Tumingin ako sa orasan. Isang oras ng nakakalipas pero hindi parin dumadating si Marcos. Ano nga ba naman ang inanaalala ko? Sila naman ni Ella. At alam niya kung bakit wala si Marcos. Mas itinuon ko nalang ang atensyon ko sa lesson namin ngayon. Natapos nalang ang buong klase. Absent nga siya. Pumunta ako sa whiteboard at tiningnan ang nakapaskil na band paper. Mga top 10 students sa klase. Nasa top 1 parin ako, pangalawa si Marcos sa akin, si Clay, sunod Ella and Melyn. Lumabas na ako sa room namin at naglakad na pauwi. Wala naman si Melyn. Baka nga may trabaho natalaga siya. Ang trabaho niya ay pasayahin si Jake. Napahinto ako sa paglalakad ng may tumatawag sa akin mula sa likod. Nilingon ko naman ito at nakita ko si Clay na papalapit na sa akin. “Hi Hannah, parang wala k

