Chapter 16 "Basted" Puspusan ang ginagawa kong pagri-review. Wala akong sinayang na oras. Tuwing nagkakaroon ng pagkakataon nagbabasa agad ako ng reviewer. Sa susunod na linggo na ang pagsusulit, kung iisipin ay napaka-imposibleng mapag-aralan at makuha ko agad ang mga leksyon. Pero nagdadasal ako na sana nga makapasa ako. Tiniklop ko ang reviewer pagkatapos mapagaralan ang huling pahina. Nagsibangon naman na ang mga kasama ko. Mas maaga lagi akong nagigising para makapag-aral. Pinauna ko sila sa banyo para makapagpahinga pa ang mga mata ko. "Kailan daw ang exam?" Tanong sa akin ni Ate Maria, nasa hapag na kami para sa almusal. "Ngayong Lunes na." Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa naghiwahiwalay na para sa kanya-kanyang trabaho. Pagdating ko sa pool wala si Sir Raikko. Napailing

