Nakarating na kami sa bahay, pumasok na ako sa loob para kumuha ng mga gagamitin kong damit. Sabi naman sa akin ni Marcos na maghihintay nalang siya sa labas. Dahil may hahanapin pa siya. Buti nalang pinatuloy narin ako ni Marcos sa kanila dahil ako nalang mag-isa dito sa bahay. Ang gusto ko lang sana makasama siya dahil natakot ako sa nangyare sa akin kahapon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Handa na ako mamatay nung mga oras na iyon. Buti nalang dumating si Marcos para sagipin ako. Ang gusto ko lang naman din ay kung pwede dito rin siya matulog sa bahay namin. Ayoko naman abanduhin ito. “Ming-ming.” Rinig na tawag ni Marcos. Naghahanap siya ng pusa? Mahilig din pala siya sa pusa. Natapos ko na kunin ang iba kong gamit. Lumabas na ako na dala-dala ang bag pack ko na it

