Nagulat ako ng bigla niya akong yapusin para saluhin niya ang bala na dapat ay para sa akin. Agad ko namang inumang ang aking baril at tatlong beses kong binaril sa ulo ang yawang armado. Ang dami niyang sinasabi pero hindi nagsi-sink sa utak ko dahil bigla akong kinabahan ng sobra. “Bumalik lang ako sa wisyo ng tanungin ako ng heneral.” At agad ko siyang pinabuhat sa kanyang mga kasamahan para padapain sa kama at ng matanggal ko ang balang nakabaon sa balikat niya. Nang simulan ko na ang operation naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang kamay sa baywang ko. Hinayaan ko nalang siya baka sakaling sa ganun na paraan mabawasan ang sakit sa sugat na tinamo niya. Alam kong sobrang galit ako sa kanya pero ng makita ko siyang lumalabas na ang dugo sa bibig niya nataranta na ako. Habang tinat

