Nagising nalang ako ng yakap-yakap ako ni Marcos. “I thought I lost you.” Sabi nito sa akin. Umiikot parin ang paningin ko. Ang naalala ko lang ay nasagi ako ni Ella sa pool, tapos malalim pa ito at hindi ko maabot. Nakainom ako ng maraming tubig hanggang sa mawalan na ako ng malay. Hindi ko alam kung sino ang nag-ahon sa akin. Basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay hilo. Medyo nasusuka dahil sa tubig na nainom ko. Maya’t-maya ay may kumuha sa akin sa braso si Marcos. Binalutan ako ng towel, nakita ko si Clay na ang umaalalay sa akin. Iniupo niya ako sa may cottage at hinamas ang likuran ko. Naalala ko pala kanina. Si Marcos at si Ella nag-uusap, at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nito. Ayoko ng tumingin sa kanya, baka kasi magalit sa akin si Ella na tinitingnan ko an

