Chapter 6

2474 Words
Chapter 6 "Emotions" Galit ba siya? He was cool and even smirking before we got in the mansion. At dahil lang dumalaw si Sir Illias at kinausap ako, magagalit na siya? Galit din ba siya dahil may pasalubong sa akin ang kaibigan niya? Kung may problema pala siya sa pagiging magkaibigan namin ni Sir Illias, maybe he should tell his friend to stop befriending me. Okay, hindi naman kami ganoon ka lapit ni Sir Illias. Sa iilang beses kaming nagkakausap siguro ay nagkaroon lang ng kaonting koneksyon. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan Si Sir Illias... kumpara sa kaibigan niya. I took a deep breath. Inayos ko ang pagkakahawak sa tray na may nakapatong na kape bago kumatok sa kuwarto ni Sir Raikko. "Come in." Maingat kong pinihit ang knob at binuksan ang pinto. Alam niya kaya na ako ang narito? I let half of my body in. "Sir nandito na po ang kape niyo." Sa iritasyon ko sa sitwasyon at sa pagiging komplikado niya ay himala na nilubayan ako ng kabang madalas kumapit sa akin kapag malapit ako sa kanya. I even have the guts to meet his brooding gaze directed at me. Nakaupo siya sa couch. "Come in," ulit niya. Hindi ko na gustong pumasok pero may magagawa ba ako? "Saan ko po ito ilalagay?" "On the table." Nilapag ko ang dalang tray. "May ipaguutos pa-" "Where is Illias?" he cut me off. Tumayo siya. Marahan akong umikot at hinarap siya. "Umalis na po... May kailangan pa-" "Do you like him?" Natigilan ako. I was stunned at his straight forwardness. Like... Does he mean as a person? Or what? "Ano pong ibig niyong sabihin?" Kumunot ang noo ko. Saan ba patungo ito? "May gusto ka ba sa kanya?" I swallowed hard. Kumalabog ang dibdib ko. Nakatuon sa akin ang mga mata niya. It was dark and almost ruthless. Kung noong nakaraan, laging nangingibabaw ang kaba ko, ngayon lamang na ang iritasyon. Sa tingin ko alam ko na saan patungo ito. "Ano naman po ngayon?" Damn, Denny! He clicked his neck and take a step closer. Agad akong nabahala ngunit nanatili pa ring iritado, pigil nga lang. "So you like him, huh." Yes, I like him... as a friend. He is nice. Wala akong makitang mali kung magustohan ko man siya. Hindi naman ibig sabihin na gusto ko siya maghahangad na ako ng higit pa. Does he think I will take advantage of his friend? Kaya ba siya ganito? Sa totoo lang I am starting to hate him. He is an asshole for thinking ill towards me. Hindi ako ganoon! "Aalis na po ako kung wala-" "Is he courting you?" Ano!? I bit my lip and looked away. Hindi ko kaya ang pagiging agresibo niya. Tinatakot niya ba ako para layuan si Sir Illias? Ang sama niya! "H-hindi..." "Tss." He smirked, not a particularly happy one. It's more like a mockery. The muscle in his jaw move as he put back his straight face. "You may leave now, Denny." Tiningnan ko siya saglit bago umalis sa silid niya. Pumikit ako ng mariin nang maisara ang pinto. Dapat ba iwasan ko na lang si Sir Illias? Will Sir Raikko stop terrorizing me, well, terrorizing is an exaggeration... but that's what he is making me feel! Hindi. Wala akong ginagawang masama. I am not guilty of whatever he is thinking of me kaya walang masama kung maging magkaibigan kami ni Sir Illias. Tama. I should not really mind him. I grinned. Pinagkagulohan nina Joy ang paper bag na bigay ni Sir Illias kinagabihan. Isa-isa nilang tiningnan ang laman nito. The bag is filled with expensive chocolates. "Nakatikim na ako nito," ani Joy. Binasa niya ang pangalan na nakaimprinta sa kahon. "Laging may pasalubong na ganito sina Maam kapag umaalis sila ng bansa." "Denny, crush ka yata talaga ni Sir Illias!" patiling sabi ni Ate Minda muntik pa akong nahampas kung hindi lang nakailag. "Oo nga. Akalain mo may pasalubong pa sayo!" Kung anu-ano na lang ang mga teorya nila. "Hindi pa ba siya nanliligaw sayo?" I sighed and shook my head. Naalala ko tuloy ang tanong ni Sir Raikko. Bakit ba ganoon ang tingin nila? Bakit nila binibigyan ng kahulogan ang simpleng bagay? Gaya na lang ng pagbibigay? I wonder, although, it's impossible pero paano nga kung manligaw sa akin si Sir Illias? Siyempre, tatanggi ako! Hindi dahil nadala na ako sa ginawa ni Clifford na panloloko sa akin kung hindi, wala naman talaga akong nararamdaman na espesyal gaya na lang ng sinasabi ng karamihan. Iyon ang napagisip-isip ko. Dalawang taon kami ni Clifford but I realized it was just nothing sentimental. Kung baga sinubokan ko lang paano ba magkaroon ng boyfriend. Kaya siguro madali lang sa akin ang mag-move on. It wasn't that deep. No deep emotional connection. Para lang din naman kaming magkaibigan noon with a different label. Gusto ko si Sir Illias but not to the point of wishing for a relationship with him. "Mukhang gusto ka talaga nun." "Tigilan niyo na nga iyang imahinasyon niyo. Nakakahiya baka may makarinig." Nagtawanan sila. Ilang saglit din bago nila ako tinantanan at lumipat sa usaping showbizz. Binigyan ko sila isa-isa pero tinanggihan nila. Sawa na raw sila sa ganoon kaya naman tinaggo ko na lang. May sariling ref naman kami kaya roon ko na nilagay para hindi matunaw. Ang dami nito. Hindi ko kayang ubosin. Dadalhin ko ito kapag nakauwi ako sa amin. Matutuwa panigarado ang mga kapatid ko. Sa susunod na buwan pa ako makakauwi dahil saka pa lang uuwi si Aling Rosita. Sasabay ako sa kanya. Nanghiram ako ng cellphone kay Aling Rosita sa kabilang silid para makatawag kina Mama at Papa. Magkasama sila sa silid ni Manang Susan. Saglit lang ako tumawag dahil gabi na rin naman. Maaga pa naman sila nagpapahinga dun. Naisip kong bumili ng sariling cellphone kahit mumurahin lang pero naisip ko rin idadagdag ko na lang sa ipon ko ang ipambibili. Hindi naman kailangan. Ayos lang naman kay Aling Rosita na ipahiram ang cellphone niya kung tatawag ako sa amin. Isang taon o dalawa baka kaya na ng ipon ko na makapag-enroll hanggang ilang semestre. Titingnan ko pa. Sa malapit sa amin ko lang naman balak na mag-aral. Kung makakaipon ako ng malaki makakatulong din ako sa pagaaral ng dalawa ko pang kapatid, sina Demmy at Danny. Sa dami ng iniisip ko bago makatulog, kasama pa talaga si Sir Raikko. Kung bakit ba naman kasi ang init ng dugo niya sa akin. Wala naman akong ginagawang masama. Kalaunan okupado niya na ang buong isip ko. Ang tagal ko tuloy nakatulog. Another week passed by. Pare-pareho lang naman ang nangyayari araw-araw. I do my chores daily in an orderly manner. Bumalik na rin sina Mr. and Mrs. Montalba. Iyon nga lang si Sir Raikko naman ang umalis. The next day after that encounter in the library, he left. Hindi ko alam saan siya nagpunta. Hindi rin naman ako nagtanong sa mga kasama. This sounds bad, pero mas mabuti na rin. Pakiramdam ko kasi kaonti na lang mag-aaway na kami. Nang Sabado, maagang umalis sina Mr. and Mrs. Montalba para dumalo sa isang pagtitipon sa isang probinsya. Iyon ang pagkakarinig ko. Naglilinis naman kami ng mga banga kasama sila Ate Grasya. Maingat ang pagpupunas ko sa kulay puting vase na may masalimuot na guhit na kulay ginto at pilak ang kulay. Kalahati ito ng tangkad ko. Nasa salas kami ng ikalawang papapag. "Naka tatlong boyfriend din ako bago nagpakasal." Sabi ni Ate Yolly nang mapunta sa nobyo at pag-aasawa ang usapan. "Wow, may tatlong nagkamaling pumatol sayo?" panunudyo ni Ate Grasya. "Grabe ka Grasya, ha!" Binato niya ang hawak na basahan dito. Nagtawanan kami. "Bakit ilan ba ang nanligaw sayo?" "Marami no! Siyempre ako ang pinaka maganda sa baryo namin. Ako kaya ang mutya roon." Nagtawanan ulit kami nang kumaway-kaway na pang beauty queen at nag-pose pa siya. "Ikaw, Denny may boyfriend ka ba? Imposibleng wala." Biglang baling nila sa akin. "H-huh?" "Huwag ka ng mahiya. Meron no? Kaya siguro ayaw mong patulan si Sir Illias." "Naku, iwan mo na 'yan!" Hiyang-hiya ako sa mga pinagsasabi nila. Ang lalakas pa ng boses nila. Mabuti na lang at kami lang ang tao rito. "Uhm... Dati." Sagot ko para awatin sila. Ako na naman ang nakita. Kapag talaga bored sila biglang ako ang napagkakatuwaan. "Naghiwalay kayo?" "Bakit?" At mukhang mas lalo lang silang naging interesado! Hindi ko na tuloy alam kung sasabihin ko ba o hindi. Wala namang kaso sa akin ang tanong, ang panunudyo lang talaga nila ang hindi ko kaya. Nakakahiya na. "Ano, nambabae no?" hula nila. My lips twitch. Natatawa na lang ako sa kakulitan nila. "Sabi na, eh!" "Naku talaga, sa panahon ngayon kahit maganda ka iiwanan ka pa rin. Ang dami naman kasing kiringking. At ito namang mga lalaki kunyare marupok..." Venus ranted na animo'y may pinaghuhugotan. Napailing sila. Mukhang may alam sila sa pinanggalingan nito. "Guwapo ba?" Akala ko nawala na sa akin ang usapan. Nahihiya akong tumango. "Mas okay ng maloko ng guwapo, kesa naman naluko ka na nga, pangit pa. Mas masakit iyon." bro ni Ate Grasya. "Ilang taon ba kayo? O baka naman buwan lang, nagloko agad?" "Dalawang... taon." "Matagal din, ah!" Hindi ko na sila pinansin at pinag-igi na ang pagpupunas bilang huling vase na iyon. Sila naman ay nagpatuloy pa sa paghahayag ng mga opinyon. Hindi paman naglilipat ng minuto ay natigilan sila sa ginagawa at tuwid na tumayo. "Good morning, Sir." bati nilang apat mukhang nagulat pa. Nakaharap sila sa grand staircase habang nakatalikod naman ako. Umikot pa ako para matingnan ang dumating. My heart almost jumped on my throat when I saw Sir Raikko, holding a travel bag in his right hand. Nagtama ang tingin namin pero saglit lang. Tumango lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad sa hallway papuntang kuwarto niya. Hindi na ako nakabati. I am suddenly bothered. Narinig niya kaya ang pinagusapan namin? Hindi naman siguro... Natapos na kami sa paglilinis ng second floor iyon pa rin ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit inaalala ko pa iyon. Magagalit din ba siya dahil nagdadaldalan kami sa gitna ng trabaho? Honestly, I don't know what to think anymore. Sa hapon ay wala ng gagawin pa. Kaya naman nagtungo ako sa harden. Ang poborito kong lugar dito. Malawak at puno ng magagandang uri ng mga halaman at bulaklak. Ang pinaka gusto ko ay ang iba't-ibang klase ng mga caladium. They come in different size, shape and color. Umupo ako sa swing na gawa sa kahoy. Makapal na uri ng lubid ang sumusuporta rito. Tahimik at mabining umiihip ang hangin. Para akong hinihili. Humawak ako sa lubid at humilig sabay pikit ng mga mata. Dapat rest day ko tuwing Sabado pero dahil wala naman akong ibang pupuntahan pinili ko na lang na huwag nang mag-rest day. Isa pa it's additional pay for me. I settled in the silence for some good minutes. Mula sa aking bulsa ay inilabas ko roon ang locket. Hugis puso ito at kapag pinagparte ay may picture naming dalawa ni Clifford. Kuha iyong litrato noong prom. It's his gift for me on my graduation. Hindi ko alam anong gagawin ko rito. Should I keep it for memories sake? Kapag tinapon ko naman, will it mean that I am bitter? Nasagitna ako nang malalim na pagiisip nang makaramdam ng mga matang nakatingin sa akin. Mabilis akong napatayo. And I was right. May nakatingin nga. Si Sir Raikko! Nakahilig siya sa puno. Nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. He is looking at me lazily. Ano na naman? Akmang maglalakad na ako paalis nang humakbang siya palapit sa akin. Huminto ako. Sinalubong ko ang mariin niyang titig pero hindi ko rin kinaya. I tore my gaze and looked at his chest instead. "Where are you going?" Tumigil siya nang isang dipa na lang ang layo namin. "Babalik na po sa loob." "Bakit?" Napakunot ang noo ko. He took another step. Unconsciously, I took a step... backward. He frowned. Umatras ulit ako. Mas malaki ang pangalawang hakbang niya. Para ng tinatambol ang dibdib ko. I can feel my knees getting weak and my mind is already panicking. What is he doing? "Why are you scared of me?" he asked coldly. I shot my gaze up and caught his intense gaze. "Hindi... po ako," I swallowed the lump in my throat. Tumikhim ako para alisin ang bara. "takot sa inyo." "Really?" Muli pa siyang humakbang. Kusa naman akong napapaatras. He is intimidating me! "Kung ganoon bakit ka umaatras?" bakas ng hamon at amusement sa boses niya. He is even smirking, a dangerous kind of smirk. That devilish smirk. Humakbang pa siya kaya kahit ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko pinigilan kong umatras pa para ipakita sa kanyang hindi ako apektado. I bit my lower lip. Kahit na huminto na ako nagpatuloy pa rin siya kaya instinct na humakbang ako paatras sa takot na magkalapit kami. He is too close and my heart is already beating foolishly. Ang bilis nito na pakiramdam ko lalabas na sa dibdib ko. Isang hakbang pa at may naapakan ako. I tripped and I was so sure mabubuwal ako... Hindi nga lang nangyari dahil nahila niya agad ako bago pa bumagsak sa lupa. I swear I'd rather fall on the ground than being so close to him. Nasa likod ko ang isa niyang kamay habang hawak naman ng isa ang aking palapulsohan. He pulled me closer to him. Suminghap ako sa gulat. He smirked. It was the same smile when I saw him for the first time. I stiffened and I don't know what to do anymore. "Did you thought of me while I was away?" Umawang ang labi ko. "I bet not." he said sounding so bitter. Mahina kong binawi ang aking kamay pero nanatili ang hawak niya. Humigpit pa nga. "Huwag ka na kay Illias... He likes someone else." Ano bang pinagsasabi niya!? "S-Sir bitawan niyo po ako. Babalik na ako sa loob-" Mababaliw na yata ako sa bilis ng kabog ng puso ko. It's like a car that loose it's break. Unstoppable. Tuloy-tuloy na bumubulusok. "Let's change that." I tried to get off from his hold but he just hold me firmly. "From now on, call me by my name." "Sir..." "Raikko. That's my name." I gape. Nothing came out from my half parted lips. "I had enough," he said huskily. "I realized, I am not that patient." Nervousness. Irritation. Those were the emotions I felt for him the past weeks and months, but right now, I can feel something else. It's bizzare yet so strong, an emotion I have no idea at all. All new and it's making me palpitate like crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD