GIB
Napasandal siya sa kanyang kinaupoan ngayon, and tried not to look irritated. The news Supt. Sayson had just delivered was both good and bad, pero sa mga sandaling ito, ang bad news lamang ang kanyang tinuonan ng pansin.
"Excuse me, sir?" sabi niya sa kanyang boss. "Ang press? bakit ho kailangan pa nilang masangkot dito?"
Napatingin lamang ang kanyang bossing sa kanya. Tas nilipat nito ang tingin kay Alex na nagpipigil tawa. Despite Alex easy laughter and offhand manner, matinik rin naman ang isang ito. He and Alex were two of the best vice cops in their Division.
Supt. Sayson Spread his hands. "Wala akong choice. Order ito ni Senior Supt. Corpuz."
Nagkuyom siya ng kamao at umangat sa kinaupoan niya, tas lumapit siya sa bintana roon.
"Sigurado akong ayaw din nina Bogart at Winston ang ideyang yan." biglang saad niya at dumungaw ulit sa bintana.
"Wala din silang choice." matatag na sabi ng Supt. "Pero alam mo naman na may buy-bust operation tayo within this week, siguro ang isasama ko nalang ay sina Jonas at Andrei. Kaya pakiusap ko sa inyo ni Alex na kayo nalang muna ang mag pursue sa kasong ito."
Tinapik naman siya sa balikat ni Supt. Sayson. "Matagal na nating hinahanap si Marco Montez, sana maaasahan ko kayo sa bagay na ito, Gib." pahayag nito. "Baka nag expand na nga siya ngayon sa kanyang operasyon, and it makes sense to strike while the iron is hot. Baka pag hinayaan natin siya sa mga panahong ito, baka hindi lang drugas at prostitusyon ang lumaganap sa ating bansa."
Hinarap niya muli ang kanyang superior. "Alam ko yan, sir." mahinang sabi niya. "Pero makakaya na ho yan namin ni Alex, basta hindi lang po kami magiging baby-sitter sa reporter na yon." at hindi lang yan sir, sabi niya sa sarili. The promotion list was due to be posted soon. Ayaw na niyang maka encounter na naman ng bad publicity, enough na ang nangyari sa kanya noon. At hindi niya alam kung kakayanin pa ba niyang makatrabaho ang isang reporter, dahil baka ito na naman ang maging sanhi sa stagnant niyang promotion.
"Ako, okay lang naman sakin kung saang operasyon ako sasabak." Alex began, aware of his reasons behind it. "Siguro naman hindi mangingialam ang reporter na yon sa trabaho natin."
Sumabat ulit si Supt. Sayson "Hold that thought, boys. Tandaan ninyo, mahilig sa magagandang chicks itong si Marco Montez, at sa tingin ko, ang reporter na yon ay pwedeng maging asset natin."
Nagkatinginan lang silang dalawa ni Alex, at lumiwanag naman ang mukha ng loko niyang kaibigan, samantalang laglag naman ang balikat niya.
Pero bago pa makapagsalita si Alex, inunahan na niya itong magsalita. "Babae po ang reporter?"
Napatango naman si Supt. Sayson. Samantalang si Alex ay napailing-iling...pa as if pa itong brusko niyang kaibigan, eh iyon naman ang hilig, sa isip niya.
Bigla namang sumagi sa kanyang isip si Bethany, pero hindi naman siguro ang dalaga na siyang tinutukoy na reporter ni Supt. Sayson.
"As a matter of fact." dagdag sabi ni Sayson. "Nandoon na siya ngayon sa conference room going over some background information. So I need the three of you boys, Jonas, Alex, and Gib, tara sa conference room."
"Why not?" sabi ni Alex sabay siko sa kanya. Napakibit-lamang siya ng balikat at sumunod agad sa kanila.
Nasa harap na sila ngayon ng conference room. And from the moment Supt. Sayson opened the door, bigla naman siyang nakaramdam ng tensyon sa katawan.
Binati kaagad ng Supt. ang nakatalikod na reporter. Likod palang nito masasabi na niyang sexy ito dahil na rin sa suot nitong skirt na makikita mo talaga ang kinis, at ganda ng hubog ng mga binti nito. Nang paglingon nito sa kanila, he felt every muscle in his body tighten as he stared back at her. Si Bethany Dalman?
*****