Chapter 7

2292 Words
Chapter 7 "Dense" "Sir, n-nakainom po ba kayo?" O baka naman ako ang nakainom? Sa lapit namin amoy na amoy ko siya. His manly scent is attacking my nose and it's kind of making my mind go haywire. Sa tindi ng kaba ko buhay na buhay ang mga ugat ko. Ang init ng buong mukha ko. I hyperventilate. I have never been this close to a guy... not even Clifford! His thick brows knitted and his eyes squinted. "What?... No." "K-kailangan ko na pong bumalik! Hinahanap na po ako!" I panicked. Tinulak ko ang dibdib niya gamit ang kamay na hindi niya hawak. My feet are rooted on the ground samantalang sa isip ko tumatakbo na ako palayo. "Let's talk first," aniya. "H-huh!? Kailangan ko na talaga umalis-" His lips twitch before shaking his head. Kusang bumaba ang mga mata ko sa labi niya. It's twitching sexily. Napalunok ako at kahit gusto ko mang tanggalin ang tingin doon, gustong-gusto naman ng mga mata kong pagmasdan ang labi niya. It's reddish and looks soft... Jusko! Ano ba itong iniisip ko? "This is frustrating... Napapangitan ka ba sa akin?" Namimilog ang mga mata ko. "Hindi po! Hindi!" "Kung ganoon bakit mo ako iniiwasan?" Marahas akong umiling. "Hindi ko po kayo, ano, iniiwasan... kaya lang..." "Kaya lang ano?" He arched his brow and I am already on the verge of wishing the ground will open and swallow me. I feel like a little rat trap by a fat cat. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa akin. Now that we are this close mas lalo ko iyong napagmasdan. It's like an endless sink whole, deep and dark. Kinagat ko ang aking labi sa kawalan ng sasabihin. "You look like a scared kitten." Dahan-dahan niya akong binitawan. Mabilis akong napahakbang paatras para makalayo sa kanya. Nagkibit siya ng balikat. "A long way to go, huh." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Mula ngayon ipagbabawal ko na ang mga bisita." I slowly released my breath. "At ikaw naman... don't try to avoid me anymore. Hindi na oobra sa akin 'yan." he said grinning. "So if I were you, Denny, huwag mo ng subokan. You'll see more of me... every damn day." Wala talaga akong maintindihan! He crouched and eyed me. Binalik niya sa kanyang bulsa ang mga kamay, gaya sa ayos niya kanina. Dalawang beses siyang umiling na parang may hindi aprobado sa kanyang nakikita. "Hmm... Hindi kayo bagay ni Illias." "B-bakit po?" Dapat sa isip ko lang 'yon! Kinunotan niya ako ng noo. Para bang may nasabi akong nakaka-offend sa kanya. Sumama ang tingin niya sa akin. He lightly poked my cheek kaya napa-iwas ako. He rolled his eyes. "Go back inside. Uulan na." utos niya. I am definitely confused and stunned, but I turned my back, hurriedly. Naglakad ako paalis ng garden. Hindi ko na tinangkang lumingon bagkos ay mas binilisan pa ang bawat hakbang. Tumingala ako. Nagdidilim na nga ang kalangitan. Siguro maya-maya ay uulan na ng malakas. I tugged my ear as our talk keep on playing inside my head. He is freaking me out! At sa tingin ko parang sasabog na ang dibdib ko sa bilis ng kabog nito! Ang init-init pa ng pisngi ko. Nakasalubong ko si Joy. "Ayos ka lang?" tanong niya. "Oo naman. A-ano na ang gagawin?" Masusi niya akong tinitigan. Para bang naghahanap siya ng mali sa akin. Mas lalo tuloy akong na-conscious. Hinila ako ni Joy sa may sulok. "Bakit?" "Denny, atin-atin lang to, ha?" I bit my lip. Hindi ako komportable sa tono niya. "Pinopormahan ka ba ni Sir Raikko?" W walang atubili niyang sabi. "H-huh?" Sa tingin ko pumalya yata ang pagtibok ng puso ko saglit. "J-joy ano bang pinagsasabi mo d'yan?" Hinawakan ako ni Joy. Mukha na kasi akong tatakbo o ano. Masyado lang akong nagulat sa sinabi niya. Idagdag pa ang nararamdaman ko kanina lang. "Pansin ko lang kasi, lagi siyang nakatitig sayo. Para bang may interes... ganoon." "Joy tigilan mo na 'yan." fustrated kong sabi. "Makinig ka muna kasi." Hindi ko alam bakit niya sinasabi ito sa akin. Ayokong marinig. Sanay na ako sa mga panunukso niya at pati ng mga kasama pero ibang usapan na si Sir Raikko! I don't even want to talk about him or hear something about him. "Diba nabanggit mo na parang lagi ka niyang pinag-iinitan?... Malakas talaga ang pakiramdam ko na may interes siya sayo. Hindi naman malabong mangyari dahil maganda ka. Kung siguro anak mayaman ka, ka-lebel mo na iyong mga babae na pumaparito." Para akong hihimatayin sa mga pinagsasabi niya. Sinubokan kong tumawa, para iwaksi ang mga kakaibang naiisip at ang kaba. I hate that my mind is trying to formulate a hypothesis or something. Nakakakilabot. I don't even want to go there. "Baka may makarinig sayo. Imagination mo lang 'yan." pilit kong pagtatapos sa usapan namin. "Na-sobrahan ka lang sa k-drama." "Hindi Denny, seryoso ako." Ugh! "Ang akin lang naman gusto lang kitang abisohan. Ang inosente mo pa naman." "Kalimutan mo na kung ano man iyang napapansin at naiisip mo, Joy." Umiling siya at hinila na ako. "Basta Denny, huwag kang masyadong dense. Nagka-boyfriend ka naman na kaya siguradong malalaman mo kapag may nag-kakainteres sayo." Gusto ko ng magalit dahil pinagpipilitan niya talaga ang hinala niya. Mas minabuti kong ipalabas lahat sa kabilang tenga iyon. I am already too bothered, dadagdagan ko pa ba? Inabala ko ang sarili sa pagtulong sa mga gawain para lang makalimutan ang dapat kalimutan. Hindi importante at nakakabaliw lang kaya dapat huwag ng bigyang pansin pa. Ayokong isipin ang mga sinabi ni Sir Raikko at lalo naman ang mga kuro-kuro ni Joy!... But then I end up thinking about it more. Marahas akong bumangon mula sa pagkakahiga. Kanina pa tulog ang mga kasama ko. Ako naman kanina pa sinusubokang makatulog. I silently groaned in frustration. Pagod ang katawan ko at gusto ng matulog pero buhay na buhay pa ang utak ko. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Naalala kong pabiling-biling ako sa kama. Mabuti na lang hindi naman nagising si Joy sa ibaba dahil sa likot ko. Nagising ako na medyo masakit ang ulo dahil kulang sa tulog. Pero kahit na ganoon bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ng uniform at nag-ayos kaonti. "Kung ayaw mong maniwala, bakit hindi ka mag-observe?" Bulong sa akin ni Joy. Ayan na naman siya. Pagod akong umiling, ayaw ng makinig. "Tingnan lang natin. Wala namang mawawala." Mayroong mawawala! Mawawalan ako ng tulog, utang na loob! Tinantanan lang niya ako nang maghiwalay na kami pagkatapos ng agahan. Kinuha ko na ang mga panglinis sa storage room. Hindi naman ganoon kadami ang kailangan linisin kaya hindi ako natagalan. Sinuyod ko ng tingin ang pool area kung may nakaligtaan ba ako. Nang wala na ay bumalik na ako sa storage para isoli ang mga gamit. I was humming while I walk in the pathway. Iyon nga lang hindi paman nakakalagpas ng pool nakita ko na si Sir Raikko. Naghahanda pa lang akong maglakad ng mabilis nakita niya na ako. "Denny, come here." Alangan akong lumapit sa kanya. Parang naririnig ko na naman ang boses ni Joy na bumubulong. Agad akong yumuko para mag-iwas ng tingin. Hindi nakakatulong na buhay na buhay ang utak ko dahil sa mga salita ni Joy. Idagdag pa ang mariing titig sa akin ni Sir Raikko. What is it this time? Hindi ba puwedeng tantanan niya na lang ako? Marami naman kaming katulong rito. I cleared my throat. "Marunong ka bang lumangoy?" Kumunot ang noo ko pero agad ding inayos ang reaction. "Marunong po." "Good." I tugged the hem of apron. Hindi na naman ako mapakali. "Sit there." "Po?" "Sit over there." he repeated and pointed one of the sun loungers. Tiningnan ko siya ng may pagtatanong. "Umupo ka diyan at bantayan ako. I might drown." Nagbibiro ba siya? "Hindi ba marunong po kayong lumangoy?" He shrugged his shoulder and started undressing. Mabilis ang pagiwas ko ng tingin. Napalunok ako. Kinalabit niya ako pagkaraan ng ilang sandali. Hindi ko magawang lumingon. Hindi naman siguro siya nakahubad. I can remember the first time I saw him. Nakakahiya kung iisipin paano ko tinitigan ang katawan niya. Inabot niya sa akin ang hinubad niyang damit. Tinanggap ko ito na hindi siya matingnan sa mukha. Naiilang ako at nandiyan na naman ang kakaba-kaba kong puso. "Stay there..." Sinulyapan ko siya. "Or if you want... you can join me." He smirked more. Bago ko pa matanto ang sinabi niya tumalon na siya sa tubig. Hindi ako makapaniwalang naka tingin sa pool at pinagmasdan siyang umahon agad. He combed his wet hair with his fingers. "Tatayo ka lang ba diyan?" aniya. Nakuyom ko ang kamay ko sa inis. Tinalikuran ko siya at umupo na sa sun lounger. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan habang patuloy siyang lumalangoy. Sa gitna ng inis ko hindi ko mapigilang humanga kung gaano siya kagaling lumangoy. Marunong lang ako at hindi ganoon ka gaan pagdating sa tubig. Ang bilis pa niya. He has firm and broad shoulders. His arms are strong. He has mature figure for his age kumpara sa mga kakilala kong kasing edad niya. Sa tikas at tangkad niya hindi mo aakalaing nasa kolehiyo pa siya. Bumaling siya sa akin ng tingin kaya mabilis akong tumingala para huwag mahuli. Patango-tango pa ako para kunyare natutuwa sa magandang panahon sa kabila ng malakas na ulan kagabi. Nagbilang ako sa isip ko at nang sa palagay kong hindi na siya nakatingin binalik ko sa pool ang atesyon na siyang pagkakamali ko. Ngumisi siya nang magtagpo ang mga mata namin. Tumikhim ako. I shifted my gaze on his clothes that I am still holding, isang tee shirt at pajama. Tinupi ko ito at itinabi nang matapos. "Nagbreakfast ka na?" tanong niya. Papalapit siya sa side ko. Kung nakatayo ako baka napa-atras na naman ako. He put his forearm on the ledge of the pool and rested his chin. Nakatingala tuloy siya sa akin na nakaupo sa paanan ng sun lounger. "Tapos na po." Tumango siya. Akala ko babalik na siya sa paglangoy pero nanatili lang siyang ganoon. Nakatingin sa akin! He is smiling like a fool. Wait, am I allowed to call him that? Hindi ko magawang umikot sa kabilang side para maiwasan siya. Kaya naman para akong tuod na nakaupo habang tinitigan niya. "What will you do after here?" Sa sobrang pagiisip gaano ka akward itong sitwasyon hindi ko alam ano ang isasagot. Nagisip pa ako. "Uhm... Tutulong po sa pamamalantsa." "Hmm..." Paglipas ng limang minuto saka pa lang siya umahon. Nagdadalawang isip akong i-abot ang tuwalya sa kanya pero dahil naglahad siya ng kamay binigay ko na sa kanya. Tumayo na ako. Sa harap ko siya nagpupunas. Inuna niya pa ang buhok niya kaya malayang napagmamasdan ng mga mata ko ang basa niyang katawan. It was a big effort to look away lalo pa nang natulala na lang ako sa maikli niyang saplot. Pinag-initan agad ako ng pisnge. Hindi ko gawaing tumititig sa katawan ng ibang tao mas lalo naman kung halos nakahubad na! He is languidly wiping off the water on his body kaya naman pakiramdam ko nanadya na siyang tagalan ang ginagawa. I am freaking out and frustrated all at once. "Bring my food in my room. Ikaw ang magdala." Bilin niya habang pinupulupot ang tuwalya sa baywang niya. I swallowed hard when my eyes had a glimpse on the deep v line below his abdomen. "Denny?" Napa-angat ako ng tingin. "O-opo sir." "I clearly told you to call me by my name." he said sternly. Nahaluan ng iritasyon ang magaang disposisyon niya. "Hindi po puwede." "Bakit hindi?" "Kasi po... hindi dapat." Slowly, his brows furrowed. "At kapag si Illias o Montelo, ayos lang?" he asked critically, bakas ang iritasyon. "Hindi naman po sa ganoon-" "You like them so much, huh. Kaya ang dali para sa kanilang kausapin ka." Teka lang... "Sir-" "My name, Denny. Say it." Pinaalala ko ulit sa sarili ko kung sino siya. Dahil sa totoo lang malapit na talaga akong mapikon. Puyat ako at marami pang walang kuwentang bumabagabag sa isipan ko. I might snap out. Huminga ako ng malalim. "Amo ko po kayo, kaya maling tawagin kayo sa pangalan niyo lang." Umigting ang panga niya. I bit my lip bahagyang natigilan sa nakikitang kadiliman sa mga mata niya. Tuloyan ng nawala ang ngisi niya. "Mahirap ba ang hinihingi ko, Denny?" "Bakit naman kasi po kailangan pang ganoon? Bakit ba ganito kayo? Wala naman akong ginagawang masama, ah. Kung pinagti-tripan niyo po ako dahil may mali akong nagawa sana sabihin niyo po hindi ganito na-" "Damn it. What are you talking about?" Tila siya naman ngayon ang nagugulohan. "Sinisikap ko pong ayosin ang trabaho ko dahil gusto kong magtagal dito. Kaya sana po kung may problema kayo sa akin sabihin niyo na lang po, hindi iyong kung anu-ano ang pinapagawa o sinasabi niyo." Denny Lao, saang kuweba mo ba nahuhugot iyang lakas ng loob mong sumagot-sagot!? Nababaliw ka na ba? Gusto mo na bang mapalayas? Mabilis ang pagpapakalma ko sa aking sarili tila nataohan sa mga pinagsasabi. Mariin kong kinagat ang labi ko. "You think I..." Umawang ang labi niya. He shook his head when he can't seem to continue what he was about to say. "All this time... shit..." Ginapangan ako ng hiya. "This is harder than I thought." parang sarili niya ang kausap niya dahil mahina lang ang pagkakasabi niya. "You're dense, Denny." Ako? Dense? Then suddenly, Joy's words echo in my ear. Ugh! Hindi. Hindi, Denny! He turned his back on me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD