Chapter 10 "Three" Nagsalubong ang makapal niyang kilay. "You think I am joking?" Nagkibit ako ng balikat. Ang totoo wala na akong pakialam. He sticks with his plan and I will stick with my goal. Wala dapat akong ibang iniisip kung hindi ang trabaho at pag-iipon. Napailing siya at may amused na ngiti sa labi. Noong una akong lapitan ni Clifford para sabihing gusto niya ako at balak niyang manligaw sa akin hindi naman ako naniwala agad. Pinagtaboyan ko pa siya kahit may dala siyang bulaklak at kasama pa ang mga barkada niyang nagdala ng gitara. Grabeng kahihiyan ang naramdaman ko noon pero nagawa ko pa rin siyang tanggihan. Kaya naman dapat ganoon rin ang gawin ko ngayon. Baliwalain siya, kahit amo ko pa siya lalo na at alam ko naman talaga ang motibo niya. Dapat mas pag-igihan ko pa

