CHAPTER 7 HANNAH ZAMORA

1565 Words
    Noong nakita ko si Marcos na kahalikan si Ella. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang may galit at selos. Bwisit! Hindi ko mapigilang hindi isipin. Kakaisip-kakaisip ko sa kanilang dalawa, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahay. Buti nalang kung ganun kasi walang mga bituin at malakas ang hangin. Mukhang uulan pa. Pumasok na ako sa loob ng bahay. At wala parin si Melyn. Akala ko ba isang gabi lang?     Parang doon na talaga siya titira kay Jake ha. Sana nga lang mahalin siya ni Jake kagaya ng pagmamahal at pag-aalaga na binigay ko sa kanya. Pumunta na ako sa banyo at nag-half bath. Tumingin ako sa salamin at naisip ko na naman si Marcos at Ella. “Punyeta! Tumigil ka Hannah ha! Mali yan! Mag-aral at mag tapos!” Para akong praning na kinakausap ang sarili ko. Haay.. pumunta ako sa aking kwarto at nakatulog agad.     Nagising ako bigla ng marinig ko ang lakas ng buhos ng ulan. Lumabas ako sa kusina para uminom ng tubig ng marinig kong may kumakatok? Naalala ko si Marcos, siya lang ang nakakaalam ng bahay ko. “Marcos?” Tanong ko. “Let me in Hannah please?” Sagot nito. Agad kong binuksan ang pinto para papasukin siya. Napagdesisyonan kong dumito muna siya dahil sa lakas ng ulan.     Napatingin ako sa orasan, alas nuwebe ng umaga. Dali dali akong tumayo kasi wala pang nalulutong umagahan. Nag-ayos ako at lumabas ng kwarto ko. At nakita ko si Marcos na tulog parin hanggang ngayon. Pumunta ako malapit sa sofa at umupo sa gilid niya. Tinitigan ko ang kanyang maamong mukha at labi nito, nag-init ang pisngi ko ng maalala kong hinalikan niya ako bigla kagabi. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon, pero nabuhay ang p********e ko. Kahit nasampal ko siya dahil sa ginawa niya.     Hahawakan ko na sana ang pisngi niya ng biglang gumalaw ang kamay nito. Pinabayaan ko muna siyang matulog dahil alam kong pagod at puyat siya kagabi. Naghanda na ako ng umagahan dahil baka magising narin si Marcos. Habang nagluluto ay nasagi sa isip ko kung totoo ba ang sinabi ni Marcos kagabi. Wala naman akong iniisip na masama sa kanila. Kung sila talaga ni Ella. Hindi naman talaga ako manggugulo. Pero nakaramdam ako na mali nga ang hinala ko. Baka nga hindi sila ni Ella.     Pero bakit ko sila nakitang naghahalikan. Minsan talaga ang tanga ko rin kumuha ng tyempo. Bakit kasi hinanap ko pa ang kumag nayun. Pwede naman ako mag lakad. Pero tinamaan ako ang katamaran kagabi kaya naisip kong magpahatid sa kanya kung pwede. Tapos ganun pa ang bumungad sa akin. Napatigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang cp ko. Isang text galing kay Melyn.     “Best, andito ako kila Jake, okay lang ako dito huwag kana mag-alala sakin. Nasa mabuting tao ako.” Sabi nito. Mabuti pa siya, may Jake na nag aalaga sa kanya. Paano nalang ako? Si mama at papa nasa abroad tapos wala pang kasama sa bahay.     Nauna na akong kumain ng umagahan at tanghalian, hindi parin nagigisng si Marcos hanggang ngayon. Ganun ba talaga siya napagod kagabi? Saan ba siya galing?     Alas dose na pero hindi parin nagigising si Marcos? Pumunta muna ako sa banyo para maligo. Pakatapos ay nagbihis na ako ng short at sando. Lumabas ulit ako para buksan ang aircon sa sala dahil medyo mainit na panahon. Pumunta ako sa kusina para mag timpla ng kape. Ako lang siguro ang babaeng kahit mainit ang panahon eh nagkakape hahaha..     Tiningnan ko ulit si Marcos at nakita kong nakaupo na siya sa sofa. “Oh gising kana pala. Anong gusto mong kainin? Magkakape kapa ba?” Ani ko sa kanya. Binigyan niya lang ako ng ngiti, tumayo siya pero biglang napahiga ito sa sahig. “Marcos okay ka lang, bat ang init mo?” Hinawakan ko ang noo at leeg niya, at napagtanto kong may lagnat siya. Ayoko sanang magpanic pero punyemas hindi ko alam ang gagawin ko. Inalalayan ko siyang tumayo at inihiga sa sofa.     Dumiretcho ako sa kusina at naghanda ng makakain at gamot niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid niya. “Kumain kana. Ito oh, ito narin ang gamot.” Tumingin siya sa akin. Nag-init ang pisngi ko.     Nakatitig ang mala asul niyang mga mata at pulang mukha. “Thank you. Kaya ko sarili ko. Huwag mo na ako nalalahanin, hindi na ako magtatagal, uuwi narin ako.” Sabi nito sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko mapigilang giligin. Pagkatapos nito ubusin at uminom ng gamot ay agad na siyang nag ayos. “Pahiram muna ng damit ni papa ha.” Pang-aasar na naman nito sa akin. Saka anong papa ka dyan. Pilingero din talaga itong lalake na ito.     Bago siya umalis, kinuha ko ang baril sa bag at folding knife na pinahiram nito sa akin. “Hindi ko alam kung sinong mga sumusunod sa ating mga alien sa tindahan. Pero hindi ko na ito kailangan. Kaya ko sarili ko. Huwag kang mag alala.” Inabot ko ang mga gamit niya at agad niya naman itong kinuha. “Sorry kagabi. Nakainom ako.” Paghihingi niya sakin ng tawad. Umiwas ako ng tingin sa kanya.       “Eto ang iPhone mo, Hindi ko kailangan ito, may mga magagamit pa ako.” Sabay abot niya rin sa akin. Awkward masyado, kase Parang mag-on kami na nagbabalikan ng gamit or nagbabayad ng utang sa isa’-isa.  Kinuha ko ulit sa cellphone. “So, dito na ako, kita nalang tayo sa school.” Huling sabi niya sakin. Sabay alis. Nagbugtong hininga nalang ako kasi, at least kinaya kong makipag-usap sa kanya. “Ano self? Kaya pa? nahuhulog ka na ba?” Sabi ng utak ko. Tinapik ko ang dalawang pisngi ko, dahil sa anong naiisip ko. “Oh right Hannah, Pasok sa loob, Mag-aral ng mabuti.”     Inayos ko ang mga ginamit ni Marcos at saka umupo sa sofa. Biglang nag vibrate ulit ang cp ko. “Huh? Request message? Kanino?” Binuksan ko ang message na ito. “Photos? Galing kay Ella.” Wala pa naman akong data. Lumabas ako at bumili ng load sa tindahan. At bumalik sa sofa. Binuksan ko ulit ang message ni Ella at tumambad sa akin ang litrato nilang dalawa ni Marcos.     Bumilis ang t***k ng puso ko ng isa-isahin ko ito. “Bakit naman isesend sa akin ni Ella itong picture na nasa stage silang dalawa at magkahawak ng kamay? Event naman to sa school at hindi nag dedate.” Pero bakit may kakaiba akong nararamdaman. Selos? Bakit ako mag seselos? Kami ba?     “Wow! Ang ganda ng kuha Ella, Pasensya pala sa napatunan kita ng tubig. Congrats parin sa inyong dalawa.” Reply ko sa kanya, ituturn-off ko na sana ang data nang nagreply siya. “Salamat, siya nga pala, kami na ni Marcos, gusto ko lang ipaalam sayo, masaya kaba para sa amin?” Ano naman ngayon kung sila! Teka pinapaselos ba ako ng gagang ito. “Talaga? Congrats ha. Sana magtagal kayo.” Chat back ko. “Talaga? Hindi ka ba naniniwala?” Reply ulit niya. Haay. Hindi ko nalang pinansin.     May pinasa ulit photo sakin si Ella. Kung saan tumaas ang balahibo ko at nanlamig ang katawan ko. Bukod sa nakita kong naghahalikan sila sa school. Nakita ko pa ang isang imaheng naghahalikan sila ni Marcos sa kama. “Punyeta!” Inihagis ko ang cp ko sa sahig at napahawak sa ulo. Hindi ko namalayang may namumu-ong luha sa mga mata at handa na itong pumatak ano mang oras. “What’s wrong with you Hannah. Bakit ganito nararamdaman mo? Bakit? Ano mo ba si Marcos? Ilang beses lang naman kayo nagkasama diba?” Dikta ko sa sarili ko.     Umupo ako sa table at kinuha ang libro ko. Pagbukas ko dito pumatak ang luha ko. “Hindi, hindi. Huwag kang mahuhulog.” Nagpatuloy parin ako sa pag-babasa dahil may mga quizzes kami sa Monday at Sunday na bukas.       Sobrang aga kong nakarating sa klase. Inaantok parin ako, ewan ko ba kung anong sumagi sa isip ko at pumunta ng maaga. Maya’t-maya ay dumating narin si Melyn. “Best? Hello! Goodmorning bestie ko.” Nilapitan niya ako at bineso-beso. Napansin kong bago ang bag at sapatos niya, mayroon narin siyang suot sa sing-sing. “Asensado na ha.” Parinig ko dito. “Ahh. Ito ba? Nag-apply kasi akong maid kay Jake.” Nagdikit ang kilay ko doon ha.     “Pero, special nga lang yung with benefits.” Sabay kindat nito sa akin. nagbuntong hininga ako sabay hawak sa ulo. “Mahal mo? O ginagamit mo?” Tanong ko sa kanya. “Kung anong turing niya sakin, ganun din ako.” Sagot nito. Yuyuko na sana ako ng inangat niya ang mukha ko. “Ano nangyare sa mata mo?” Tanong nito.  “Wala, napuyat ako nanood ako ng movie.” Sagot ko.     Dumating na ang ibang kaklase ko at nagtatawanan kasama si Ella. “Wow, congrats Ella girl, kayo na pala ni Marcos. Natagpuan mo na ang prince charming mo.” Yan ang naririnig kong pinag-uusapan nila. “Ang sweet naman ni Marcos, buti pumayag siya na kuhaan ng litrato sarili niyo while kissing. Seriously? Inaagaw siya ni Hannah sayo? Tapos ang lakas ng loob niyang sumingit sa inyong dalawa ha.” Mga chismosa, Ito ang mga naririnig kong bulong-bulungan nila.     Hindi ko nalang pinansin ito dumating narin si sir Lucas. At tinawag ang pangalan ko. “Hannah, bakit mo sinadyang tapunan si Ella ng tubig during competition?” Mukhang galit si sir sa akin. Tumayo at nagpaliwanag sa kanya. “Sir? Nasagi ho ng isang contestant ang kamay ko kaya nung iaabot ko na kay Ella ay biglang natapon ito sa mukha niya.” .. “Kinausap ko ang mga ibang contestant pero wala naman talagang sumagi sayo nung mga oras nayun.” .. yumuko nalang ako.     “Sorry sir, sorry Ella.” Yun nalang ang nabigkas ng labi ko.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD