Tumingin muna ako sa salamin kung ayos na ba ang suot ko. Nag tuxedo ako ng itim at necktie na blue. Ayos, nakagel narin ang bukok at! Higit sa lahat!? May laman ang wallet. Hahaha. Tumingin ako sa orasan at pasado alas otso na ng gabi, nakakasiguro akong nakauwi na si Hannah sa bahay nila. Huling tingin ulit sa salamin. Nagdikit ang kilay ko na parang may mali. “Bakit super bongga nga pala ang suot ko?” Naisip ko rin na dadalaw lang pala ako kay Hannah. Magpapalit pa ba ako? Kaso, maghahanap na naman ako ng susuotin ko, dadalaw lang naman kasi talaga ako eh at. Sige na nga! Yayayain ko siya mag date ngayong gabi. “Akala mo Clay ikaw lamg ha!” Kausap ko sarili ko sa salamin. Kinuha ko na ang susi ko at dumiretcho na ako sa basement para kunin ang motor ko. Nakarating na ako

