Chapter 14 "Brochure" "Tapos, ano pa Denny?" Pangungulit ni Ate Yolly. "Ano pang nangyari?" "I-iyon na 'yon. Uhm... w-wala naman masyadong n-nangyari." Nag-iwas ako ng tingin. All of them groaned na parang may hinihintay pang karugtong kahit tinapos ko na ang kuwento. Hindi ko na binigyan pa ng maraming detalye. Nag-focus lang ako sa mga pinuntahan namin. Tanging ang pagpasyal lang naming tatlo ang kinuwento ko. Hindi ko na sinabi noong dinala ako sa mall ni Sir Raikko. Kung anu-ano na nga ang iniisip nila, dadagdagan ko pa. Mabuti na lang at hindi naman sila nakahalata. Hindi sila kontento dahil mukha hindi naman sila interesado sa mga lugar. Interesado sila sa ibang bagay. Isang katok sa pinto ang narinig namin. Sabay-sabay nilang nilingon ang nakasarang pinto. Bumuntong hininga n

