Dis-oras ng gabi tumunog ang cellphone ko. Parang may tumatawag sa akin. Tumingin ako kay Hannah at nakita namang natutulog siya ng mahimbing. Bumangon ako sa higaan at kinuha ang cellphone ko saka umupo banda sa lamesa. “Celina?” Pagtataka ko, bakit siya tumatawag sa akin. Akala ko ba hindi na niya kami guguluhin ni Hannah. Patuloy parin tumatawag si Celina sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip na hindi ito sagutin. “Marcos.” Nagulat ako sa boses ni Celina. Parang nahihirapan itong huminga. “Celina? Bakit ano nangyare sayo?” “Tulungan mo ako please.” Bumilis ang t***k ng puso ko sa narinig ko. “Nasaan ka?Pupuntahan kita?” Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Ano ang nangyare sa kanya? Napano si Celina. “Dito sa condo ko, puntahan mo ako.” Agad ako nagbihis. Bago umalis sa co

