One
Sumimangot ako ng makitang wala man lang epekto sa kaniya ang ginawa ko. I kicked him. I pinched him. I even gripped his hair like I'm taking it away from him. Sa huli ako lang din ang nainis dahil hindi nan siya umiiyak.
"Are you done? I'm sleepy" he said before yawning.
Dumukdok siya sa mesa niya na nasa tabi ko lang rin. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim pero hindi man lang ito natinag.
I so hate him! I hate him to the core!
"Ronron! Ronron! Pangit ka. Hate kita." sabi ko habang sinisipa ang paa niya.
Hindi siya dapat makatulog! Palagi nalang kasi siyang tulog pero kapag tinatanong siya ng Teacher nasasagot niya agad.
Hindi ko tanggap na siya ang first honor! Hindi ko tanggap na pangalawa lang ako. Dapat una ako parati! Dapat ako ang first honor. Sabi ni Daddy kapag first honor ako dadalhin niya ako sa Maynila!
Kaya pinagsisikapan ko talaga na pag-aralan lahat kahit napupuyat na ako. Ako naghihirap magaral tapos siya parating tulog sa klase. Hindi ko matatanggap iyon!
Sumimangot ako ng hindi na talaga siya sumagot sa akin. Namasa ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong umiyak. Nilakasan ko ang pagngawa ko.
Naramdaman ko ang paggalaw niya sa gilid ko. Hindi ko siya pinansin. Umiyak lang ako ng umiyak. Ayoko ng second lang! Dapat ako ang first. Dapat ako ang best! Sabi n] daddy ay wala dapat akong flaw dahil Lopez ako.
"Ako ang inaway mo pero ikaw ang umiiyak. Tumahan ka na. Second ka na nga lang, papangit ka pa kasi umiiyak ka—"
"Hindi ako pangit! Lopez ako! Walang Lopez na pangit! Ayaw ko ng second! Ayaw ko!" kinamot niya ang batok niya at umiling sa akin.
"Wala naman ako magagawa! Tigil ka na nga! Ang ingay ingay mo naman paano ako makakatulog. Sa'yo na lahat sige na ikaw na first pati second pati hanggang one hundred ikaw na basta tahimik ka na!" binato ko siya ng lapis pati ng papel ko.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at pinulot ang mga gamit ko. Ginulo gulo niya pa ang magulo niyang buhok na parang iritado na siya sa akin.
Hindi parin ako tumitigil sa kaiiyak. Umupo siya pero sa pagkakatong ito ay humarap na siya sa akin.
"Sasabihin ko kay Ma'am na gawin ka niyang first pero kapag hindi pumayag sa'yo nalang ang medal ko. Tahan ka na kanina mo pa ako binubugbog, eh!" suminghot singhot ako bago pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng aking palad.
"Talaga akin nalang medal mo?" tumango siya at tinulungan pa ako punasan ang luha ko.
"Sa'yo na. Kahit ribbon ko sa'yo na kasi baka gusto mo din sa'yo lahat. Tahan ka na. Darating na si Ma'am baka pagalitan pa ako"
"I can't remember that" sumimangot ako at nanahimik nalang.
Ilang beses ko ng kinukwento kay Bryan ang mga nangyari noong bata kami pero kahit ilang beses kong ikwento ang mga naaalala kong nangyari, hindi niya naman iyon maalala.
Minsan nga naiinis na ako kasi pakiramdam ko wala siyang pakialam sa mga memories na nagawa namin. Minsan naman pakiramdam ko siya pa ang naiinis kapag pinipilit ko. Masama bang gusto ko iyong pagkwentuhan? Kami namang dalawa iyon, ah?
Gusto kong maalala niya kung paano kami magaway noon tapos ngayon, mahal na mahal namin ang isa't isa. Ang tagal din kasi naming hindi nagkita.
"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na makalimutan iyon. Sinabi ko naman sa'yo na pagkatapos ng school year na iyon ay nagkasakit na ako at dinala na nila Mama sa Manila. Iilan nalang ang mga naaalala ko noong nasa Tarlac pa kami. I can not even remember our house there. Maybe it's the medicine, I don't know. Let's just forget about the past, babe, what matters is that we're here today and I love you so much" hinapit niya ako palapit sa kaniya at hinalikan sa noo.
Pumikit ako at hinayaan nalang iyon. Tama naman siya, wala na rin naman akong magagawa kapag nakalimutan na nga ng tuluyan ni Bryan ang mga nakaraan.
Wala na rin akong magagawa kung nagbago na siya. Minsan namimiss ko ang masungit niyang side katulad noon pero bata pa nga naman kami noon. Halos labinlimang-taon na ang lumipas. Marami ang nagbago at hindi ko naman maibabalik iyon kahit na ano pang gawin ko.
Niyakap ko siya at nakuntento nalang sa kaniyang dibdib. Maybe, I should stop thinking about the past.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa kaniyang office bago siya nagdesisyon na ihatid na ako. Siya na rin ang nagdala ng bag na dala dala ko kaninang umaga.
Nilingon ko ang maghawak naming kamay at ngumiti. It's been years pero kapag nakikita ko ang mga kamay naming magkahawak o kapag nararamdaman ko siyang yumayakap sa akin, pakiramdam ko parang bago sa akin iyon. Kinikilig parin ako.
Siya kasi si Bryan Anton Montefalco, isang lalaking hindi mahilig mag-commit pero nag-commit sa akin. Akala ko nga lolokohin niya ako pero taon na ang dinaanan ng relasyon namin pero nananatili kaming matatag. Nananatili parin siya sa akin.
Huminto kami ng nasa elevator na kami. Pumunta siya sa gitna kung saan ang sarili niyang elevator. Tatlo kasi iyon, ang isa ay sa mga empleyado, isa sa kaniya at ang isa ay sa kapatid nito na matagal ng hindi umuuwi.
Ang sabi niya ay lumayo daw ang loob ng kapatid niya sa kanila simula noong maiwan ito at umalis sila para ipagamot si Bryan. May sakit kasi sa puso si Bryan dati. Siguro nainggit o kaya nagtampo?
Ilang taon lamang kami noong umalis sila. Ilang taon din ang inilagi nila rito pati na sa ibang bansa upang magpagamot. Habang iniisip ko iyon ay naaawa ako sa kapatid niya. Ang dabi ni Bryan ay halos magbinata na daw siya noong magkita silang kambal at simula noon ay iba na daw ang pakikitubgo nito sa kanila. Siguro ay nainggit talaga siya.
Pero hindi ko alam kasi hindi ko naman siya kahit kailan na nakita. Dumating ako sa buhay ni Bryan na wala na ang kapatid nito. I've seen him in pictures pero masyado pang bata iyon at masasabi kong magkamukhang magkamukha silang dalawa.
Halos wala talagang pinagkaiba. Noong una nga akala ko iyon ang childhood friend ko pero sabi ni Bryan ay siya raw iyon. I wonder kung hanggang ngayon magkamukha parin sila?
"Are you listening to me, baby?" kumurap kurap ako at lumingon kay Bryan.
Ngumisi ito at umiling ng makita ang ginawa ko. Pinisil niya pa ang pisngi ko bago hinalikan. "You're so cute, Amber Mikael" bulong nito na nagpapula sa aking pisngi.
"Ano ba kasi iyong sinasabi mo?" kunwaring naiinis pero sa totoo lang ay nagwawala na ang buong sistema ko.
"As I've said, I have a conference to attend. Sa Singapore iyon. Nagpapaalam lang ako sa'yo. I want you to join me but you're going home, right?" tumango ako.
Hindi ko siya maisasama kung ganun? Plano ko pa naman siyang isama pauwi sa amin sa Tarlac. Ang alam ko kasi ay naibenta na nila ang lupain nila noong lumipat sila dito at nag-simula ng negosyo.
"What's with the long face? Want me to kiss you, hmm?" sinamaan ko siya ng tingin at natatawang nagtaas siya ng dalawang kamay na parang sumusuko sa isang pulis.
"Ang landi mo kamo Bryan!" reklamo ko pero tinawanan niya lamang ako.
Gustong gusto ko talaga siyang isama dahil nitong mga nakaraang araw ay nagiging busy na siya pero sa susunod nalang siguro. Naiintindihan ko naman siya. Ayaw niyang ma-disappoint ang parents niya sa kaniya.
"So, when will I see you again?" nakabusangot ko ng tanong. Dinampian niya ng halik ang aking labi bago ang aking noo.
"Next week, I guess?" tumango ako.
Hinatid niya pa ako papasok sa apartment ko bago tuluyang umalis. Ilang minuto palang siyang nawawala pero miss na miss ko na naman siya.
Nasanay lang siguro ako na parati kaming magkasama before. Masasanay din siguro ako sa ganitong set up namin. Simula palang kasi ito. Training na rin siguro kapag kasal na kami na hindi naman parating magkasama kami.
I took a quick shower and brush my teeth. I tried to call him to bid my 'good night'but he's not answering.
I sighed.
Ilang linggo kaming hind] nagkita hanggang sa minsan ay umaabot na ng buwan.
"He is busy." halos mangilid ang luha ko ng sabihin ko iyon.
Kakarating ko lang galing sa opisina ni Bryan. Dapat nga matuwa ako dahil nakita ko na rin siya matapos ang halos dalawang buwan pero imbes na tuwa ay lungkot ang naramdaman ko dahil ako na ang dumalaw sa kaniya pero ni hindi niya naman ako binigyan ng kahit ilang minuto man lang.
Ang sama sa pakiramdam ng ganun. Ako na ang nag-effort pero wala namang pinatunguhan iyon. Ilang oras ang inilagi ko doon hanggang sa sumuko nalang ako sa kakahintay dahil hindi naman siya matapos tapos.
Tinanggal ko ang sapatos ko at inilagay shoe rack bago umupo sa gitna ng mga kaibigan ko na hindi man lang nagpapalit. Ayaw ko kasing umakyat sa kwarto dahil ayaw kong mapag-isa. Panigurado kasing maiiyak na naman ako.
"Okay ka lang?" tanong ni Desteen.
Nilingon ko siya at pilit na tumango bago nilipat ang paningin ko sa pinapanood nila at sumandal sa balikat niya. Maya maya ay naramdaman ko ang pagsandal ni Denise sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na nga ang kanina ko pa pinipigilang luha. Agad ko iyong pinunasan pero tuloy tuloy lang ito sa pagtulo hanggang sa tinakpan ko nalang ang mukha ko at humagulgol na nga.
"Ano bang nangyari? Hindi ka pinansin tapos?" tanong ni Denise habang hinihimas ang likuran ko. Hindi sila magkandaugaga sa pagpapatahan sa akin.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Desteen. Iyon ang problema, walang nangyayari.
Ganito talaga siguro kapag nasanay ka na nasa sa'yo lahat ng oras niya. Iyong ikaw ang priority niya tapos bigla na siyang nawalan ng oras sa'yo. Para bang ako ang pinakahuli sa listahan niya.
Gusto kong magreklamo sa kaniya pero wala naman akong magawa. Trabaho niya iyon. Libo libong tao ang umaasa sa kaniya, isama pa ang pamilya ng mga taong iyon pero masama ba na humingi kahit minuto lang? Kahit nga mag-text siya minsan para hindi ako nagaalala. May mga pagkakataon kasi na pupuntahan ko siya tapos wala naman pala siya sa bansa!
Sinanay niya kasi ako na kapag kailangan ko siya ay nandiyan siya o kahit hindi ko siya kailangan. Sinanay niya ako na parati siyang kasama. Nasanay ako doon tapos bigla nalang naging ganito kahirap ang lahat.
Pilit ko namang ina-adjust ang sarili ko at iniintindi siya pero nasasaktan din kasi ako. Nasasaktan ako sa pag-iignora niya na para bang wala na akong halaga sa kaniya.
"He's always busy, Amber. Simula noong siya na ang may hawak ng kumpanya nila 'di ba? Hindi ka pa ba nasasanay?" tanong ni Desteen.
Umiling ako na siyang ikinabuntong hininga ni Denise. "Kahit gaano ka pa ka-busy sa isang bagay kung mahal mo hindi ka mawawalan ng oras," kumento niya na lalong nagpasama sa pakiramdam ko.
Napansin kong sinamaan siya ng tingin ni Desteen pero umirap lang siya at nagkibit balikat.
"Nagpapakatotoo lang naman ako. Busy sa ganito, sa ganiyan. May meeting kaya nakalimutan ang anniversary. May appointment kaya hindi makakapunta sa date. May pupuntahan siyang lugar at busy siya kaya hindi magawang tumawag. Sana pala hindi na siya nag-girlfriend kung ganiyan lang din 'di ba?!" sunod sunod niyang sabi.
Kinagat ko angang labi ko. Wala akong maisagot dahil totoo naman ang sinabi ni Denise. Hindi ko magagawang ipagtanggol siya dahil wala naman na talaga siyang oras sa akin.
Minsan nga pakiramdam ko para akong batang namamalimos ng oras sa kaniya. Na kailangan ko pang magpa-appointment para lang magkita kami na minsan ay naka-cancel pa.
"Pero ngayon lang naman siya nagkaganito 'di ba? Babalik rin siguro siya sa dati," sagot mi Desteen.
Akmang magsasalita si Denise ng makarinig kami ng doorbell. Nagtinginan kaming tatlo at sabay sabay na umiling dahil wala naman kaming hinihintay na bisita.
"Fix yourself, Ambs. Baka mamaya si Tito Rof ito o kaya ang Tita..." sabi ni Denise na siyang nagpalaki sa mga mata ko.
Agad akong tumayo at umakyat sa kwarto ko. Pagkasarado ng pinto ay agad kong pinunasan ang mukha ko at nagisip ng mga magagandang bagay para mawala si Bryan sa isipan ko pero kahit anong gawin ko ay ang mukha niya ang bumabalik balik.
Ipinagdasal ko na sana ay hindi ang parents ko ang bisita namin. Ayaw kong makita nila akong nagkakaganito.
Tumingala ako at nagbilang ng kung ano ano. Huminga ako ng malalim ng ilang beses hanggang sa tuluyan na nga akong makalma.
Tulala lang ako habang nakasandal sa pinto. Napagod na rin sigurong maglabas ng luha ang mga mata ko kaya naman tumigil na.
Hindi naman nila ako kinatok kaya mas lumaki ang hinala ko na hindi nga parents ko iyon. Ilang minuto akong nanatili sa ganoong sitwasyon hanggang sa magdesisyon akong maligo.
Gumaan naman ang pakiramdam ko ng maramdaman ang mainit na tubig na dumadampi sa balat ko. Pinikit ko ang aking mga mata at hinaayaan angand sariling mabasa.
I should be thankful he's busy with business, right? Mas maganda na iyon kaysa sa ibang bagay o babae hindi ba?
Umiling ako at nilinis na lamang ang aking sarili. Nagsuot ako ng simpleng sleeveless shirt at short shorts. Nakaramdam naman ako ng pagod kaya pagkahiga ko ay agad din akong nakatulog.
Nagising ako na medyo madilim na sa labasan. Ilang minuto akong tumitig sa kisame bago kinapa ang cellphone ko at titignan sana ang oras ng mapansin kong may texts at missed calls ito.
Agad ko iyong binuksan at halos mapaupo ako ng makita ang pangalan ni Bryan na siyang nag-miss call. Agad akong lumipat sa messages, umaasang siya din nagtext at hindi naman ako nagkamali.
From: Bryan
I'm sorry, babe. I'll make it up to you. Pagkatapos lang nito babawi ako.
From: Bryan
I'm going to Aurora. I'm sorry I can't drop by before going. I'll be staying there for a month or two. I'm really sorry, babe. Please understand
Bumagsak ang balikat ko ng mabasa ang huling text niya. Akala ko pa naman... Ugh!
Pagkatapos niyang mawala ng ilang buwan ay mawawala na naman siya. Ni hindi nga kami nakapagusap man lang!
Sinubukan kong tawagan siya pero out of coverage na ang phone niya. Sa sobrang inis ko ay naibato ko ang cellphone ko. Ilang beses itong tumalbog bago tuluyang bumagsak sa sahig.
Babawi siya? Kailan pa?
Paano kung pagbalik niya ay may sunod na naman siyang pupuntahan? Wala na naman ako ganun ba iyon?
Gusto kong magalit sa kaniya pero hindi ko maiwasang umasa na matatapos nga ang lahat ng ito at babalik din sa dati ang lahat. Umasa nga na babawi nga siya sa akin.
Namaluktot ako at yumakap sa mga tuhod ko. Kahit naman kastiguhin ko ang sarili ko hindi ko parin mapipigilang hindi umasa. Iyon nalang ang tanging magagawa ko, ang umasa ng umasa ng umasa.
Nasasaktan na ako pero umaasa parin ako. Umiiyak na ako pero umaasa parin ako. Because life is hoping for the uncertain. Nature na ng tao ang umasa kahit bigyan mo ng napakaraming rason para tumigil na, hahanap at hahanap tayo ng kahit konting butas para umasa. Kahit nga minsan walang wala na, umaasa parin.
Nagulat ako ng makarinig ng call ringtone na parang sa akin. Nilingon ko ang cellphone ko. Akala ko ay sira na ito dahil sa pagbato ko pero heto parin at tumutunog.
Agad akong lumapit dahil sa pagaakalang si Bryan na ang tumatawag pero umasa na naman ako sa wala.
Daddy calling...