Chapter 9 “Nanliligaw" Hindi. Hindi niya ako mauuto! Gaya ng sabi ko, alam ko ang binabalak niya. Kaya dapat kalmado lang ako. Tiningnan ko ang mukha ni Clifford na nasa lupa na. Nang makita niyang nakatingin ako ay basta na lang niya tinapakan. Wala naman akong pakialam, nakakainis lang ang pagiging pakialamero at hambog niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Hindi ko po maintindihan ang pinagsasabi niyo. Ang mabuti pa po, ibalik niyo na sa akin iyang kuwintas.” Umiling siya. “I’ll trade it for a new one. Iyong totoo. This is cheap.” Tumaas talaga ang alta presyon ko sa sinabi niya. Pati mumurahing kuwintas pinagdidiskitahan niya. I can’t believe him! Bumuntong hininga ako. “Alam niyo Sir-” “Raikko, Denny,” he corrected. Umirap ako. “Did you just rolled your eyes at me?” “Ba

