GIB
Nanigas siya sa tanong na yon ni Bethany. Sana palagi nalang itong tulog para libre niya itong mayakap kaysa ganito na nakiusyoso na naman sa kanya.
"Gib, anong nangyari diyan sa ilong mo?"
"Wala to." bruskong sagot niya, then he pushed her back to her side of the car.
"Gib!" protesta nito. "Sagotin mo naman ang--"
"Pwede ba Bethany, it's none of your business."
"Tinatanong ko lang naman eh kung anong nangyari diyan sa ilong mo?" pang-uusisa pa rin nito. "Siguro may history yang peklat sa ilong mo noh? kaya ayaw mong e-share sakin."
Matalim niya itong tinitigan para ipakita kay Bethany ang pagkadisgusto niya sa pang-uusisa nito. But she stared back at him. Ayaw talaga niya sa babaeng matanong, lalo na kung ang pag-uusapan ay ang kanyang personal na buhay. Kung kaya ayaw na niyang ma involved sa isang reporter.
"Alam mo," she speculated aloud. "Hindi pa talaga kita lubos na kilala."
"Tapos na ang portion ng 'getting to know you'. Kaya wala akong panahon Bethany para ibahagi sayo ang personal kong buhay."
BETHANY
Alam niyang may tinatago ang lalaki kaya umiiwas itong pag-usapan ang kanyang personal na buhay. "May tinatago ka ba?..nagtataka lang kasi ako kung bakit ayaw mong pag-usapan natin ang iyong personal na buhay."
Hindi na naman siya sinagot nito, at sa halip ay lumipat na ito sa driver's seat at pinaandar yong kotse.
It was a full five minutes later when he finally spoke again. They had stopped at intersection for a traffic signal.
"Bakit ba bigla kang naging kuryoso sa buhay ko?" bruskong tanong nito. "Buhay ni Marco Montez ang dapat mong malaman at hindi ang sa akin."
"Pero parte ka rin ng imbestigasyon." paalala niya kay Gib. "And there's always the human interest angle to consider."
Tuloy mas lalo siyang na intriga sa buhay ng lalaki. Di bale malalaman rin niya ang sekreto sa buhay ni Gib. Pero para saan naman kung malalaman nga niya ang sekreto nito? Bahala na.
"Napapansin ko lang sayo ha, parang iritado ka sa mga reporters na kagaya ko."
Bigla namang inapakan ni Gib ang preno kung kaya muntik siyang mapasubsob.
"Recorded ba ito o hindi?"
Hindi siya agad nakasagot. In spite of how defensive Gib was, she still liked him.
"Hindi." she finally said.
She saw the tense lines of his face relax slightly, but his tone was still a little grudging. "I've been a station commander for three years. May nakilala akong isang reporter at siya ang dahilan kung bakit galit ako sa mga kagaya mo. Pero, wag mo nalang ugkatin pa ang personal na buhay ko Bethany, hindi ko rin naman ito ibabahagi sayo."
Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga. But at least she had tried. "Yong nangyari sa ilong mo ang tinatanong ko?" pagpatuloy niya.
"Nabasag ito sa pakipagsuntokan ko."
"Nakipagsuntokan ka?" di makapaniwalang tanong niya. It was hard to imagine him being anything but cool and levelheaded.
"Parang hindi ka naman ata basagulero na tipo..babae ba ang pinag-awayan ninyo?"
"Sort of." wika nito. "Pero hindi lang naman babae ang pinag-awayan, diba? Pwede ring personal na hidwaan." at hinawakan ng daliri nito ang tungki ng kanyang ilong. "Anyway patas lang naman ang laban namin."
"I see," mahinang tugon niya rito. "Reporter ba itong nakasuntokan mo?"
"Isang photographer. A newspaper photographer na usyosero rin kagaya sa taong kilala ko."
"Kaya mo siya sinuntok ay dahil lang sa kanyang pagka usyosero, ganon?" taas-kilay na tanong niya. "Does that mean you'll break mine if I step out of the line? You're an impossible man, Inspector Sarmiento."
Umangat ang isang gilid ng labi nito. "And you're an impossible woman, Ms. Dalman." tugon din nito.
She leaned back against the seat and laughed a little. "Well, at least the night wasn't a total loss. Ngayon alam ko na, mas hate mo pala ang photographer kaysa reporter." biro niya. But somehow it only made her all the more determined to find out what was behind his intense dislike of the press.
Nakarating na rin sila sa Campo sa wakas. Gib was beside her as they walked to her car. Once there, she looked up at him.
"Gagawin pa ba natin ulit ito bukas ng gabi?"
GIB
Ang walang ganang tono nito made him smile at a time when he really didn't feel like it. Hindi na niya kailangan pang ipaalala sa sarili that this woman made him feel just a little bit crazy. Talagang na enjoy niya ang gabing iyon, dahil hindi lang niya nahawakan ang babae sa pagtulog nito, may bonus pa dahil nahalikan na naman niya ito.
But he couldn't risk it. Even if she made him think that she wanted him in the same way, he couldn't risk getting involved. Ang pagtugon nito sa mga halik niya ay palatandaan iyon na may gusto rin sa kanya ang babae. Ngunit, hindi pa ba siya natuto sa kanyang leksyon? Reporters didn't play by the rules. They didn't play fair.
It was best to leave things as they were. Pinangako na niya sarili na kailama'y hindi na siya magiging involved muli sa isang reporter, lalo na kay Bethany. Their only mutual involvement was this case. And that was it. Period.
"I'll meet you here tomorrow night." sabi niya rito.
"Same time, same place." sagot naman ni Bethany.
BETHANY
She now opened the car door and peered at Gib across the top of the glass. "Siyangapala Gib, kung may halikan tayo bukas dapat mag ahit ka muna ha."
Agad namang napalingon sa kanya si Gib. "Akala ko ba wala ng next time."
She just laughed and slipped into the driver's seat. "Sinabi mo rin diba, na kaming mga babae ang bilis magbago ng aming mga isip."
GIB
Sa pangalawang pagkakataon natulala na naman siya sa huling sinabi ni Bethany. "Wag kang mag-alala Bethany, one of these days," he promised to himself. "One of these days makakatikim ka ulit sa mga halik ko."
*****