Nilingon ko si Ashton ng inaabot niya sa akin ang maliit na plastic ng isang cookies. Kinuha ko iyon at agad na binuksan bago muli nag-drive papuntang mall.
We need to buy some stuff kasi halos nabenta ko lahat ng gamit ko. I even sold some of Ashton's things. Ang mga toy car niya ay hinahanap niya sa akin kanina.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na ibinenta ko na dahil lalo itong magwawala.
"Mama buildings!"
Ngumiti ako. Kapag ganito siya ay parang naaawa ako. Hindi kami halos naglalalabas dati. Siguro kaya rin napakasungit niya at takot sa tao dahil doon.
Kumunot ang noo ko ng mag-park kami ay naroon na naman ang itim na sasakyan. Nitong mga nakaraang araw ay parating mayroong sasakyan na parang nakasunod sa amin. Hindi ko alam kung nag-ooverthink lang ba ako o ano. Sino naman kasi ang susunod sunod sa amin? Noon pwede pang si Byron pero ngayon... imposibleng pasundan niya pa kami.
"Mama where are we going?" takhang tanong niya habang namamangha sa bagay bagay.
"We will buy you clothes ang toys, baby."
Nanlaki ang mga mata bago ngumiti ng malawak sa akin.
"Really, Mama? Like a lot of toys?" tumango ako.
Humagikgik siya at pumalakpak. Kulang na nga lang ay hilahin niya ako papasok ng Mall.
Nagningning ang mga mata niya ng tuluyan na kaming makapasok sa toy store.
"Go. I will follow you. Pili ka na..."
Tinuro ko ang nga toy cars na paborito niya ngunit humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"No, Mama."
Pumunta siya sa may toy cars ng hindi binibitawan ang kamay ko. Kahit noong namiMili siya ng maliliit na sasakyan ay hawak hawak niya ang kamay ko.
"Mama it's Porsche! Look there's a Ferrari!"
Hindi ko alam kung bakit ako biglang naluha ng makita kung gaano siya kasaya.
I was so afraid before na mahanap ako ni Byron kaya kahit pagpunta ata sa Mall ay ipinagkait ko sa kaniya. Ang mga laruan niya ay bili ng Daddy sa kaniya at wala nga ata siyang gamit na ako mismo ang namili.
Sa sobrang takot ko ay hindi ko naibigay o naiparanas sa kaniya ang mga bagay na nararanasan ng normal na bata.
Seeing him happy makes my heart leap in so much happinness.
"Mama ilan pwede?" he said.
Natawa ako sa tagalog niya dahil baliko pa iyon.
"Kahit ilan pero you can choose a different toy pa. Ikot tayo after dito." malawak siyang ngumiti bago tumango.
Namili siya ng apat na sasakyan bago kami umikot. He saw a mini-basketball stand and the way he looked at it, alam kong gusto niya.
"Do you want that?"
"Where will we put that, Mama?" napaisip din ako.
Wala siyang playroom sa mansiyon. Nahihiya naman akong magsabi sa Tito.
I am planing to buy a house pero hindi pa ako sigurado sa lugar. Gusto ko sana ay sa aming Mansiyon nalang. Kahit iyon lang ang maibalik sa akin.
"Balikan nalang natin iyan. I will ask Tito Gio pa..." mabilis naman siyang tumango at tumingin ng iba.
After that, we dexided to buy some clothes. Excited pa siyang magsukat-sukat noong una pero kalaunan ay nawalan na siya ng enerhiya.
Binuhat ko siya at agad naman siyang yumakap sa leeg ko. Bumuntong hininga ako dahil masyado na ngang mabigat si Ashton.
I looked at the cart. Ang dami pa naming pinamili. Dapat ay sinunod ko si Tita at nagdala ng kasama. Mabuti nalang at inuna na naming nilagay ang mga laruan niya sa sasakyan.
"I'll carry him..." halos mapaatras ako ng may magsalita sa gilid ko.
Kumunit ang noo ko ng makita si Byron na halos nasa tabi ko na.
"Anong ginagawa mo dito?" bungad na tanong ko sa kaniya.
"Shopping?"
Nilingon ko siya. Wala naman siyang dalang kahit na ano.
"Window shopping?"
"You are follong us." I declared.
His lips formed a loop-sided smile and I knew it. He is indeed following us.
"You're creepy!"
Bigla kong tinikom ang bibig ng gumalaw si Ashton. Tiningala lo si Ashton at sinamaan ng tingin. I hate the fact that he's so tall and masculine! Pakiramdam ko ay napakaliit ko dahil sa kaniya.
"Let me carry my son, Amber Mikael... please... habang tulog."
He tried to touch him pero inilayo ko. Pumungay ang mga mata niya. Pakiramdam ko ay isa siyang batang inaagawan ko. He is always confident in telling me that he owns me and my son but he's so afraid of him. He looked so fragile everytime he is looking at him. Tuwing hahawakan niya si Ashton at lumalayo ang bata ay nasasaktan siya.
Kinagat ko ang labi ko bago tumingin kay Ashton at sa kaniya. He looked at me na parang nagmamakaawa siyang mahawakan man lang si Ashton.
"Huwag mong itatakbo ang anak ko..." banta ko sa kaniya.
"Anak natin, Amber Mikael..." pagtatama niya.
Marahas akong umiling. "Anak ko lang."
He bit his lower lip before nodding. I pursed my lips, nagdadalawang isip pa rin sa desisyon pero unti unti kong binaklas amg pagkakayakap sa akin ni Ashton.
Agad naman aiyang kinuha ni Byron. Inayos ko aiya sa kaniyang dibdib. Halos yumuko siya para lang hindi ako tumingkayad. Bakit ba kasi ang tangkad niya!
Lumayo ako pagkatapos. Nang tumayo siya ng maayos ay bigla kong napansin na halos parehas na naman sila ng suot.
"Mama..."
Kumunot ang noo ni Byron at mabilis na tumingin sa akin ng medyo umiyak si Ashton.
"Mama is here. Sleep pa..." lumapit ako at marahang tinapik ang likuran niya.
"You looked constipated! Relax kasi. Nararamdaman niya iyang katawan mo!" sabi ko kay Byron dahil parang naninigas na ito.
"Okay..."
"Huwag mong itatakbo." paninugurado kong muli.
Tinignan niya lang ako.
"The last time that we spoke, sabi mo magpa-file ka ng custody... You can't blame me."
"If I will file for custody... sisiguraduhin kong pati custody ng nanay nasa akin..." sambit niya habang nakatitig sa akin.
Umiwas ako ng tingin. Doon ko lang napansin na ang ibang nag-sashopping ay sa amin na pala nakatingin. Lumayo ako sa kaniya, ramdam ko ang pamymula ng pisngi ko kaya kinuha ko nalang ang cart.
Namili ako mg ibang kailangan pa namin. Ilang beses ko siyang nililingon dahil pakiramdam ko talaga ay itatakbo niya ang anak ko.
"Ito po, Ma'am. Bagay sa inyo." he gave me a floral dress.
Ula sa mga naka-hang na damit ay tinignan ko iyon.
Ang ganda nga. Maganda din ang tela.
"Isusukat ko..." sagot ko.
Lumingon ako sa may likuran ko ng maramdaman kong may tumayo roon.
"Can you check our son, babe. I think he's awake." lumayo ng kaunti ang salesman sa amin dahil sa diin ng pagkakasabi ni Byron.
Kunot noo ko siyang nilingon. Lalong kumunot ang noo ko ng makitang masama ang tingin niya sa lalaki. Naiilang itong umiwas ng tingin sa amin lalo.
"Kung gising iyan ay baka kanina pa ako hinanap!"
He pursed his lips. Nagkibit balikat ako.
"You behave, Montefalco!" pabulong ngunit madiin kong sambit sa kaniya.
"Tss."
"Isa! Look at me and behave yourself. I'm not kidding. Uuwi kami if you continue to do that." umawang ang labi niya at sa akin nga tumingin.
His jaw clenched but he remained silent while looking at me. Tinignan ko ang damit at sinukat iyon. It looks good on me. Medyo malaki lang ang nakuha ko.
I asked for a little smaller size. Halos hindi ako lingunin ng saleman nang kinuha niya iyon at pinalitan ng bago. He advised me to check on some of their designs.
Hinanap ng mata ko si Byron. I saw him looking at some shoes pero maya't maya ang tingin niya sa akin. His lips was pressed on a thin line. He looked away and continued to check on the shoes. Dinidikit niya iyon sa paa ni Ashton na parang tinitignan niya kung kakasya ba sa bata.
Lumapit ako sa kaniya. Nakatalikod na siya sa akin. I looked at my son, peacefully sleeping on his shoulders. Tumingkayad ako upang ayusin ang buhok nitong tumatabing na sa mukha.
I felt him stiffened when he felt my hands on his shoulders. Kailangan ko kasing humawak para maalalayan ang sarili ko dahil nga ang tangkad niya.
Pagkatapos ay humarap ako sa kanila. He was still holding a cute little shoes for Ashton. I took it from him and check the size.
"It's a little bit small." bulong ko. I asked the saleslady to get us his size.
Noong narinig ni Byron ang size ng paa ni Ashton ay kumuha pa ito ng iba't ibang designs.
"That's too much!"
"Nothing is too much for my son." he said before looking for another one.
"Tama na. Hindi niya magagamit lahat iyan."
He pursed his lips again.
Kinuha ko na ang cart sa kaniya at pumila sa counter. When I looked at him he was still looking for some shoes. Tumigil nalang siya ng gumising ang bata. Kumunot ang noo niya ng makita si Byron na may hawak sa kaniya.
Byron looked at me. Naglakad na siya palapit sa akin dahil nagbabadya ng umiyak so Ashton.
"Baby... Mama is here..." he puffed his eyes with his hands before pushing Byron and going to me.
Yumakap siya sa akin leeg. Lumingon siya kay Byron pero maya maya ay sumiksik na sa akin.
"Mama, I'm hungry."
"Mama will just pay."
Nilingon ko si Byron at kinunutan ng noo ng mapansin na naman ang titig niya sa amin.
"What?" I mouthed.
Umiling siya. Dumiretso siya sa cart kong naiwanan ko. Lumapit ako sa kaniya at inabot ang sling bag na dala ko.
"My wallet is there. The brown one." sabi ko. Kinuha nito iyon at sinabit sa balikat.Nakatayo lamang ako sa gilid niya habang yakap si Ashton.
When it was our turn, siya na ang naglagay sa counter ng mga pinamili ko.
"Is that all, Sir?"
"Yes." sagot ko.
Tinuro ko kay Byron ang bago ko pero humugot siya ng wallet sa mismong bulsa at naglabas ng card.
"Byron Atlas!" I said warning him.
"I will pay, Amber Mikael."
"Sorry. My wife is grumpy. Here's my card."
Hindi ako nakapagprotesta. Hawak ko sa dalawang kamay si Ashton dahil masyado na siyang mabigat.
"Those are our things..." giit ko.
"You paid enough for my son. Hindi ako nagtatrabaho para ikaw ang magbayad."
"Hindi mo nga siya anak." umirap ako. Ilang beses na tumingin sa amin ang cashier ngunit tahimik lang siyang pinoprocess ang bayad.
Masama akong tinitigan ni Byron. It seems like his patience is on the edge. My patience, too. Niyakap ko si Ashton at akmang aalis na pero hinila niya ako palapit sa kaniya, mahigpit ang hawak sa aking bewang.
"Hindi niya ba anak? Kamukha naman ang bata..."
I heard someone talking behind our back. Nang marinig nuya iyon ay sumilay na ang ngiti sa labi niya.
Siya na rin ang kumuha ng paper bags.
We decided to eat. Ashton keeps on looking at him, questioningly but I remained silent.
I know I am being unfair. I know that my son deserves to know. Alam kong nagtataka na rin siya kung bakit laging nakasunod si Byron sa amin pero hindi pa ako handa. I know that telling him the truth means sharing and I don't want that.
Pagkatapos naming kumain ay nagdesisyon na akong umuwi dahil ayaw na namang bumitaw ni Ashton sa akin. I can not carry him for hours.
"I'll drive you both home—"
"Kaya ko na magdrive. Pakilagay nalang sa likuran 'yong bags."
He pursed his lips.
I tried to put Ashton on his seat pero hindi siya bumibitaw sa akin.
"We are going home, baby."
"No, Mama!"
Tumingin sa akin si Byron at sa anak niyang ayaw bumitaw sa akin.
"Mama, no kasi!"
"Ashton!"
"Ako na magda-drive. Give me your keys." wala akong nagawa kung hindi ibigay iyon sa kaniya.