, sabi na lamang niya sarili. At para hindi siya tuloyang matukso, kumuha siya ng kumot para itakip sa kahubdan nito. It wasn't until that moment nang ma realized niya na wala naman pala siyang dalang sasakyan. So paano siya makakauwi? Kung maglalakad naman siya. Naku! ang layo pa naman ng bahay niya. Lagot na. Pwede naman niyang hiramin muna ang kotse ni Gib at ibabalik nalang niya ito bukas. Pero ang problema hanggang ngayon hindi pa niya alam ang celphone number ng lalaki. So paano niya maipaalam nito? Baka paggising nito sa umaga magtataka nalang ito kung bakit nawawala ang kotse niya at mapagbentangan pa siyang carnapper.
Pero hindi naman siguro ganon mag-isip si Gib. Tatawag nalang siguro siya ng taxi..o di kaya..di kaya dito na rin siya matutulog sa apartment ni Gib.
Naisip na naman niya ang tukso..Oh tukso layuan mo ako, pilyang sabi niya sa sarili.
Paano kaya ma inlove ang isang Gib Sarmiento? she suddenly wondered. Deep inside, she longed to find out for herself, pero ngayong gabi dapat makuntento nalang siya na katabi niya itong matutulog.
And it would be enough. For now. Dahil sa oras na tatabihan niya itong matutulog na nakahubad rin siya, something inside him must have reacted instinctively to her presence. Tumabi nga siya sa lalaki, then he murmured her name and wrapped an arm around her, nuzzling her face into the hollow between his neck and shoulder. Kaya tuloy nanghihina siya. "Oh Gib, magiging tayo pa kaya?" bulong niya rito, at bumuga siya ng malalim na hininga."If only you weren't so determined to dislike me, at kung alam ko lang kung bakit..."
Wala sa sariling sinabi niya yon, hanggang sa marinig nalang niyang nagsasalita si Gib. "Gusto kita." anito. "Gusto talaga kita. Pero mali eh..sobrang mali." he turned on his side and buried his face against the gentle mound of her breasts.
Mahigpit naman ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki, at mas lalong isinubsob nito ang mukha sa dibdib niya. Her heart stood still until she realized that he was only semiconscious. Alam niyang taking advantage na itong ginagawa niya, but she couldn't help it. "Bakit Gib?" sabi niya at hinaplos-haplos ang buhok ng lalaki. "Bakit nasasabi mong mali?"
"Dahil isa kang reporter." he lifted his head at tinitigan siya. "Bakit hindi ka nalang naging teacher o kaya nurse? Kahit ano basta hindi ka lang isang reporter...pare-pareho lang kayo ni Celine." miserable nitong sabi.
Samantalang nanigas naman siya sa pangalang nabanggit ni Gib..Sino kaya si Celine sa buhay ni Gib? Hindi siya sigurado kung gusto ba niya itong matuklasan, pero hindi pa rin niya maiwasang magtanong tungkol roon. "Sino si Celine, Gib? bakit nasabi mong pareho lang kami?"
"Pareho lang kayo." ulit nitong sabi. "Ambitious..basta lang may maisusulat kayong balita..para sa pangalan ninyo..and nothing else matters." putol-putol nitong sabi.
His breath fanned warmly across her skin, but suddenly she felt cold. So cold. Naisip naman niyang na misinterpret lang ni Gib ang pagkuha niya sa storya ni Marco Montez. Parang natamaan naman siya sa sinabi nito that she was ambitious.
But it wasn't true that nothing else mattered. He mattered. And once again, she knew that something, someone, had biased him against journalists. At ang isiping iyon ang nagpagulo sa kanya ngayon. Bakit rin kaya nasabi nito na he was the world's biggest fool? eh hindi naman siya mukhang ganon.
"Oh Gib," bulong pa rin niya rito while running her fingers over his beautiful profile. Isinubsob niya ulit ang mukha nito sa kanyang dibdib. "Madali lang sana, napakadali lang sanang ma inlove sayo, Gib."
Hindi siya sigurado kung makakabuti ba ito sa kanya o hindi. Hindi makakabuti kung ang iisipin niya ay sagabal lang ito sa kanyang trabaho. At hindi makakabuti kung damdamin naman niya ang paiiralin. Dahil baka masasaktan lang siya sa huli.
*****