Huh? Walang tao? Eh kanina pa ang uwian nila ha. 07:30pm na. Bumili pa naman ako ng pwede namin kainin. Pasalamat lang, kasi dito ako natulog sa kanila nung sabado. Excited akong makauwi na siya kasi baka may dinaanan lang. Maya’t-maya ay may pumarada ng sasakyan sa harap. At binuksan ang ilaw nito sa loob. Si Clay? Magkasama sila? Bakit? Nagtago ako sa halamanan para di ako makita. Bumaba na si Hannah at nag paalam na kay Clay. Papasok na sana si Hannah pero tinawag ko ang pangalan niya. Nakita kong natakot siya at kumuha ng ballpen sa bulsa at itinapat sa akin. Lumabas na ako at nagpakita sa kanya. “Really Hannah? May bago kana bang kaibigan bukod sa akin? Lalake pa? Wala akong tiwala sa lalakeng yun makinig ka sakin!” Nabigla kong sabi sa kanya na hindi dapat ito ang

