Chapter 8 "Bukas" Si Joy ang pinahatid ko ng pagkain sa kuwarto ni Sir Raikko pagkatapos maihanda ni Aling Susan ang pagkain niya, samantalang wala pa rin ako sa sarili ko. Gulong-gulo ang isip ko. Kanina iniwan ako ni Sir pagkatapos niyang magswimming. Tumuloy naman ako sa kitchen para sa inutos niyang breakfast. Pakiramdam ko may isang math equation sa harapan ko na kailangang masagutan ng tama. Ang problema, equation pa lang nakakalito na paano ko pa masasagot? Pagkatapos maihatid ni Joy ang pagkain, bumalik din agad siya sa kitchen. "Joy may sinabi ba si..." I cleared my throat. "Sir, sayo?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Wala naman... Bakit, may dapat ba siyang sabihin?" Umiling ako. Nanatili ang tingin niya sa akin kaya tumagilid ako ng upo. Ayan na naman ang mga mapan

