Chapter 5 : Interest

1619 Words
BETHANY Ang amoy ng fried bacon ang sumalubong sa kanya pagkagising niya kinaumagahan. Frying? Hmm.. smells like burning, sa isip niya. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang mapatanto niyang hindi pala siya nag-iisang natutulog sa kanyang apartment. Dali-dali siyang nagsuklay sa kanyang buhok saka bumaba papuntang kitchen. May nagluluto nga sa kanyang kusina dahil mausok pa roon, ngunit wala naman si Gib. Tiningnan niya ang sofa, pero ang leather jacket nalang ni Gib ang naiwan. Nagulantang nalang siya nang biglang magsalita si Gib sa kanyang likuran. "Breakfast?" tanong nito na parang siya pa ang taga-bahay. Nang makita niya ang hawak na plato ni Gib at ang nasusunog na niluluto nito, mabilis siyang napailing. "Ayaw mo?" inirapan siya ng lalaki at itinapon nito ang niluluto sa basurahan. Hinugasan muna nito ang pinggan saka siya nito hinarap muli. "So, anong gusto mong kainin?" "Ako na nga diyan, tsupi!" she muttered. She wasted no time in trying to shoo him out of the kitchen. Gib stood in the doorway, pinagmamasdan lang siya nitong nagluluto ng breakfast in less than ten minutes. "Whoah! ang bilis naman!" sabi nito, eyeing the perfectly cooked omelet she slid onto his plate. She rolled her eyes. "Hindi kasi ako gaya ng iba diyan." parinig niya sa lalaki. Nagtimpla naman siya ng orange juice sa pitcher. Tas nag toast rin siya ng bread na nilagyan niya ng margarine. "Eh kaya mo bang mag toast ng bread?" Nginitian muna siya ni Gib saka sumagot. "Oo naman, as simple as 1, 2, 3." tas lumapit ito sa may toaster. "Weakness ko lang talaga ang pagluluto. Sabi nila kapag bachelor daw ay marunong magluto, but not for me." Bachelor? natigil siya sa salitang iyon. For a moment, hindi siya sure kung ano ang nakakuha sa kanyang atensyon, ang killer smile ba nito or ang marital status nito. Hindi lang talaga siya makapaniwala na sa tindi ng bangayan nila kaninang madaling araw, eh nag-uusap sila ngayon na parang matagal na silang kilala. "Well," kaswal na sabi niya, hoping to cover her sudden awareness of him. "Kung meron mang isang bagay na aking natutunan tungkol sa gawaing bahay, iyon nga ang pagluluto." "As in...?" say ni Gib na parang gulat pa. "Yeah, at marunong din ako mag bake." dagdag niyang sabi. The spark of interest in his eyes pleased her for some unknown reason. "Kinailangan kasi, dahil ako lang naman ang nag-iisang anak na babae." "I see," tugon nito. "Ahmm Bethany..alam mo ba last night.."   "What about last night?" nagugulohang tanong niya. GIB Looking at Bethany right now, na walang make up, na nakalugay ang buhok at nakasuot ng maluwag na jersey at cotton shorts, hindi talaga siya makapaniwala na nakita nga niya kagabi ang babae sa Gray Palace. Tuloy biglang sumagi sa kanyang isip ang pilyo niyang imahinasyon kung nakasuot ba ito ng bra ngayon dahil halata namang bagong gising pa ito. Reporter or not, she was one hell of a good-looking lady. Iwinaksi na lamang niya ang imahinasyon at tinuonan ng pansin ang sarap ng omelet. "Ano kasi..yong hindi pa lumalabas ang mga naka bikini na dancer..lahat ng lalaki doon ay.." he hesitated, uncertain of the right word. "Na gaya ako nong una mong tingin sakin?" "Sa ginawa mo pwede kang mabastos o masaktan." he said bluntly. "Maybe even worse. Hindi ko na kailangang e-elaborate pa yon. Alam mo naman siguro ang lugar na pinasukan mo, hindi ka dapat pumunta roon na mag-isa." litanya niya sa babae. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung anong pinupunta mo roon." "Sinabi ko na yon sayo, diba?" kalmang sagot nito. "Na nag re-research ako ng story about gambling." "Pero wala namang sugalan na nagaganap sa Gray Palace." he eyed her intently. "Bakit mo naman naisip na meron ngang sugalan doon?" "Akala mo ba kayo lang mga pulis ang marunong mag surveillance?" Napatawa naman siya sa sinabi ni Bethany. "Ang masasabi ko lang, na hindi reliable yang source mo." BETHANY Trying to ignore his comment, she pushed her plate away. Hindi. Hindi pa nagkakamali ang informer niya. Kailangan muna niyang makausap si Bernie. She replayed the conversation she had with Bernie just yesterday morning over and over again in her mind. Nang biglang nanlaki ang mga mata niya. "Baka hindi nga," she murmured. "Baka hindi nga." Mabilis naman siyang napatayo at kinuha niya ang kanyang tab. Dalawang minuto ang nakalipas nang makabalik siya sa kitchen. "Hindi pala si Bernie ang nagkamali." sabi niya kay Gib. "It was me. Hindi ko na double check yong notes ko." dagdag niyang sabi. Samantalang nalilito namang nakatingin sa kanya si Gib. "Mali pala talaga ang lugar na napuntahan ko kagabi. It was the Gray Paradise and not the Gray Palace." GIB Pinag-iisipan muna niya ng mabuti ang bagong nakalap na impormasyon. The Gray Paradise was a fairly well-to-do nightclub, catering to a classy crowd. Nakapunta na nga siya roon several times sa mga nagdaang taon. "Sigurado ka?" he asked. "Hindi kaya nagkamali yang informer mo?" "It's all here in black and white." saad ni Bethany at pinakita nito ang nakasulat sa kanyang tab. "At hindi pa nagkakamali si Bernie. A lot of reporters rely on him. Sinabi rin niya sakin na bago na raw ang nagmamay-ari doon." "Oh?" he propped his elbows on the table and leaned forward. "Eh sino naman daw ang nakabili?" Ini-scan muli ni Bethany ang kanyang tab. "Someone named Montez." at ini-zoom pa niya ang nakasulat na pangalan roon. "Yes that's right. It's Montez. Marco Montez." Montez! A secretive smile touched his lips. Matagal-tagal na ngang pinaghahanap nila ang taong iyon, but he was sharp enough to slip through their fingers every time. At ngayon, mukhang nag expand pa ito sa kanyang operasyon. Una siyang tumayo at dinala niya ang mga pinagkainan nilang plato sa sink. "Mukha ngang well-informed yang source mo." BETHANY Her eyes traveled from her tab to Gib's broad back. Napalingon naman ito bigla sa kanya, at agad din naman niyang binawi ang tingin niya dito. "Narinig mo na ba ang pangalang Marco Montez?" Pero napakibit lamang ng balikat si Gib. "I've only heard the name once or twice. Pero hindi tayo sigurado kung siya nga yon. Marco is a common name, pati na rin ang apelyido niya." "True enough," sang-ayon pa niya. "Kung meron ngang sugalan na nagaganap sa Gray Paradise. I'm sure magiging interesado ang mga kapulisan niyan." "Who knows? Sting operations are not unusual, pero sa tingin ko, maliit lang yan na kaso." pahayag naman ni Gib. "Oo nga, maliit lang yan na kaso pero-" natigilan siya sandali dahil biglang inabot sa kanya ni Gib ang pinaghugasan nitong mga plato. "Illegal pa rin yan."   GIB Nanahimik na lamang siya dahil baka mauwi na naman sila sa bangayan ni Bethany. Of course, kailangan muna niyang ipaalam sa kanyang superior ang bago niyang nakalap na impormasyon. But being aware of the sudden gleam in Bethany's eyes just now, the last thing he wanted was the press fouling things up, as they usually managed to do. Exposure was probably all she was interested in. Reporters. They were all alike! Pero paano kung iba si Bethany kay Celine? Napatitig na lamang siya sa dalaga. BETHANY Her mind was racing. Eh ano naman kung maliit nga lang na kaso ang gambling, sa isip niya. Illegal gambling was certainly worthy of attention. Newsworthy attention. At sa palagay niya meron pa siyang madidiskubre sa katauhan nitong si Marco Montez. "Okay, fine." sang-ayon ni Gib sa huli, para maiba nito ang topic. "I hope you don't mind na ginamit ko ang shower mo this morning. At pati razor mo ay nagamit ko rin..Sana man lang tinanggal mo ang sapatos ko sa aking pagtulog." Nanlaki naman ang mga mata niya sa huling sinabi ni Gib. "Ano ka sinuswerte? For your information mister, hindi ko habit ang magtanggal ng sapatos ng lalaki." angil niyang wika, pero nginitian rin naman niya ang binata pagkatapos niyang sabihin iyon. "Nakatulog ka ba ng maayos?" Their eyes met and held for a very long moment. "Hay! Nakatulog na naman ako sa ibang bahay." ani Gib, at pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. "I-I think I'll go shower now." she said, edging toward the doorway. "Kailangang makaabot ako sa newsroom at 9:00 a.m. sharp." GIB Sa pagtalikod sa kanya ni Bethany bigla tuloy niyang naalala ang nagdaang gabi, kung paano niya nahawakan ang malambot na katawan ng dalaga. She was so warm and so feminine, yet so firm and supple beneath his fingertips. "Bethany." agad namang napatigil ang dalaga sa pagtawag niya. Pinandilatan siya nito ng mga mata as she turned back to him. "Yes?" "Sa susunod, wag ka na ulit magpapasok ng estranghero dito sa bahay mo." aniya pa. "At higit sa lahat, don't let them spend the night." It was advice that he himself should have heeded. Aamin niya, maganda talaga si Bethany, at magsisinungaling lang siya kung hindi niya aaminin sa sarili na sinadya talaga niyang sumama sa bahay ng dalaga. Napangiti lang naman si Bethany sa kanya bago siya nito tinalikuran muli. He didn't leave until the bathroom door clicked quietly behind her. Tiningnan niya ang orasan. Kailangan pala niyang magmadali nang sa ganon maabotan pa niya si Supt. Sayson matapos nitong mag roll call. Bago siya lumabas sa bahay ni Bethany, siniguro muna niyang naka locked ang door knob nito. Naisipan naman niyang puntahan ulit dito mamaya ang dalaga para imbitahin ng dinner. Pero tatanggapin kaya nito ang paanyaya niya? he just smiled in satisfaction. He had the feeling na hindi naman siguro siya tatanggihan ng dalaga. May pakanta-kanta pa siyang nalalaman nang sumakay na siya sa kanyang kotse, at hindi na naalis sa mukha niya ang ngiti sa kanyang mga labi. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD