Gabing contest ng Mr and Ms Intramurals. Nakatingin ako kay Hannah na abalang abala sa pagbibigay ng damit na susuotin ni Ella habang inaayos ang buhok nito. Nakikita ko talagang ayaw niya ang ginagawa niya pero wala nga siyang choice. Nakalimutan na niya akong kausapin dahil sa dami ng pinapagawa sa kanya ni Ella. Nagkatinginan naman kami ni Ella at nilapitan ako nito. Tumalikod ako sa kanya pero umupo parin siya sa harapan ko.
“Galingan mo doon ha.” Sabi sakin ni Ella. Sabay kindat. Nilalandi ba ako nang babaeng ito? Pinuntahan kami ni Hannah at may dala siyang tubig. Ibibigay na niya sana it okay Ella pero nasagi ang kamay niya ng isang babaeng kasama rin sa contest. Natapon ito sa mukha ni Ella. Agad namang kumuha ng panyo si Hannah, pero bago niya mapunasan ang mukha nito ay sinampal na ito ni Ella. “Ang tanga mo! Nasira na ang make-up ko oh!” Galit na galit si Ella at tumayo pa para itulak si Hannah.
Hindi ko nagustuhan ang naging aksyon ni Ella. Kaya agad kong itinayo si Hannah pero pinalo niya palayo ang kamay ko. “Hayaan mo siya Marcos, ang tanga tanga kasi. Makakarating to kay sir Lucas na during contest tinapunan moko ng tubig sa mukha!” Dugtong ni Ella. “Enough Ella. Hindi niya ito sinadya. Nakita mo namang nasagi ang kamay niya diba?” Pagta-tangol ko kay Hannah. Tumayo si Hannah at humingi ulit ng tawad. Nakita ko ang mga mata nito na nagingilid ang kanyang luha.
Umalis agad ito sa harapan namin. Pipigilan ko sana siya kaso nagtawag na sila na mag ready na kami sa loob lamang ng limang minuto. Umupo ulit ako at tiningnan si Ella na nagmamadaling ayusin ang kanyang make-up.
Hindi narin nagtagal ay pinapunta na kami sa stage. Habang nakatayo sa stage iginala ko ang paningin ko para mahanap si Hannah. Hindi na ako nag alala ng makita ko siyang kasama si Melyn.
Hindi narin siya umiiyak at kahit papaano ay ngumingiti na siya. Nang naglakad ang isang lalake patungo sa mic para magpakilala, nakita ko si Melyn na may dalang banner na nakasulat ay “I love you Jake Garcia Hubby ko!” Sigaw din ng sigaw. Pati si Hannah? May dala ding banner sa lalakeng yun at ang nakasulat ay “Go! Jake kababata ko yan!” Wow. Nag effort talaga sila doon ha. Akala ko ba kailangan niyang suportahan ang section namin pero bakit mas inuuna na pang i-cheer ang ibang section.
Nahuli ako ni Hannah na nakatingin sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin at tinoon ang pansin kay Jake. “Bwisit.. hindi niya ba talaga niya ako susuportahan?” Wala man lang cheer sa akin? Kahit konti?
Pasado 11:30pm nang gabi ng matapos kami sa event. Hindi narin ako na expect kung mananalo ba talaga ako. Kase una sa lahat pati sarili kong kaibigan o kaibigan niya ba ako ay hindi man lang ako masuportahan. “Haayyyiissh. Marcos! Gising bakit kaba nagkakaganyan! Para kang tanga” Sabi ko sa sarili ko. Haay.. napahawak nalang ako sa ulo at napaupo sa gilid. Sa sobrang pagod parang gusto ko nalang matulog dito sa school.
“Hi Marcos, Tara sa bahay namin, celebrate tayo kahit 2nd runner up lang, Friday naman ngayon at wala namang klase bukas.” Anyaya sa akin ni Ella. “Hindi muna siguro Ella, salamat nalang.” Tanggi ko sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya ng hawakan niya ang aking kamay. Napatingin ako sa kanya at tinitigan niya ako at biglang hinalikan ako sa labi. Naging istatwa ako ng ilang segundo. Hindi ko alam ang gagawin kung itutulak ko ba siya o hahayaan.
Nang matapos niya ako halikan, nakita ko si Hannah na nakatayo sa harapan namin. Tatayo na sana ako para magpaliwanag ng sumagi sa isip kong bakit?
Kami ba para magpaliwanag ako? “Aah. Marcos, pasensya na, magpapahatid sana ako pauwi kasi wala ng masyadong masakyan, pero hindi nalang, malapit lang naman pala. Kaya ko na maglakad. Sige Marcos. Mauuna na lang ako ha.” Umalis na agad sa harapan namin si Hannah.
Sinundan ko siya ng tingin, hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko, nag aalala ako sa kanya. “Hannah!” Sigaw ko sa kanya. Pero hindi na niya ako nilingun. Sa mga oras na yun hahabulin ko na sana si Hannah kaso hinarang ako ng mga kaklase ko at ni President Clay. “Good Job Marcos! Not bad! At least hindi tayo kulelat!” Puri sa akin ni Clay. “Shot! Shot! Shot!” Sigaw ng mga kaklase ko. Hinawakan nila ang dalawang braso ko at ipinasok sa van.
12mn nang makarating kami sa bahay ni Ella. Wala ang mga magulang niya doon sabi niya busy daw sa pag manage ng company. Kaya nagpaparty siya dito sa bahay nila. Masama na ang pakiramdam ko at nahihilo na ako. Binigyan ako ni Clay ng isang basong alak. “Cheers!” Sigaw ng lahat. Inubos ko ang isang basong alak para makisama sa kanila. “Ella? Where is your guess room please?” Tanong ko sa kanya. Tumayo si Ella at inalalayan ako papunta doon.
Pumasok na kami sa guess room at inihiga niya ako sa kama. Akala ko tumayo na siya para umalis pero isinara niya ang pintuan. Humiga siya sa tabi ko niyakap ako. “Do you like me Marcos?” Tanong nito sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagtulog-tulogan ako. Umupo siya at ramdam kong tinitingnan niya ako. Hinawakan niya ang pisngi ko sabay hinalikan ako ng paulit-ulit. Hindi ko na matiis, hindi ko na kaya. Nag-aalala talaga ako kay Hannah.
This time itinulak ko na siya. Kahit masama ang pakiramdam ko lumabas ako ng kwarto. Maingay parin at nagkakasiyahan ang mga iba kong kaklase. Mas pinili kong umalis nalang sa bahay nila Ella. Mabuti nalang at may nachambahan pa akong taxi. Sumakay ako dito at pumunta ng school para kunin ang motor ko. Pagdating ko sa school nag drive ako papunta sa bahay ni Hannah. Nagmadali akong bumaba sa motor at kumatok sa pinto nila.
Halos limang minuto na akong nag aantay sa kanya sa labas at biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Basang basa na ako pero patuloy parin akong kumakatok sa pinto nila. Mahigit sampong minuto akong kumakatok, hanggang sa narinig kong may lumalakad papunta sa pintuan. “Marcos?” Tanong ni Hannah. Kilala na niya siguro kasi ako lang ang nakakaalam ng bahay nila sa klase. “Let me in Hannah please?” Agad niyang binuksan ang pinto at nakita niyang basing basa na ako sa ulan.
Agad siyang nagmadali at kumuha ng towel para sa akin. “Anong ginagawa mo? Dapat umuwi kana lang, ligtas ako Marcos, nakauwi ako, huwag mo na ako alalahanin.” Ani to sa akin. “I just want to say sorry, Mali ang iniisip mo sa aming dalawa ni Ella.” Paliwanag ko sa kanya. “Don’t be sorry, Wala akong masamang iniisip sa inyo, at kung kayo talaga. Well, masaya ako dahil may GF ka--” Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Hannah ay hinalikan ko na agad siya sa labi.
Itinulak niya ako palayo at sinampal. “How dare you!” Sigaw niya sakin. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa. Dahil siguro sa masakit ang ulo ko at masama na pakiramdam ko. “I’m sorry Hannah. Maybe I should go. Gusto ko lang malaman na nakauwi ka.” Sabi ko sa kanya. Lumakad na ako sa pinto pero pinigilan niya ako. “Malakas ang ulan, baka ano pang mangyare sayo. Dumito ka muna kahit ngayong gabi lang, wala kaming guess room, dito kana sa sala matulog, ihahanda ko lang ang gagamitin mo pati damit na pwede mong masuot.” Sabi nito sa akin.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti pero tinarayan niya parin ako. Tumungo ako sa banyo para magpalit ng damit na pinahiram niya sakin. “Huwag ka nang mag-inarte, gamitin mo na ito, damit to ni papa. Ito lang ang kasya sayo.” Sabi nya sakin. Nagmadali na akong nag-ayos at dumiretcho na sa sala. Nakita kong nag aantay sa akin si Hannah. “Nakaayos na lahat ng gagamitin. So maiwan na kita dito ha.” At umalis na siya pumasok sa kwarto niya.
Umupo ako sa sofa at tiningna kung anong oras na. 02:00am na ng madaling araw. Buti nalang walang klase bukas. Matutulog na sana ako ng maalala ko ang ginawa ko kanina. Tinapik ko ang sarili ko. “Gago kaba. Bakit mo ginawa yun?” Ang tanong na umiikot sa isip ko. Maya’t maya ay nakaramdam na ako ng antok. Humiga na ako sa sofa dahil ito lang naman ang higaan na pwede kong gamitin.
Ala una na ako ng magising. Umupo ako sa sofa at parang nahihilo parin konti. Hindi na ako nakakain ng umagahan at tanghalian dahil pagod at puyat. Nakita ko si Hannah sa kusina. “Oh gising kana pala. Anong gusto mong kainin? Magkakape kapa ba?” Tanong niya sa akin. Tumayo ako pero bigla akong natumba sa sahig. Nabitawan ni Hannah ang hawak niyang baso at dali-daling akong pinuntahan.
Inalalayan niya ako at inupo sa sofa. “Marcos okay ka lang, bat ang init mo?” Pag-aalala niya sakin. Hinawakan niya ang noo ko at leeg. “Jusko, may sinat ka. Humiga ka muna dyan ipaghahanda kita ng makakain at gamot.”