CHAPTER 5 MARCOS JACOB

1724 Words
    Hingal na hingal akong nakarating sa room namin ng dahil late na akong nakagising. Bwisit, nakainom kasi ako kagabi at nakalimutan kong magpa-alarm. “Sorry sir, I’m late.” Tumingin ako sa orasan sa klase at isang oras mahigit akong late. At nag uusap na sila patungkol sa result ng exam. “Buti nalang, mataas ang nakuha mo sa exam, well congratulation, 2nd highest ka overall.” Sabi sakin ni sir Lucas.     Pumasok ako sa room at umupo sa tabi ni Hannah dahil nga magkaibigan naman siguro kami, hehehe.. Lumapit sa akin si sir Lucas at inabot ang test papers ko. Nasiyahan ako sa score na nakita ko, 2nd highest sa lahat. “Sinong ang nakakuha ng pinakamataas na score?” Tanong ko kay sir Lucas. Umupo siya sa lamesa niya. “Bakit hindi mo tanungin ang katabi mo?” Anito. Si Hannah lang laman ang katabi ko. Lumingon ako sa kanya pero hindi siya tumingin sa akin.     Pinitik ko ang ilong niya para humarap siya sakin pero, hinampas niya ako ng libro. “Ay Grabe siya oh, galit na galit? Ayos lang, masarap naman ang luto mo eh.” Puri ko sa kanya. Imbis na matuwa siya eh parang nagdikit pa ang kilay niya. Umiwas na ako ng tingin sa kanya kasi baka sa mukha ko na lalapat ang libro.     “Anyway class, may mahalaga tayong pag-uusapan, intramurals na at kailangan natin ng players sa laro. Maraming pwedeng salihan. Tingnan niyo ang paper na ibinigay ko sa inyo kanina, anjan ang mga laro, gusto kong isulat ninyo ang mga pangalan ninyo dyan kung saan niyo gustong sumali. Start now.”     Tiningnan ko ang mga games na sasalihan ko kasi isa to sa pinakamasayang school event. Nakita kong nagsusulat na si Hannah sa papel niya at pasimple akong sumilip. At nakita ko kung saan siya sumali. Mabuti siguro kung doon din ako sa sasalihan niya para may mapuntahan ako kung sakaling gutumin ako. Hehehe. Napansin ko siguro ni Hannah na ngumingiti ako at tumitingin sa papel niya.       Hannah: Tingin-tingin ka sa papel ko.     Marcos: Hala, feelingera oh. Anong titingnan ko dyan?     Hannah: MYOB!     Marcos: Ano ano ano!?     Hannah: Mind your own business.     Marcos: What if my business is you? (nag-isip kung tama ang sinabi.)     Hannah: You’re getting into my nerves you stupid jerk!     Marcos: Okay okay, I’m sorry. My mistake.         Pagkatapos naming maisulat ang pangalan naming ay pinasa na agad namin kay sir ang papel. “Okay class, sa ngayon ay mag-e-elect na tayo ng officer dito sa klase. So, sino ang pwede mag volunteer na maging secretary muna dito sa harap” Sabi ni sir Lucas. Agad namang nagtaas ng kamay ang kaibigan ni Hannah na si Melyn. Pumunta agad siya sa harapan at kinuha ang white board pen. “So Let’s start!” Isinulat ni Melyn ang mga position sa simula sa President pababa. Isa-isa nang nagtaasan ng kamay ang mga kumag kong kaklase ko sa likod. Sinisigaw nila si Ms. Zamora.     Isinulat na sa white board ang pangalan ni Hannah, pati isa pang nominee na si Clay Ramirez, 3rd highest score sa exam. Sila lang dalawa ang nasa board. Sabi naman ni sir kung sino ang pinakamataas na boto sa kanila ay siya ang presidente at automatic ang matalo ay vice president na kaagad. Simula ng nagbotohan. “Who’s in favor for Clay Ramirez?” Ang daming nagsi taasan ng kamay. Halos kalahati ng klase.     “Who’s in favor for Hannah Zamora?” Agad kong itinaas ang kamay ko at tumingin sa likod kung marami ang bumoto sa kanya. Pero wala? Tumingin ulit ako sa harap at nakita ko si Melyn lang at ako ang bumoto? Tang-ina anong problema nila? Ang landi naman ng iba sa gwapo lang tiningnan ang pagiging president? “Okay class, our classroom President is Clay Ramirez and Vice President ay si Hannah Zamora.” Ani ni sir Lucas. Nakita ko si Hannah na nagbabasa lang ng libro at walang pakealam sa nangyayare sa paligid.     Natapos narin hanggang sa secretary, ito lang naman daw ang mahalagang role sa school. Kaya nag proceed na kaming lahat sa muse and escort. Si Ella Madrigal ang napiling muse sa room, oo maganda siya average din ang IQ. Ngayon sa escort na naman. Matutulog na sana ako sa klase nang marinig ko ang pangalan ko. “I nominate Marcos Jacob for escort.” Tumingin ako sa likod kung sino ang nagsabi ng pangalan ko. Si Ella Madrigal. Ngumiti lang siya sa akin at kinindatan ako.     Ang naging secretary namin ay walang iba kundi si Melyn parin, tutal siya naman ang nagvolunteer. Itinuloy nalang. Masakit parin ang ulo ko, hang-over hanggang ngayon. Umalis muna si sir saglit dahil may pupuntahan daw muna siyang meeting regarding dito sa intramurals. So pumunta ako sa pinakalikuran kasi wala naman talagang umuupo doon. Inaantok naman ako kaya matutulog ako. Pero bago pa man ako nakayuko. Pinuntahan ako ni Ella. Binigay niya sakin ang phone number niya. Tinanggap ko nalang agad para wala ng maraming salita.     Nakatulog ako ng sa buong klase, at hindi ako pinagalitan ni sir Lucas, siguro may tiwala siya sakin na tataasan ko ang score ko exam. Hindi na ako nanghalian wala din naman akong gana. Tumingin ako sa orasan at oras na para mag miryenda. Lahat ng mga kaklase ko ay nasa labas at ako lang mag-isa sa loob ng room. Matutulog nalang siguro ako hanggang sa matapos ang klase, 04:30pm uwian na kasi namin.     Yuyuko na sana ako ulit ng may pumitik ng tainga ko. Si Hannah, may dalang kape. “Eto oh, pagod ka? Bat di ka nagmiryenda wala kang pera?” Sabi niya. Inabot niya sakin ang kape na tig lilimang piso. “Alam kong kulang pa yan sa cellphone na nasira ko. Pasensya na.” Tugtong nito sa akin. Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti. “Effort talaga? Hindi mo naman talaga kailangan bumili para sakin. Ang Cellphone ko? Hayaan mo na...”     Hindi pa ako tapos mag salita eh inilabas niya sa bag niya ang brand new iPhone, at ibinigay niya sa akin. “Alam ko kahit gaano kamahal ang bilhin ko eh may memories kana sa cellphone mo may pinagsamahan na kayo at alam kong iniingatan mo talaga iyon. Salamat narin sa paghahatid sakin pauwi.”     Mabait din naman talaga itong babae na to, kaso paminsan nag mamaldita lang talaga siya. Humigop ako sa kape na binigay niya sakin. Haayy. Ang sarap sa pakiramdam yung init sa katawan. “Salamat Hannah.” Sabi ko sa kanya. Nag-ring na ang bell at mayroon nalang kaming isang subject bago matapos ang klase. Nagsipasukan na ang lahat ng estudyante at nagsiupo dahil andito na si sir Lucas. “Okay Class, sasabihin ko na kung sino ang mga estudyante na napili ko para sa mga laro.”     Dinikta isa-isa ni sir ang mga pangalan ng iba kong mga kaklase pero hindi ko pa narininig yung sakin pati kay Hannah. “Okay, Lahat ay pwede nang umuwi maliban nalang kay Ms. Zamora and Mr. Jacob.” Yes! Sabi ko na talaga. Pinapunta kaming dalawa ni Hannah sa office ni sir. “Ano na naman kayang contest ang papasukan natin?” Tanong ni Hannah. “Chill, easy lang kung ano man yan.” Sabi ko naman.     Umupo kami sa harapan ni sir at naghihintay kung ano ang sasalihan naming dalawa. “Since kayong dalawa ang nangunguna sa klase napagpasyahan kong isali ko si Marcos sa Mr Intramurals. At ang partner niya ay si Ella Madrigal. Ikaw ang pinatawag ko dito Hannah para umalalay sa kanila. Ibang section yun ay ang mga top 5 sections ang makakalaban niyo, dahil nasa top 2 ang section natin, inaasahan kong maiuuwi natin ang trono. No more buts, all expenses ay sagot namin, wala kayong gagastusin ang gagawin niyo lang ay mag practice sa modeling, porma porma ha. That’s all dismiss.”     Nakalabas na kaming dalawa sa office ni sir at nakatulala parin si Hannah sa sinabi ni sir. Pareho kasi kaming Hindi inaasahan na ganito ang ibibigay niya saamin. “Tang ina bakit ako pa, Ginawa pa talagang akong alalay!” Sigaw niya sa sarili niya. “Tsssh. wala kang magagawa Vice President ka eh. Kaysa naman ikaw maging president aasukasuhin mo ang buong klase? Hahaha.” Sabay Tingin ko sa kanya. Nilingon niya ako at nilapitan sa mukha sabay taas ng kilay.     “Wala kang choice. Wala din ako. Ito ang sabi ni sir.” Sagot ko. Tinarayan niya lang ako. Pahabol din pala ni sir, binigyan niya kami ng module para sagutan nalang, kasi mag papractice pa daw kami simula bukas na agad.     05:30am na nang umaga ng magising ako, bumangon ako at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Napatingin ako sa kalendaryo kung may schedule bang binigay siya sakin ngayong linggo. Wala naman. Pumunta ako sa may balcony para pagmasdan ang sikat ang araw. At ang tumatakbo sa isip ko. Kung ano kaya ang buhay ko kung hindi ako sangkot sa trabahong ito? May makakain pa kaya ako? Saan ako magpapalipas ng buong araw at saan ako kukuha ng pang araw araw kong gastusin? ANO ANG BUHAY KO KUNG BUHAY PA SI MAMA AT PAPA. Una sa lahat hindi ko naman talaga ginusto ang ganitong buhay, siguro dahil sa gusto kong maghiganti sa lahat. Paano ba ako nagsimula sa ganito?       Masaya kaming naglalaro ng chess sa labas kasama si papa, si mama naman ay nagluluto ng kakainin naming pananghalian. Masaya kami sa pamumuhay na simple. Hindi ganun kayaman hindi rin naman mahirap. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit may mga armadong lalakeng pumasok sa bahay namin pilit na kinaladkad si mama at papa pati ako sa sala. Nagmamakaawa ang mga magulang ko na huwag idamay pati ako. “Bukod sa pagtataksil niyo sa samahan natin, muntikan pang makulong pa si bossing ng dahil sa inyo.” Sabi nito sa kanila. Hindi pa nakakapagpaliwanag ang mga magulang ko, binaril na sila sa ulo. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Tinutok na sakin ang baril at sa mga oras na iyon ay handa narin akong mamatay. Pero napigilan ito ng may naglistas sa akin. Mga armado din na kalalakihan at pinagbabaril nila ang mga pumatay sa magulang ko. Nilapitan ako ng lalake na nakaitim at binigay sa akin ang 9mm,. sa sobrang hindi maipaliwanag na emosyon kinuha ko ito at tumayo sa naghihingalong lalake sa harap ko. At sa pagkakataong iyon, hindi na ako nagdalawang isip na iputok ang baril sa ulo nito.       Tumunog ang cellphone na binigay sa akin ni Hannah. “01:00pm ang practice kita tayo sa school. Huwag kang mahuhuli.” Sabi niya. Mabuti nalang nagtext narin itong babae na ito. akala ko kasi display lang ang cp# ko sa kanya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD