“What!? Bakit siya nahulog sa pool anong dahilan!?” Pagbabalita sa akin ni Jake. “Si Marcos, ang sabi niya sakin sinadya daw ni Ella na banggain si Hannah sa pool.” Tugtong pa nito. “And anong rason kung bakit niya ginawa ito?” “I do not know, why don’t you ask her sweetheart.” Nilapitan ako ni Jake at niyakap niya ako. Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Kinikilig ako sa tuwing niyayakap niya ako tinititigan, hinahalikan. Yung feeling na gusto mong sumigaw. Haay. pero hindi ko parin maalis sa isip ko si Hannah. Walang hiyang Ella na yun. Humanda siya sakin bukas. Hindi ko papalampasin ang ginawa niya sa bestfriend ko. Ayoko rin makita na inaapi niya lang ang beshy ko ng ganun-ganun lang. “I know what you’re thinking sweety. Gaganti ka nu?” Bulong niya sakin. Natawa ako sa si

