Chapter 15 "Alright" Blanche is beautiful, may class at nagmula sa may kayang pamilya. At base na rin sa mga narinig ko kanina sa dinner nila matalino rin. Ito nga at aalis ng bansa para kumuha ng masteral. Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit iyon sa isipan ko. At sa kaalamang magkasama silang dalawa ni Sir Raikko ay nakapagbagabag sa akin. Ang dumi naman kasi ng isip ko. Sa tingin ko naman hindi ganun si Blanche. May demure na-awra ito at iba sa mga nakita ko ng babaeng may gusto sa amo ko. Hindi ko alam saan sila nagpunta na dalawa. Baka sa may pool? Sa entertainment room?... O baka naman sa kuwarto? Napangiwi ako sa malagong imahinasyon. Ah! Ano bang pakialam ko sa kanila? Ano ngayon kung ginagawa nila 'yon? Ang ilan sa amin ay nasa kusina na kumakain ng haponan habang ang iba ay

