Three

1505 Words
Hindi parin maawat ang panlalaki ng mga mata ko ng huminto ang sasakyan niya sa isang napakalaking bahay... Papasa na nga itong mansiyon dahil sa laki. Isama mo pa na sobrang elegante nitong tignan. Hindi rin biro ang halaga ng mga kotse na nakaparada sa parking lot ng bahay. Sa kanila ba ito? Alam ko na mayaman sila pero hindi ko alam na ganito kayaman! Mas malaki pa ito sa bahay nila sa siyudad! Natigil lang ako sa pagmamasid ng maramdamang may humaplos sa bewang ko. Lumingon ako sa gilid ko at agad akong sinalubong ng matipunong dibdib ni Bryan. Tiningala ko siya at sinalubong naman niya ng halik ang noo ko. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti sa kilig. Sana ganito nalang siya parati. "Tapos na?" tanong ko pagkaraan. Iniwan niya kasi ako sa may parking lot dahil may kakausapin lang daw ito sandali. Akala ko ay tungkol na naman ito sa business nila pero dire-diretso ang pasok niya sa loob at ngayon nga lang bumalik. "Let's go?" tanong niya. Magtatanong palang sana ako kung saan ngunit inalalayan na niya ako papunta sa pintuan. Nilingon ko ang kotse niya at nakita kong may dalawang unipormadong lalaking naglalabas ng mga gamit namin. Siguro ay isa sa mga guards nila? Pagbukas niya ng pintuan ay mas namangha ako sa disenyo nito. Kung gaano kaganda ang labas ay mas maganda pa sa loob. Pakiramdam ko nga ay isa akong prinsesang ngayon lamang nakatapak sa kastilyo. Pinaghalong cream at brown ang kulay sa loob. Mula sa sofa hanggang sa maliliit na bahagi ay halatang halata ang karangyaang taglay nito. Nakakatakot maglakad dahil pakiramdam ko ay masasagi ko ang kung anomang mamahaling bagay. "Like it?" nakangiting tumango ako. Sino ba ang hindi magugustuhan ang nakikita kung ganito ito kaganda? "It's yours," gulat na nilingon ko si Bryan. Ngumiti lang ito at humiwalay sa akin. Nagpunta ito sa harapan ko. "Ano bang pinagsasasabi mo?" takhang tanong ko ng hindi niya dugtungan ang sinabi niya. Kung maka-'it's yours' kasi ito sa akin akala mo ay binibigyan lang ako ng piso. "Kapag pinakasalan mo ako..." natatawang bulalas nito. Hindi ko tuloy napigilang hindi tumitig sa kaniya. He's breathtakingly  handsome in his new hairstyle. Mas nadefine kasi nito ang hubog ng kaniyang mukha. "Ayaw mo ba?" kumurap kurap ako at tumitig sa kaniya. Gusto kong mahiya sa ginawa kong pagtitig sa kaniya. "Ang alin?" takhang tanong ko. "Lahat ng ito tapos... ako," humina ang boses niya sa huling salita na para bang nagaalangan. "Hindi ko naman ito kailangan. Oras mo lang at ikaw ay okay na," sagot ko. Umiling ito at nilahad ang kamay sa akin na agad kong tinanggap. Nagsimula na naman siyang maglakad at sumunod naman ako sa kaniya. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang lingunin ang lahat ng bahagi. Napakaganda talaga. May dalawang hagdan sa magkabilang gilid na siyang daan papunta sa ikalawang palapag. Parang nahiya ako sa suot ko. Nang umakyat kami sa hagdan ay hindi ko napigilang pasadahan ng kamay ang hamba nito paakyat. Para akong prinsesang hinahatid sa trono. Ngumiti ako sa naisip at nilingon ang prinsipe ko na nakaalalay sa akin na para bang takot na takot na baka malaglag ako. Well, papasa naman talaga siyang prinsipe pero prinsipe ko lang. Huminto kami sa unang kwarto na nadaanan namin. Bigla iyong bumukas at lumabas ang dalawang maid na nakauniporme rin. Nanlalaki ang mga mata nito ng makita kami at agad na yumukod at umalis. Nilingon ko sila pero mabilis silang naglakad pababa ng hagdan. "This is my room and it will be your room for the rest of our vacation..." sabi nito at inalalayan akong muli papasok. I was welcomed by his manly scent. Pumikit ako at huminga bago binuksan ang mga mata ko. Sinalubong ako ng mukha niyang nakangisi sa akin. "Pretty," inirapan ko siya sa sinabi niya at umiwas ng tingin. Nakakahiya! There's a king sized bed on the middle of the room. It looks manly in it's gray and white motif. Lalaking lalaki talaga ang kwartong ito.  Ang mga kurtina ay umaabot hanggang sa sahig, may bookshelf sa kaliwang bahagi ng kwarto kung saan may mini living room ito. Sa gilid nito ay may dalawang paintings ng isang babaeng nakatalikod. It looks familiar pero hindi ko alam kung saan ko ito nakita. Naglakad ako at umupo sa napakalaking bed. Sa kanang bahagi naman ay may maliit na refrigerator. May dalawang pintuan rin malapit doon. Iyon siguro ang bathroom at walk in closet? "Take a rest. Nasa kabilang kwarto lang ako—" "Kabilang kwarto? Bakit ayaw mo akong katabi?" sa gulat ko sa sinabi ko ay nakagat ko ang labi ko. Napansin ko ang pagangat ng isang gilad ng labi niya bago umiling. "I want to but I'm a man with needs, baby. Baka gapangin kita," umirap ako sa kalokohan niya. Kung gagapangin niya pala ako bakit hindi niya pa ginawa noon? Ilang beses na kaming nagbakasyon at iisa lang ang kwarto pero hanggang yakap lang siya sa akin. "Siryoso kasi, Zapanta! Ang laki laki ng kwarto tapos ang laki rin ng bed. Dati naman tabi tayo kapag nagbabakasyon, ah?" kumunot ang noo nito. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o nakita ko talagang nagtagis ang mga bagang niya? Galit ba siya? Umiling ako. Imposible. Ayokong magmukha na gustong gusto ko siyang katabi kahit totoo naman na gusto ko nga siyang katabi. Totoo naman kasi na dati ay tabi kami. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng kayakap mo ang taong mahal mo buong magdamag tapos magigising ka at siya ang una mong makikita. "Fine. Baka lang kasi ayaw mo na akong katabi," sabi niya at ngumisi sa akin. Sabi kasi, imposible ang nakita ko. Maya maya ay may kumatok sa kwarto namin. Nagpaalam ako na masashower lang habang binubuksan niya ang pinto. I took a quick shower before wrapping the robe around me. Ang gaan gaan na ng pakiramdam ko. Hindi kagaya ng mga nakaraang araw na sobrang bigat at kulang nalang ay umiyak ako sa mga nangyayari. Tama nga sila, love is so ironic. Kapag nagmahal ka kasi, you're giving them the authority to hurt you but they are also the reason for your happinness.  They can ease the pain that they also inflicted. Minsan, nakakagago lang.  Paglabas ko ay nakita ko siyang nakadapa sa bed. Napalunok ako ng makita ang likuran niyang walang saplot dahil tanging itim na boxers lang ang bumabalot sa kaniya. Lumunok ako bago umiwas ng tingin. Nakita ko ang bag na dala dala ko sa isang gilid. Lumapit ako doon at agad na naghanap ng maisusuot. Agad ko namang nakita ang isang itim na magkaparehang pantulog. What's with black? Agad ko iyong kinuha at bumalik sa bathroom para magpalit. Paglabas ko ay nakaharap na ito sa direksiyon ko. Pikit na pikit ang mga mata habang yakap ang isang unan. Pagod siguro sa biyahe. Hindi kasi biro ang ilang oras na pagdadrive niya. Lumapit ako at tumabi sa kaniya. Ngayong ganito kami kalapit ay mas nakikita ko ang pagbabago sa kaniya, physically. Mas naging bulky kasi ang katawan niya. Medyo tumapang naman ang mukha niya pero gwapo pa rin ang boyfriend ko, mas gumwapo. I was about to touch his face nang bigla niya akong hilain. Hiniga niya ako sa braso niya bago pinatong ang isang hita sa akin. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko. Lumunok ako ng makitang halos dumikit na ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi pa man ako nakaka-adjust sa pwesto namin ay kinuha niya naman ang isang kamay ko at iniyakap sa kaniya bago pinatong ang isa pang kamay sa akin. Hindi ko magawang magreklamo dahil sa ginusto ko ito. Saan ka ngayon dinala ng yakap yakap mo, Amber? Tabing matulog 'di ba? Paano ka ngayon matutulog? Landi landi kasi! Pumikit ako upang kalmahin ang nagwawala kong sistema pero hindi pa pala siya tapos! Gumalaw lang siya ng kaonti at dumikit na ang labi niya sa tuktok ng aking buhok. Kailan ba siya matatapos sa pagpapawala sa sistema ko? "Sleep, babe." malambing niyang tugon. Tiningala ko siya at pikit na pikit naman ang mga mata niya. Ako lang ba ang apektado ng ganito? Paano ako makakatulog nito? Ni hindi ko nga magawang isarado pa ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay naririnig ko na ang t***k ng puso ko sa sobrang lakas nito. Tinitigan ko lamang siya. Hindi ko laam kung ilang minuto akong nakatingin sa kaniya. Parang nahiya lang ako noong mag-mulat siya ng mata at tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naluha. Kumunot ang mga mata niya. Inayos niya ang buhok kong tumatabing sa mukha ko sa aking likuran. "Bakit ka umiiyak?" masuyo niyang tanong. "What's wrong, baby?" kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili pero kusa iyong kumakawala.  "Wala. Na-miss lang kita. Ang tagal na kasi..." sagot ko.  Marahas siyang bumuntong hininga bago ako niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa akin buhok. "I will never do that to you. Stop crying, Amber. It hurts..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD