Chapter 14 : Discovery

1274 Words
BETHANY Several hours later, napatanto niya na ang pinasok niya ay hindi naman pala magandang ideya. The lounge she and Alex were sitting in was spacious and dimly lighted, the glass chrome tables reflecting flickering candlelight. Sobrang crowded talaga sa Gray Paradise, at hindi niya inaasahan ang ganitong atmosphere sa ganitong klaseng nightclub. ALEX Nalula naman siya sa pagpasok palang nila ni Bethany sa club. Marami na nga siyang napuntahan na nightclub, pero ang hindi lang niya inaasahan ay ang sobrang crowded sa loob ng Gray Paradise kahit hating-gabi na. "Papano kaya napapadami ni Marco ang mga tao dito." komento niya sa mahinang boses. "Booming ata ang negosyo na to ah." sabi naman niya kay Bethany.   BETHANY Halos ilang beses na siyang napapabuntong-hininga, habang naka tatlong shots na rin siya ng tequila. Nasayang na naman kasi ang oras nila dahil wala namang Marco Montez na nagpapakita. Tatlong bartender na nga ang tinanong nila kung makakarating ba si Marco Montez, pero napakibit-balikat lamang ang mga ito. Hindi naman sa nabo-bored siya kay Alex. In fact, may sense of horror eto..este sense of humor. Iba lang kasi ang taong laman ng kanyang isip. From the corner of here eye she saw Alex grow suddenly alert. "Nandito na siya." pagbigay alam nito sa kanya. "Si Marco Montez?" excited na tanong niya. Sinundan naman niya nang tingin ang mga mata ni Alex hanggang sa nakita niya ang pamilyar na pigura na kausap nito ang isang bartender. Tama nga ang nakita niya nong nagdaang gabi. Gwapo at batam-bata pa si Marco Montez na halos kaedad lang ni Alex at Gib. Nakasuot ito ng dark suit na sa tingin niya ay mamahalin. "Alam mo, hindi ko akalain na gwapo at batam-bata pala si Marco Montez. Akala ko kasi nasa fifty's na siya." "Iyan ba ang gwapo sa inyo?" pagsalungat sa kanya ni Alex. "Syempre palaging magpapaderma yan dahil nga sa maraming pera." "Pero parang may half blood siya." sabi niya. "Tama ka, may half blood nga siya. Half German kasi siya at saka half Shepherd." "Ano ka ba Alex, aso na German Shepherd yang tinutukoy mo ah." "Ang hunk nga niya eh para siyang si Sean O'Pry." "Eh hindi naman yan mukhang hunk..siguro hong-hunks mas bagay sa kanya." "Ewan ko talaga sayo, Alexani Miller." aniya at inirapan ang lalaki. Puro kalokohan kasi ang pumasok sa isip, kabaligtaran naman kay Gib na parang palaging pasan ang daigdig.   GIB Nagmamanman lamang siya sa labas ng nightclub habang pinakikinggan ang pag-uusap nina Bethany at Alex. Samantalang hindi nakaiwas sa pandinig niya ang papuri ni Bethany kay Marco Montez dahilan sa panghihimagsik ng kanyang kalooban. Narinig nalang niya na nagpapaalam si Bethany kay Alex na pumunta ito sa ladies room. Agad naman niyang pinatay ang receiver at tinanggal ang kanyang earpiece. Sinundan naman niya si Bethany papunta sa restroom at inabangan niya ang paglabas nito. Ikinabit niya ulit sa kanyang tenga ang earpiece at pinakinggan ito. Ngunit, tahimik lang ang linya ng babae. Tinanggal kaya nito ang kanyang earpiece? Medyo may pagkamatigas pa naman ang ulo nito. Lumipas na ang sampung minuto pero wala pa ring Bethany na lumalabas sa restroom. Kaya nabahala na siya. "Sorry sweetheart, pero hindi ka pwedeng pumunta roon." His blood ran both hot and cold at the sound of the deep male voice. "Why not?" sabi naman ng boses na pagmamay-ari ni Bethany. Napakuyom naman niya ang mga kamao. Sinabi kasi niya kay Bethany na huwag itong humiwalay kay Alex..Asan na kaya ngayon si Alex? bakit hindi rin niya ito makontak? Ang boses naman ni Bethany ay biglang naglaho. "May private party kasing ginanap roon." narinig niya ulit ang boses ng lalaki na parang nasa paligid lang. Nag-aalala na kasi siya para kay Bethany dahil baka mabastos na naman ito. "Makakapunta ka lang roon pag kasama mo ako sweetheart." This time he noticed the roughness of the deep male voice. God in heaven! Hindi kaya si Buno the scarface ang kausap ngayon ni Bethany?.. Hindi pwedeng sasama si Bethany sa kanya, tutol naman ng kanyang isip. "No, thanks." sagot naman ni Bethany. Napahalakhak naman ang lalaki. "Alam mo bang mahirap tanggihan ang kagaya ko, Ms. Beautiful. Sa pagkakaalam ko kasi, ikaw palang naman ang kauna-unahang babaeng tumanggi sakin." Parang natuyo naman ang lalamunan niya sa narinig niyang sinabi ng lalaki. Nanalangin na lamang siya na sana walang gawing masama kay Bethany ang lalaking kausap hangga't hindi pa niya ma locate ang kinaroroonan ng babae. "Mag go-good time lang naman tayo sweetheart. Kaya wag ka nalang pumalag para hindi ka masaktan." Naririnig nalang niya na may biglang komosyon. "Bitiwan mo ako, gago ka!" There was a rustle and a sound of outrage. Kaya bigla nalang siyang kinabahan. Then he heard the stinging sound of a slap. A thump. A grunt. A low moan of pain. Hindi naman niya matukoy kung kaninong boses iyon. Kung kay Bethany ba o sa lalaki. Tinanggal na niya ang nakakabit na earpiece at sinimulan niyang halughogin ang buong paligid. But before he had time to lay a finger on the handle of the wide double doors, Bethany emerged. Ang kaninang pangamba niya ay biglang naglaho nang makita niyang magkasama naman pala sina Alex at Bethany. He caught up with her and grabbed her arm and whirled her around. "What the hell is going on, Bethany?" She gave him an inquiring look. "Meron ka bang naririnig?" "Meron nga, saan ka ba nagsususuot ha? at ano yong mga narinig ko?" "Hindi na mahalaga yon, ang importante na nadiskubrehan kong may nagaganap talaga na illegal na sugalan sa loob ng Gray Paradise." her excitement was reflected in her tone. "Sa gilid ng ladies room may ibang stairway doon. May arrow pa nga na nakalagay sa stairway na papunta daw yon sa banquet hall, pero yon pala ay isang sugalan." "Hindi ka dapat pumunta doon na mag-isa." galit na pahayag niya.   BETHANY Ignoring Gib, she just flashed an apologetic look at Alex, who was still shaking his head. "I'm so sorry Alex. Dahil hindi ko pinaalam sayo na pupunta ako doon. Akala ko kasi--" "Akala..akala! Hindi mo na yon trabaho Bethany, kaya ipaubaya mo nalang yon sa amin." ani Gib. Galit naman na hinarap niya si Gib. "Excuse me for saying so, but I'm afraid na magkaiba tayo ng opinyon tungkol diyan." "Pero dapat pinaalam mo samin ni Alex ang nadiskubrehan mo, hindi yong basta-basta ka nalang susugod doon." angil nito sa kanya. "Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sayo doon." Inirapan lang niya si Gib. "If you heard what was going on, then why haven't you asked if I'm okay?" Nakita niyang namutla ang lalaki sa sinabi niya. Tas hinawakan naman nito ang mga kamay niya as if to reassure himself. "Si Buno the scarface ba yong na encounter mo?" tanong nito sa matigas na tono. "My God Bethany, ano bang ginawa niya sayo?" "He had a very willing pair of hands, if you know what I mean. Pero wag kang mag-alala Gib, tinuruan ko na siya ng leksyon." a self-satisfied smile lit her lips. "Naalala mo pa ba ang ginawa ko sa lintang Clark na yon?" "Hindi nga." hindi makapaniwalang sabi nito. "But I did." matatag na sagot niya. "Por dios! Bethany." he muttered. "Hindi ko akalaing nagawa mo yon kay Buno." "I like that Bethany, ang astig mo pala." sabi sa kanya ni Alex. Nang makakuha sila ng tsansa na makalabas sa naturang nightclub, mabilis naman nilang tinungo ang pintuang palabas. Pagkadaan nila sa sinasabi niyang hagdan, nakita naman nila si Buno sa taas ng hagdan at namimilipit pa rin ito sa sakit. "Bilisan ninyo." mahinang sabi sa kanila ni Gib. "Uuwi na tayo." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD