BETHANY
She was aware of Gib's presence the minute he stepped into the room, at tama nga siya naroon na nga sina Gib sa may doorway. Gumanti rin siya sa pagbati ng mga ito.
Naninigas naman siya nang matalim siyang tinitigan ni Gib.
Supt. Rafael Sayson felt the sudden tension in the air, as well. Kaya matapos ang mabilisang pagpapakilala, sinabi nito kay Gib at kay Alex na magpaiwan muna sila kasama niya. "I'll leave the three of you alone to get acquainted and discuss strategy." huling sabi ng Supt. at lumabas na agad ito kasama ng isa pang tauhan.
She noticed that Gib widened the distance between his chair and her before he sat down. While Alex took the seat across the table. Nalilito naman siya sa ipinapakitang ugali ni Gib ngayon, she watched Gib's movement closely, but her eyes sharpened when she had observed a look exchanged between Gib and Supt. Sayson a while ago.
Para namang biglang naglaho ang excitement niyang makita si Gib, dahil nga sa inasta nito. Hindi kasi mahirap e figure out na galit nga ito nang dahil sa kanya. Pero hindi naman niya maintindihan kung ano nga bang ikinagagalit nito sa kanya.
"So," basag ni Alex sa kanilang katahimikan. "Looks like we'll be teamed up together for a while."
Tumaas naman ang kanyang temper nang makita niyang ini-snob lang siya ni Gib, kaya ibinaling na lamang niya ang tingin kay Alex.
"Parang ganon na nga." sang-ayon niya.
Matamis na ngiti naman ang tugon sa kanya ni Alex. "Alam mo, hindi pa rin ako lubos makapaniwala na may makakatrabaho nga kami ni Gib na isang magandang binibini." tas kinindatan siya nito.
Unlike Gib, Alex manner was pleasant, his eyes admiring but friendly. Kaya medyo kumalma siya, at parang gusto na niyang makatrabaho si Alex.
She smiled back to him. "Thank you Alex."
GIB
"Naniwala naman kahit binobola lang." biglang sabi niya. Napalingon naman sa kanya si Bethany at tiningnan siya ng matalim. Naalala tuloy niya ang gabing kasayaw nito si Clark, pero ang hindi lang niya maintindihan kung bakit bigla siyang nairita kay Alex na parang gusto niya itong sapakin sa mga sinasabi nito kay Bethany. Damn! What was wrong with him? Nagseselos kaya siya? Pero hindi, inis lang itong nararamdaman niya para sa babae. Because he'd been outsmarted and outmaneuvered...by none other than a reporter.
Samantalang, naglaho naman ang ngiti sa mukha ni Alex. At makikita mo talaga ang uneasy expression sa kanyang mukha. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Parang meron yata akong na missed dito ah.."
BETHANY
"Nagkita kasi kami kagabi ni Inspector Sarmiento." paliwanag niya, but she didn't elaborate further. "At parang ayaw yata niyang makatrabaho ang isang babae." parinig niya sabay tingin kay Gib. The tension in the air was almost palpable.
"Hindi naman sa lahat ng kaso." mahinahong sabi nito, at tumawa ito ng hilaw. "Kung makakatrabaho ka namin wala namang problema yon. No problem at all."
"I see," mahinang tugon niya dito.
"Ang ayaw ko lang, yong madaling mapikon." pasaring naman sa kanya ni Gib.
"I won't." depensa niya sa sarili. "Pero aaminin ko, na mas gusto kong higit pa kay sa isang observer, ang pakiusap ko lang sa inyo, na sana wala tayong ilangan dito. In fact, chance ninyo ito na magkaroon kayo ng media exposure."
"Exposure! For your information Ms. Dalman, iyon yata ang pinakahuling bagay na kailangan namin." sabi ni Gib, at biglang umangat sa kinaupoan nito. "At higit sa lahat, hindi namin kailangan ang kagaya mo."
His angry bark startled her. Nagugulohan naman siyang napatingin kay Alex. May simpatiya nga sa ekspresyon nito, pero nang tingnan ni Alex si Gib, a slight wariness crept into his eyes.
"Alex, would you mind if I talked to Inspector Sarmiento alone?"
"Gib?" sambit ni Alex.
"Okay lang Alex." sagot ni Gib.
Pagkalabas agad ni Alex, binalingan naman siya ni Gib. Pinagkrus nito ang mga kamay at matalim siyang tinitigan nito.
"Sa tingin ko," sabi nito sa mahinang boses. "Kailangan mong magpaliwanag sa akin."
"Magpaliwag?...at bakit naman ako magpapaliwanag, huh?"
Gib just rolled his eyes. "Wag ka ngang melodramatic diyan."
"Melodramatic!" she exclaimed. "Bakit ba galit ka sakin?"
"Galit nga ako sayo." angil nito. "Siguro karapatan kong magalit sayo."
"Well, hindi kita maintindihan. Napakabugnotin mo kasi eh." angil na pahayag niya sabay tayo sa kanyang kinaupoan.
"Alam mo bang meron akong magandang rason na pagsuspetsahan ka?" he demanded. " Naalala ko pa kasi, na tinanong mo ako tungkol kay Marco Montez. Hindi kaya may pinaplano ka, at kasama na roon ang pagbubuntot sakin."
Ako? Magbubuntot sa kanya? grrr...the nerve of this guy! "At naalala ko rin na binigyan mo lang ako ng walang kabulohang sagot. Sa tingin mo ba napapaniwala mo ako?" she shot back hotly. "Ipaalala ko rin sayo Inspector Sarmiento, na ako ang nag tipped sayo tungkol sa Gray Paradise at kay Marco Montez."
"Getting assigned to this case. " he said while thrusting his hands in his pockets. " It wasn't your doing, diba?"
Huminahon na nga ang lalaki pero nanatili pa rin ang tensyon sa pagitan nila.
"Not entirely," she told him, at umalma na rin siya. "My editor thought it would be a good idea for one of our reporters to work with the police on this case. I remember also about a month ago another of our reporters tagged along on arson investigation."
GIB
He finally met her gaze, a hostile glint in his eyes once again. "Bakit hindi mo nalang aminin? Na big break mo ang storyang ito, and you wanted it bad."
"What if I did? It happens to be my job."
"And you're damned sure that your going to make the most of it?"
"Ano bang ibig mong sabihin, huh?" she demanded.
"It means," he told her very deliberately. " Na gustong mong makasiguro that there's something in store for you. Maniwala ka, I've had enough experience with reporters to know how they play the game. You're out to make a name for yourself, diba Bethany?"
"Is there something wrong with that? Nagsimula akong magsulat ng mga obituaries, and even now I often end up covering grade-school plays and charity events! kaya hindi ko palalampasin ang opportunidad na gaya nito."
Panandalian namang namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
"Hindi," he finally said. "I don't suppose you are." he let out his breath slowly. Hindi nga kakaiba si Bethany sa kanila. The memories rushed back.
FLASHBACK
He was a rookie cop back then, young, enthusiastic, and out to better the world. Pero malupit pala ang mundo sa kanya. May naka relasyon kasi siyang isang baguhang reporter, at masasabi niyang na in love talaga siya don sa matalino at magandang reporter. Ang hindi lang niya akalain na magawa siyang saktan ni Celine para sa pangalan nito - at his expense.
END OF FLASHBACK
"Just tell me one thing," biglang sabi niya. "Paano kung wala tayong makuhang ebidensya laban kay Marco Montez? What then?"
BETHANY
Napakunot-noo lamang siya. For she hadn't yet considered the possibility. "Eh di, wala akong storya na makukuha."
"Talaga? Hindi kaya gagawan mo kami ng storya na may dalawang Police Officials na incompetent sa trabaho nila kaya naisahan ng isang bigtime na sindikato."
Parang hindi yata siya makahinga sa mga pinagsasabi nito. Nang walang makuha na response si Gib galing sa kanya, inakusahan na naman siya nito.
"See?" he said softly. "I've learned that it pays to never underestimate the power of the press. Hindi kaya tama ang mga sinasabi ko sayo? Eh di may storya ka na, at ma a-acknowledge pa ang pangalan mo kahit pa anong kalalabasan ng imbestigasyong ito."
Talagang nagulat siya sa mga sinasabi nito. He sounded so bitter. "That's not journalism." nanginginig na sagot niya. "That's backstabbing. At hinding-hindi ko yan gagawin."
"Hindi mo ako maloloko Ms. Dalman." tas tinalikuran siya nito.
Hinarang naman niya ito sa may pintuan. "Gib please!" pagsusumamo niya. "Diba nagkaayos na tayo kagabi pa? Bakit nag-iba na naman ang pakikitungo mo sakin ngayon?"
GIB
Dahil sa pagharang ni Bethany sa kanya, muntik ng maglapat ang mga katawan nila. Kung hindi lang siya mas mataas pa kay Bethany, sigurado siyang pati mga mukha nila ay muntik na ring magkalapat.
"I-It's just that..." nauutal niyang sagot. Nakita na naman niya ang pa inosenteng mukha nito. Dahil panandalian silang nagkatitigan.
BETHANY
"Gib, pwede ba tayong kumain sa labas ngayong gabi?" she detected a sudden softening in him and felt a little guilty at taking advantage, but she coudn't help it. "I really need to know a little more about this case before we get started." dagdag niyang sabi rito. "Sana pumayag ka?"
GIB
Saglit pa rin silang nagkatitigan ni Bethany hanggang sa sumang-ayon siya. "Sige."
Sana hindi nalang ito nangialam pa sa kaso ni Marco Montez, but Bethany Dalman was one very determined lady. Kung anong nasa isip nito, sasabihin talaga nito. Plano pa nga niyang imbitahin ito sa dinner, pero naunahan pa siyang ayain nito.
"Saan?..at kailan?" tanong niya.
Just when Bethany begun to think, yumuko naman siya para magpantay ang mga mukha nila.
"H-how about right after work?..mga around 6 p.m." sabi nito, then she reached for her purse and slung it over her shoulder and named a restaurant nearby.
"That's fine." he nodded briefly at tuloyan na siyang umalis.
BETHANY
Naiwan siyang nakatunganga sa may doorway. Na starstruck yata siya sa kagwapuhan ni Gib, but she knew there was much more to him than rough good looks and a devastating smile. Isa pa, nahahalata niya sa lalaki na allergic ito sa reporter, kaya tuloy na iintriga siya kung bakit. At higit sa lahat, kailangan rin niyang patunayan kay Gib na mali ang suspetsa nito sa kanya.
*****