I sighed.
Hindi ko alam na pagkatapos ng ilang taon ay maiisipan ko pang bumalik. When I decided to leave, hindi na ako nagplano pa na bumalik.
My parents was with me. Umuwi lang sila noong plinano nila na ibenta na lahat ng properties namin sa Tarlac. Ang sabi ni Mama ay hahayaan na niya ang mana sa Tito pero bago pa ma-finalize lahat, naaksidente silang dalawa.
Hindi ko pa rin matanggap ang lahat. I was in denial. Hindi ko inaasahan na isang saglit, nawala silang dalawa sa akin.
"Mama..." lumingon ako sa ibaba ng maramdaman na may yumakap sa mga hita ko.
"Nagising Ate. Ayaw sa akin..."
"It's okay, Ada. Sige na. Baka mahuli ka sa flight mo. Just let me know kung ipapasundo na kita." sambit ko habang binubuhat ang anak ko.
"Sige po, Ate."
Ada smiled at me bago nagpaalam sa anak ko. He just looked at her before encircling his arms on my neck. Napakasungit talaga.
Si Ada ang kasama namin sa bahay. She was with us ever since I was pregnant with Ashton. Hinayaan ko siyang umuwi muna sa Visayas dahil napakatagal na rin simula ng nakauwi siya sa sariling pamilya.
Kinuha ko ang luggage habang buhat buhat ko ang anak sa kabilang kamay. Mabuti na lamang at kaunti lang ang dala ko. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung ganito ang ayos ng batang ito. Ayaw humiwalay.
"Mama... hot."
"Nasa Pilipinas na tayo, baby. It's really hot. You want to walk na ba?" imbes na sumagot ay humigpit ang yakap nito sa akin.
I sighed.
"Amber!" lumingon lingon ako sa paligid ng marinig ang pangalan ko.
Nabuhayan ako ng makita si Denise na papalapit sa amin. She smiled widely ngunit agad ding nabura ng makita ang batang nakayakap sa akin.
"Sino 'yan?" takhang tanong niya.
My son moved and looked at her. Umawang ang labi niya ng matitigan ang anak ko. Yes. Unang tingin palang ay alam mo na kung sino ang Tatay.
"Hindi mo sinabi..."
"I can't accept it at first. Ni hindi ko alam ang gagawin ko." simple kong sagot.
Naalala ko na naman kung paano ko nalaman. Mom was with me. Someone was looking for me. Dad was so furious when I told him about what happened.
Hindi nagtagal ay wala na kami sa bansa.
Bumuntong hininga siya. She tried to touch Ashton but my son flinched. He wrapped his arms on my neck again. Siniksik niya rin ang mukha sa akin.
"Mana sa Tatay! Aba ang sungit!"
"Denise. No..." sambit ko habang umiiling iling.
Kinuha niya na lang ang gamit ko. Alam kong marami siyang tanong ngunit nanatili siyang tahimik na nakamasid sa akin at sa anak ko.
"I'm sorry. I didn't tell him about his father. I just don't know how to." paliwanag ko ng mapansin na tulog na si Ashton.
"Iyong Tatay. Hindi din alam?" tanong niya.
Umiling ako.
"He tried to find you. He was so obsessed with you. Mabuti at... hindi kayo nahanap?"
"Ilang beses din kaming lumipat." sagot ko. "Ayaw ni Daddy na malaman niya. That's his karma."
"Pero paano ngayon... Lalo na may anak pala kayo..."
Daddy said that he stopped looking for us. Siguro naman ay tumigil na siya. Ilang taon na rin naman.
Iniisip ko talagang iwanan na si Ashton sa Amerika but he's just too dependent on me. He can not sleep if I'm not with him. Si Ada nga na halos kasama na namin simula noong ipinanganak siya ay hindi niya pa rin ganoon kasundo, paano pa kaya ang iwanan ko siya.
Iyon din ang rason kung bakit hindi ako nakapag-trabaho. I tried to find one but then he keeps on crying. Nag-tatantrums at humihinto lang kapag nakikita na ako.
"Are you sure you can drive?" tumango ako.
"Thank you, Den."
"Hindi na kita masasamahan. My leave was not approved."
"It's okay. Thank you."
"If you change your mind and decided to go back, I can help. I don't think he stopped looking for you."
"Then I will fight for us. Pagid na akong magtago..." sagot ko bago siya niyakap.
Gumalaw si Ashton at nag-badyang umiyak ng maramdaman si Denise. Akala ata ay kukunin siya.
Umiling si Denise sa akin bago tumingin kay Ashton.
"Mana sa Tatay. Iyong Nanay lang talaga ang gusto." kumento pa niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata pero ngumiti siya sa akin at tuluyan na ngang nagpaalam.
I borrowed her car. Hindi na kasi ako nakapag-pasundo pa dahil napakarami nilang inaasikaso sa lupa. Since it was not finalize, I decided not to sell the land.
Ang bahay at lupa sa U.S. ang ibinenta ko para makauwi na kami.
I know that coming back is a risk. Alam kong may lupain sila sa Tarlac at alam kong hindi magtatagal ay magkikita at magkikita kami pero nagsasawa na akong magtago.
Nakakaya ko noon dahil sa mga magulang ko. They were always there for me at alam kong na-didisappoint sila sa paguwi namin pero hanggang kailan kami magtatago? Ibebenta nila ang lupa upang tustusan ang pananatili naming mag-ina sa Amerika ngunit hanggang kailan namin makakayang tumira doon?
My parents sacrificed their life for us... for me. Para lamang hindi na ako mahanap pa pero napapagid na akong magtago.
Subukan niyang lumapit sa akin at sa anak ko. Akin lang ang anak ko. Wala siyang karapatan. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin... wala siyang karapatan.
Tapos na akong magtago.
"Mama... hungry!"
"Yes, baby. Bibili na tayo ng food."
Clark is a two hour drive from home so I decided to stop on a convenience store and buy him some snacks.
"Mama..."
"Yes, be?"
Inaabot niya sa akin ang isang plastic ng cup cake. Kinuha ko iyon sa kaniya at binuksan bago ibinalik. Tumahimik naman siya at nakatulog pagkaraan.
Nang makarating kami ay agad kaming sinalubong. I missed the smell of our province.
Ang mga naglalakihang puno at luntiang kapaligiran ang rason kung bakit gustong gusto ko ang lugar na ito. Nalungkot ako noong sinabi ng Daddy na aalis kami. I almost forgot how I love this province dahil sa takot ko noon.
Ni halos ayaw ko ng ring umuwi at bumalik. Hindi ko lubos maisip na makakabalik ako.
"Narito ka na pala! Manang, naihanda na ba ang kwarto ni Amber?" my aunt said while walking to me.
Ngumiti ako.
"Tita. Sa bahay po ako..."
"Mas makabubuti kung dumito ka na. Ang mga magulang mo ay rito namalagi dahil matagal na ring walang nakatira sa inyo. Pinalilinisan naman namin but still... mas mapapanatag kami kung narito ka sa mansiyon." si Tita bago yumakao at humalik sa aking pisngi.
"Mama!" a loud cry made my Aunt jump.
Agad akong umikot at kinuha ang anak. Tymahan naman ito ng mabuksan ko ang pinto at makita niya ako.
"I told you not to cry if you can not see me. You're already three, Ashton." malumanay kong sambit pero lumapit lang ito sa akin at yumakap na parang walang narinig.
"Kaninong anak iyan..."
"He is my son, Tita. Ashton, say hi." imbes na sumunod ay sumiksik ito sa akin.
"Kailan ka pa nagkaanak, hija? Kaya ba ayaw kang pauwiin ng Daddy mo? Sino ang tatay?" ngumiti lang ako.
Iginiya ako ni Tita papasok sa mansiyon. Agad na bumungad sa amin ang grand staircase ng mansion. Ang mga furnitures ay bago na at hindi na katulad ng mga nasa alaala ko.
"Nagugutom ba kayo? Gusto niyo bang mag-miryenda muna?"
"Magpapahinga po muna kami. Pasuyo nalang po ako ng luggage sa likuran ng sasakyan."
"Sige, hija. Manang, pakisamahan si Amber sa kaniyang... kanilang kwarto. Sabihan niyo si Fidel na dalhin ang gamit nila sa itaas." utos ni Tita. "Bumaba ka kapag nakapagpahinga na kayo. Kakausapin ka ng Tito mo tungkol sa lupa niyo."
"Salamat po." ngumiti siya sa akin at hinaplos ang mukha ko.
"Sana ay hindi mo na balakin pang umalis. Dumito na kayo ng... anak mo."
Alam kong gulat na gulat siya. Walang nakakaalam na nabuntis ako at nanganak. My parents kept it. Ang alam ko ay nasabi nila kay Tito pero hindi ako nakakasiguro.
Namangha ako ng makita ang kwartong pinagdalhan sa akin ng Tita. Isa ang mga Buenaventura sa may pinakamalaking lupain sa lungsod maliban sa mga Altamirano, Dela Merced at Zaldarriaga. Nahati at naibenta ang mga lupain noong namatay ang lolo ko. Tanging ang lupain namin at ng Tito Giovann nalang ang natira.
Nang maibaba ko si Ashton sa kama ay agad na umikot ang mga mata niya. Ilang beses na kumukunot ang noo niya habang tumitingin sa paligid.
Kumibot ang labi niya bago tumayo at naglakad palapit sa akin.
"Stay there, Ashton. Mama will take a quick bath."
Sabay kaming tumingin sa pinto ng biglang may kumatok.
"Stay there..." nalukot ang mukha niya pero tumalikod na ako. Nabungaran ko ang isang lalaking dala dala ang gamit namin.
"Ang bagahe niyo po, Miss."
"Salamat po..." sagot ko. Yumuko siya bago tuluyang umalis.
Hinila ko ang luggage namin papasok. I saw my son walking towards me.
"I told you to stay there, Ashton."
"But Mama..."
I sighed.
Sinasanay ko siyang wala ako parati sa tabi niya. Hindi pwedeng hindi ako magtatrabaho ngayon dahil wala na ang Mama at Daddy na parating nariyan upang alalayan ako. Eventually, magtatrabaho ako at kailangan na niyang masanay.
"I want Mama..." sabi niya bago tumakbo palapit sa akin at yumakap sa hita ko.
Nang makatulog siya ay agad akong lumabas. I looked for my Uncle. Iginiya ako ng isa sa mga kasambahay sa office daw ng Tito.
Kumatok ako bago pumasok. Umangat ang tingin sa akin ng Tito mula sa mga papeles na binabasa.
"Amber, hija. Kamusta ang biyahe?"
"Maayos naman po, Tito. Gusto niyo raw po akong kausapin tungkol sa lupa?" tanong ko.
Bumuntong hininga siya bago nilingon ang mga papeles sa harapan niya.
"Iyon na nga ang tinitignan ko ngayon. Ang sabi ni Atty. Francisco ay hindi pa nafinalize ang lahat ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit lahat ng ari-arian niyo ay nakapangalan na sa buyer. Ang bahay at ang lupain ay nasa kaniyang pangalan na."
"Po?" ilang beses akong kumurap bago lumapit sa tiyuhin.
Inabot sa akin ni Tito ang ilang papeles. Hindi ko inaasahan na nabenta na lahat. Ang buong akala ko ay naudlot iyon dahil sa aksidente ng mga magulang ko.
Halos manlamig ang buong pagkatao ko ng makita ang pangalan ng bagong may-ari ng aming ari-arian.
"Amber, ayos ka lang ba?"
"Tell me this is not true, Tito..." halos hindi ko marinig ang sarili ko dahil sa lakas ng t***k ng puso ko.
Imposible. Hindi ibebenta ni Daddy sa kaniya ang lupa! Not him! Alam kong sa lahat ng tao ay hindi sa kaniya ibebenta ng Daddy ang lupa kaya paanong nakapangalan sa kaniya lahat!
This is impossible.
"Ako man ay hindi makapaniwala, hija. Ang naiwan lamang ay lupang minana ng Mama mo. Halos lahat ng lupain niyo ay nakapangalan na sa kaniya."
Nanghihinang napaupo ako sa silya malapit sa akin.
Paano nangyari?
Paanong lahat ng pag-aari namin ay nakapangalan sa kaniya?
Muli kong tinignan ang mga papeles at titulo sa harapan ko. Mula sa unang papel hanggang sa dulo. I checked my father's signature at alam kong walang mali doon.
"Don't worry, hija. Pinatawag ko na si Byron. Siya lang ang makapagsasabi..."
"No!"
Bago pa man ako makapagpaliwanag sa tiyuhin sa bumukas ang pinto ng kaniyang opisina.
After almost four years of hiding, nasa harapan ko na siya.
Bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari. Hindi ko alam na ganito kabilis kaming magkikita.
His gaze met mine. Nagtagis ang mga bagang niya habang taimtim na nakatingin sa akin.
"Babe..."
Hindi pa man ako nakakabawi ay bumukas muli ang pintuan. I froze when I saw my son with my Aunt. Umiiyak siya habang ang mga mata ay naghahanap at huminto lamang ng makita ako.
When he saw me, kumawala siya sa aking tiyahin at tumakbo palapit sa akin.
"Mama! Mama!"