CHAPTER ONE
CHAPTER 01
POV, Seraphina.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, matapos kong marinig ang nakakarinding pag a'away nila mama at aking step father. Nahuli kase ni mama na may ibang babae ito kaya madalas na sila nag a'away. Ako ang panganay sa aming magkakapatid at tatlo naman sa ikatlo kong Step father ngayon at isa sa second husband ni mama nuon, na nauwe din sa paghihiwalay dahil daw sa tamad itong magtrabaho at nag aadik pa.
Ganun talaga ang buhay ng nanay ko. palaging malas sa pag ibig, narinig kopa nuon nung unang pagsasama nila, sabe niya swerte nadaw siya kase bukod daw sa mabait madatong padaw itong ikatlong napangasawa niya, Yun naman pala saksakan ng pagkahilig sa babae short mean babaero, naku!.
" Hmm bakit pa kase mag aasawa eh, bakit kaya hindi nalang siya mag sikap at magtrabaho para sa amin, hindi ba niya kayang mabuhay ng walang lalake?, kaloka si mama ah!.." Bulong ko sa kabilang kwarto habang nagtutupi ng mga hinaon ko na sinampay.
" Maghiwalay nalang tayo Roger, sustentuhan mo nalang ang mga bata!.." Singhal ni mama Kay tatay Roger, Narinig ko ang mahinang pag sang ayon nito at kalaunan ay umalis na. Sobrang naawa ako kay mama ng oras nayun dahil panay lang ito sa pag iyak, na natili lang ako sa kwarto at palihim na pinakikinggan ang paghikbi ni mama.
Hindi ko talaga lubusang maintindihan bakit ganun nalang ang reaksyon ni mama sa pag alis ni tatay Roger, talaga bang hiwalay na sila?.
Yan ang mga tanong na paulit ulit sa utak ko, dahil nga sa wala pa akong kamuwang muwang sa ganyan na relasyon, kaya hindi ko talaga maiwasang hindi magtaka palagi kay mama. 12 years old palang ako at nasa grade 6 ga-graduate na next year.
Napalingun ako sa biglang pag iyak ni bb ang bunsong kapatid namin na nakahiga sa duyan.
Bigla ako nakaramdam ng awa para sa mga kapatid ko dahil maliliit pa ang mga ito.
Lumipas ang tatlong oras at mag gagabe na, nagulat ako ng makita ko si mama na nakamake up at nakasuot ng sexy na damit.
" Sera, bantayan mo muna mga kapatid mo ha, maghahanap lang ako ng pera para maypambili tayo ng makakain, hindi kase nag iwan ng pera yung p*tang*nang tao nayun kahit pambili man lang ng gatas ng kapatid mo, nandun lahat sa babae niya yung pera nya!.." Gigil na sabe ni mama sa akin. wala naman akong nagawa kundi ang tumango na lamang at kahit nagtataka ay minabuti ko nalang na hwag ng magtanong dahil takot akong mapagalitan.
Lumipas pa ang Isang linggo, ay palagi nalang umaalis si mama ng dis-oras ng gabi at madaling araw na kung umuwe, maydala na itong mga pasalubong tulad ng pagkain, pero ang ipinagtataka kolang ay lasing ito kapag umuuwe sa bahay, kung baga tulog sa araw, gising sa gabe.
Isang araw naabutan ko si mama na nagluluto ng tanghalian namin, maaga akong nauwe galing iskuwelahan dahil wala kaming pasok. Naisipan kong magtanong sa kanya kung ano bang trabaho niya sa gabi at bakit kapag umuuwe siya ay lasing ito.
" Mama, puwedeng mag tanong!.." Nahihiya ko pang tanong sa kanya.
" Ano Yun?!.." istrikta niyang sagot.
" Ma, ano palang trabaho mo sa gabi?.."
Napansin kong ang bigla'an niyang paghinto sa ginagawa at tumingin sa akin. Narinig ko malalim nitong pagbuntong hininga bago nag salita.
" hwag monang alamin, bata kapa at hindi mo rin ako maintindihan, Kaya Ikaw mag aral ka ng mabuti para hindi ka matulad sa akin anak!.." Malungkot nitong pahayag at hindi na nag salita pa.
Tumango nalang ako kahit naguguluhan.
" Bakit kaya ayaw niyang sabihin sakin!.." Taka kong sabe sa utak ko.
Akmang aalis na sana ako ng bigla itong magsalita ulit.
" Sera kung dumating man sa puntong nasa tamang idad kana, pumili ka ng lalakeng papakasalan at mamahalin ka hanggang sa pagtanda mo, hwag kang gagaya sa akin na paiba iba ng lalake sa Buhay!.." Mahina nitong sabe na tila nakikiusap ito sa akin.
Nangunot naman ang noo ko at biglang natawa.
" Maah!, bata pa po ako, at naku hindi ako mag aasawa agad, magtatapos muna ako ng pag aaral bago sa mga ganyan, at tutulungan kopa ang mga kapatid ko at bibigyan pa kita ng magandang bahay mah!.." Sabe ko sa walang kamuwang muwang kung ano talaga ang punto ni mama.
" Basta tandaan mo ang sinabe ko Seraphina!.." Mahinang nitong sabe, agad ko namang ikinatango.
Lumipas ulit ang isang buwan habang abala ako sa pag aayos ng bahay ay nagulat ako sa biglaang pag uwe ni tatay Roger, at agad na hinanap nito si mama. Nakita kong pumasok ito sa loob ng kwarto kung saan natutulog si mama.
Makalipas ang ilang saglit ay narinig ko na naman ang pagbabangayan nilang dalawa, si mama ang unang ng away dito. tahimik lang si tatay Roger pero may sinabe ito kay mama na nakapagpahinto sa pagtatalak ni mama.
Narinig kong inabutan niya ito ng pera, at sinabe nitong para pamasahe!. At agad na umalis na naman ulit.
Dahil nga sapagka chismosa ko ay agad akong lumapit kay mama. at nag tanong.
hindi paman ako tuluyang nakakapasok sa loob ng kwarto ay sinigawan na niya ako. kaya ayun ang ending napa'atras nalang ako at bumalik na sa pag aayos ng kusina.
Dahil nga sa sanay na ako sa ganun na istilo nilang dalawa ni mama kaya bale wala nalang sa akin ang mga ginagawa nilang pag aawayan at nakasanay narin namin na sa isang linggo isang beses nalang kung umuwe si tatay Roger dahil sa trabaho nito at sa bagong kalaguyu.
Nagdaan ulit ang isang linggo ay nagulat ako sa sinabe ni mama, Uuwe na daw kami sa lugar kung saan talaga kami nakatira.
at naikwento din niya na may lola at lolo pa daw kami, sabe niya maganda daw duon sa kanila. kaya naging excited naman ako sa aming pag-uwe. At
duon daw muna kami pang samantala.
Makalipas ang ilang araw ulit at naghahanda na kami sa nalalapit naming byahe patungong Cagayan De Oro City, Mindanao Province.