BETHANY
Tahimik lang siya hanggang sa makababa siya sa sasakyan ni Gib. Hindi rin niya inaasahan na ihahatid siya nito hanggang sa pintuan ng kanyang apartment para daw masiguro nitong ligtas siya. Gib Sarmiento was undoubtedly the most obstinate, unyielding person she'd ever had the misfortune to meet. And she learned that he simply couldn't take no for an answer.
Nang makarating na sila sa tapat ng kanyang unit bigla naman siyang huminto at hinarap si Gib. "Siguro maintindihan mo kung bakit ayaw na kitang papasukin."
"Of course," mabilis na sagot nito. "Ang mahalaga na ligtas kang nakarating dito."
Nakita niyang napangiti sa kanya si Gib nang papasok na siya. Kung palagi lang sana itong nakangiti, he would be absolutely breathtaking.
Nagtatalo naman ang mga braincells niya sa kanyang mga naiisip. Haller? Ano ba itong nangyayari sa kanya? Hindi naman niya gusto ang lalaking ito noh. Sa kakaisip niya siguro natulala siya kung kaya si Gib na lamang ang nagbukas sa kanyang pintuan. Napalingon naman siya kay Gib, then he find the look in Gib's eyes had turned to disapproval.
"Hindi yan naka lock." sabi nito matapos pagbuksan ang pintuan niya. "Or hindi mo talaga ni lock yan?"
"Akala ko naka lock yan." kibit-balikat na sabi niya. Pero nang sabihin na sana niyang 'thank you' bigla naman siyang nakaramdam ng pagtapik sa kanyang balikat.
"Ako na ang maunang pumasok." sabi pa nito.
Napakunot-noo siya at ini-on na niya ang switch sa kanyang doorway.
Kitang-kita na ngayon ni Gib ang kabuuan ng bahay niya dahil sa maliwanag na ito.
"Parang sumobra na ata ang pagiging gentleman mo?" turan niya.
"Gaya ng sinabi ko." ani Gib "ayaw kitang iwan na parang baboy sa slaughter house kahit paman dito sa bahay mo."
Her mouth tightened. "So I left my door unlocked. Ganon? It's no big deal for me."
Tiningnan lang naman siya ni Gib ng may pahiwatig. At agad na sinuri nito ang loob ng kanyang kwarto, banyo at kusina.
"No big deal?" balik na tanong nito sa kanya. "Hindi mo ba naisip na baka sa pagbalik mo ay wala na lahat ang furniture mo, or di kaya may magtatago na masasamang loob sa kwarto mo at—"
"All right, nakuha ko na ang gusto mong ipaabot." putol niya sa sasabihin pa ni Gib. She finally moved to drop her purse on the gold upholstered sofa. At nakapameywang siyang hinarap ang lalaki. "So ngayon, kasalanan ko?" she grumbled aloud. "Sige, sa harapan mo pinapangako ko na hindi na ito mauulit muli." itinaas naman niya ang isa niyang kamay na parang nag ti-take oath siya.
"Mabuti naman kung ganon." matatag nitong sabi. "Para mas maging aware ka na sa susunod. Awareness is the first step in fighting back against crime."
Napansin niya na parang bigla naman atang naging seryoso ang lalaki.
"Tama ka nga." sang-ayon pa niya. "Dapat talaga akong mag-ingat. And I will be from now on. " at binigyan niya ito ng pilit na ngiti.."Off duty ka ngayon?"
GIB
Napatango lamang siya sa tanong ni Bethany. Kahit na hindi niya inaasahan ang tanong na iyon.
"Good," tugon nito. "Gusto mong mag kape?"
He hesitated only an instant. "Sounds great." pag amin niya. Ginulo niya ang kanyang buhok, then smiled sheepishly at her. "Makakatulong yang alok mo upang hindi ako aantokin sa pagmamaneho ko pauwi."
BETHANY
For a long moment she simply stared at him. The guy was truly breathtaking. Absolutely breathtaking. Kaya kailangan na niyang mag-iwas ng tingin baka tumutulo na ang laway niya sa kakatingin.
"Pagod ka?" she asked, motioning him toward the sofa.
"Parang," he took the seat she had offered, and stretched out his long legs in front of him.
"I know the feeling." she murmured with a sympathetic smile. Tas sinulyapan niya ang lalaki. He did look rather bleary-eyed. "I've been awake since kahapon pa sa madaling araw. Meron kasi akong deadline this 6:00 a.m. para ma meet ko ang aking story for this evening edition."
She was smiling a little as she headed toward the kitchen, feeling inexplicably pleased with herself without knowing why.
Matapos niyang makapagtimpla ng kape, binalikan naman niya agad si Gib sa sala.
"Alam mo bang napaka careless ko talaga paminsan-minsan. Katulad nalang sa hindi ko pag lock sa pinto ko." nakangiting wika niya kay Gib. "Sa maniwala ka man o hindi, pero nakagawa na ako ng article patungkol sa crime prevention nong isang taon."
"Heto ang kap—" her words dropped off abruptly at the sight that met her eyes. Pinagkasya ni Gib ang sarili nito sa sofa habang nakatulog ito na parang bata.
She cleared her throat. "Coffee's ready." malakas na sabi niya.
Pero hilik lamang ni Gib ang sumagot sa kanya.
Ipinatong naman niya ang kape sa tabing mesa, tas niyugyog niya ang balikat ni Gib upang gisingin ito. "Gib?" pero hindi man lang ito natinag. Sa ilang sandali, hindi siya makapag-isip kung ano ang gagawin niya sa lalaki, kung gigisingin ba niya ito, o patulogin na lamang? Pero nang makita niya ang pagod sa mukha nito, bigla naman siyang nanlumo. Gib Sarmiento might be a tough cop both inside and out, but at the moment, he was just a man. At isang lalaking napapagod rin.
Agad naman siyang kumuha ng kumot sa kanyang closet at ikinumot niya ito kay Gib.
Napameywang siyang pinagmasdan ang natutulog na si Gib. Naisipan naman niya ang kanyang plano, na wala talaga siyang napala sa pagpunta niya roon sa bar. Confident pa nga sya na sa pag-alis niya kagabi sa kanyang apartment ay may ma fe-feature na talaga siyang storya.
Napangiti naman siya habang pinagmamasdan niya ulit si Gib na payapang natutulog. At kahit desperado man siya dahil wala siyang nakuha na storya, nakuha pa rin naman niyang ngumiti.
Oh well, she thought to herself as she slipped into her bed minutes later, with Gib Sarmiento na natutulog sa kanyang sofa, pakiramdam niya parang safe na safe siya.
*****