Chapter 11 "Pinagbigyan" Nasa harapan ko ngayon ang isa na namang magarang sasakyan. Makintab na berde ang kulay at may logo na parang naka-talon na kabayo. Binuksan ni Sir Illias ang pinto para sa akin. Nilingon niya ako at nilahad ang upuan sa tabi ng driver's seat. Hindi talaga magandang ideya ang pamamasyal na ito, maliban sa nahihiya ako sa kanya, naiilang din ako gawa ng presensya ni Sir Raikko. Sumama pa kasi. Pekeng tumikhim si Sir Raikko kaya napasulyap ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay bago ako nilagpasan. Siya ang naupo sa harap! "Ang bagal," sabi niya nang makaupo. Hinila niya pasara ang pinto. Nagkitinginan tuloy kami ni Sir Illias. "S-sa likod na po ako." Obviously, saan pa ba ako uupo, gayung inukupa na ng amo kong walang magawa sa buhay ang dapat sanang sa aki

