Afzal pov Labis ang pangungulila ko sa babaeng pinakamamahal ko. Ngunit hindi ko magawang iwanan ang proyektong nakaantabay sa akin. Gusto kong tapusin ang aking nasimulan. Kahit masakit kailangan kong tiisin, ipinagdasal ko nalang na sana mapatawad niya ako sa aking hindi pagsunod sa kanya. Tinawagan ko sina Tita Jessica at kuya Clarence kung kumontak na ba sa kanila si Clea. Tinatanong pa nila ako kung bakit bigla kaming nawalan ng connection. May masama ba daw na nangyayari sa aming relasyon. Ang sabi ko may hindi pagkakaunawaan lang. Naging busy ako sa loob ng halos dalawang taon. Finally natapos na rin namin ang pinaka-unang unique design ng cruise na mismong pag-aari ng CEO ng aming paaralan. Pinangalanan niya itong “Lightning Explorer”. Bilang designer at head engineer ng Lightni

