Inalalayan ko si Hannah na pumasok sa condominium ko, alam kong pagod na pagod na siya at gusto na niyang kumain. Inihiga ko siya sa higaan ko. Ayaw niyang magsalita. Bagkus ay hinila niya ang kumot para tabunan ang buong katawan niya. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng first aid kit para sa mga sugat niya. Nang makarating na ako ulit sa kama. Nakita ko siyang nakaupo at nakatingin sa baba. Kinuha ko ang upuan at lumapit ako sa kanya. Iniangat ko ang mukha niya para magtagpo ang mga mata naming dalawa. Nakikita ko parin ang mga luha sa mga mata niya. Pinunasan ko ito ng kamay ko at hinawakan siya sa pisngi. “It’s okay Hannah. I’m here.” Hinawakan niya ang kamay ko at mas tinitigan ako. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para mahalikan siya. At sa pagkakataong iyon hindi na niy

