Chapter 5

2733 Words
Chapter 5 "Engineering" Tumiim ang labi ko. I feel offended but I am not in the right place to say my piece kaya sana huwag na lang niya akong kausapin pa. Mabuti na lang at ngayon lang ito. Pagbaba ko ay aalis na siya. Tinanggal ko ang pagkakabit ng seatbelt sa katawan ko. "Thank you, Sir. Dito na po ako." I said and opened the door on my side. Umibis ako ng sasakyan kaya lang natigilan ako nang bumaba rin siya. "I'll go with you." "'Di ba po may lakad kayo?" "I still have time." Kumunot ang noo ko at may gusto pa sanang sabihin kaya lang pinili na lang na manahimik. Naglakad na ako at tinungo ang entrance. Nakasunod siya sa akin. Binagalan ko ang paglalakad nang matantong hindi maganda tingnan kong nasa unahan ako at siya ang nasa likuran. Iyon nga lang he slowed down too. Umatras ako para lang mauna siya. He arched his thick brow giving me a questioning look. "Mauna na po kayo." "What? Are you going somewhere else?" Hindi ako nakasagot agad dahil nagiisip pa ako kung ano ba 'tong ginagawa niya. Hindi ba dapat naman talagang nasa likuran lang ang mga katulong? Kaya tama lang talaga na mauna siya. "Let's get inside now," sabi niya at hinila ang kamay ko. My eyes flew to his hand that is holding my wrist. I felt something weird gaya na lang kahapon sa library. It's like a low voltage of electricity traveled from his hand to my skin. Hindi ko maipaliwanag at hindi ako komportable. Kung hindi ko siya amo ay marahas ko nang binawi ang kamay ko. "Ang bagal mong maglakad." Narinig kong sabi niya. Nanatili sa harap ang tingin niya habang marahan akong hinihila. "Mahaba lang kasi ang biyas mo!" I would have said that if he is just a nobody. Binitawan niya lang ang palapulsohan ko nang makapasok na at sa may lalagyan na ng pushcarts at baskets kami. Kumuha siya ng isang pushcart at tinulak sa daan patungong groceries. "Where's your list?" Mabilis ko itong nilabas sa dala kong sling bag. Binasa ko ang una sa listahan. "What's on the list, Denny?" Binalingan niya ako at huminto sa paglalakad. "Kaya ko na po." Hinawakan ko ang pushcart pero tinulak niya palayo sa aki . His brows furrowed a bit. "Ako na lang po ang bibili ng nasa listahan. Kaya ko pong mag-isa." "I know." Kinunotan ko siya ng noo. What exactly he is doing? Sasama siya sa pang go-grocery? Really? Sinubukan ko ulit agawin ang cart pero ganoon din ang ginawa niya. Naglakad ulit siya at nauuna na. I stared at his back before shaking me head. Una kami sa baking section. May limang ingredients ang nasa listahan. Dahil unang beses ko ito mabagal ang bawat pagkuha ko ng mga produkto. Gaya ng bilin sa akin binasa ko ang expiration date at content nito. Nang sulyapan ko si Sir Raikko, nakahilig siya bahagya sa cart. Mukhang bored na siya. Puwede naman na siyang umalis. Hindi ko alam ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya. Sinadya kong bagalan pa ang pagbabasa at pagkuha ng mga nasa listahan. Naghihintay akong sabihin niyang mauna na siya at iwan na lang ako. Kung hindi man ay sabihin niyang bilisan ko. He did not say a word though. Nasa mga sabon na kami. Tumingala ako nang makita na nasa pinakataas ang brand na dapat kunin. Pretty confident, I tiptoed and tried to reach for it. Kaya lang napahiya ako dahil hindi ko pala abot. "Tss... You can just ask," sabi ni Sir at lumapit. With no effort at all, he was able to reach for it. "Ito ba?" Dinungaw niya ako. I nodded. "Ilan?" "Dalawa." Kumuha siya ng dalawa at nilagay sa cart. "Ano pa?" "Sa kabila naman po." "Alright." He pushed the cart and went to the next lane. Unfortunately, tapos na ako at nakapila na sa cashier mukhang wala pa rin siyang balak na umalis. Nakasuksok sa magkabilang bulsa ng jeans niya ang mga kamay niya habang nasa likuran ko naghihintay ng turn namin. "Hindi pa po ba kayo aalis?" I asked shamelessly. Tinaasan niya ako ng kilay. "I mean, hindi ba may lakad pa kayo?" agap ko nang matantong masyadong kaswal ang pagkakasabi ko. "Hindi na ako tutuloy." Magtatanong sana ako kung ano pang ginagawa niya kung hindi na pala tuloy kaso ayokong magkaroon pa ng konbersasyon kaya tumahimik na ako. Kung hindi na pala siya tutuloy sa lakad niya, bakit nandito pa siya? Puwede na naman siyang umalis o pumunta kung saan man niya gusto. Hindi naman niya kailangan pa akong ihatid pabalik ng mansyon. For sure papunta na si Mang Manuel para sunduin ako. "Ten thousand, eight hundred thirty-six and seventy five centavos, Maam." sabi ng cashier nang ma i-punch ang lahat ng mga pinamili. Napansin ko ang pagsulyap niya sa likuran ko. Actually, mula pagdating namin dito napapansin ko na ang maraming matang napapatingin kay Sir Raikko. Girls and even gays are gawking at him. Masyadong agaw pansin ang presensya niya kahit sa simpleng shirt at jeans. I almost rolled my eyes when I noticed the shy smile on the cashier's face. "Here's your change maam..." Binilang niya ang binigay na sukli." Thank you..." Sa akin nagpapasalamat pero sa kasama ko nakatingin! Tsk. "Thank you, Sir." "You're welcome." Baritono ang boses na tugon ni Sir Raikko. Kukunin ko na sana ang mga paper bags kaya lang naunahan niya na ako. Tatlo iyon at walang kahirap-hirap niya lang dinala sa bisig niya. "Ako na po." Nakakahiya na siya pa ang magdala nun. Amo ko siya kaya dapat lang na ako ang magdala. He shook his head. "Sa nipis ng braso mo baka mabali pa 'yan." He said with a grin on his lips. Umawang ang labi ko. Grabe siya! Napatingin tuloy ako sa mga braso ko. Hindi naman, ah! Although, mabigat nga iyon pero kasi dapat ay ipapadala na lang sa staff nitong grocery. Puwede naman iyon. Kinuha lang talaga ni Sir Raikko. Hindi pa ba siya aalis sa kung saan man? "Sir, bigay niyo na lang po sa akin." I insisted halos magmakaawa na. Hindi siya nakinig. Nauna siyang naglakad kaya naiwan ako. Napabilis ang paghakbang ko para makasunod sa kanya. He only stopped when we are already in front of a pizza parlor. Tumuloy siya at lumapit sa may counter. "Kumain muna tayo." "Akin na po. Sa parking na lang ako maghihintay kay Mang Manuel." He shifted his gaze to me. Dahil sa tangkad niya bahagya pa siyang nakayuko. Nakaumang ang kamay ko, sinusubokan pa ring kunin sa kanya ang mga pinamili. "Hindi na pupunta si Mang Manuel." "H-huh? Bakit po?" I panicked. Nagtext na ako, ah! "Ako na ang mag-uuwi sa'yo." He said nonchalantly. "Hindi po puwede. A-ano..." Kumunot ang noo niya at tinitigan ako bago nagkibit ng balikat. He turned to the counter. Agad na tinanong ang order niya. Ginala niya muna ang tingin sa menu board sa itaas. He said his order while I was uneasy behind him. Wala akong maintindihan sa nangyayari. "Anong gusto mo?" Bumaling siya sa akin. "Wala po... Hindi po ako gutom." "How about drinks?" "Ayos lang po talaga." He nodded and returned his attention in front. Nagbayad siya at binigyan na ng numero. Umalis siya sa pila at naghanap ng lamesa. I look lost behind him, following where he goes. Pinili niya ang table na nasa may sulok. "Sir, baka po hinahanap na nila ako." Sumasakit na ang ulo ko sa kanya sa totoo lang. "Sit down, Denny." "Kasi po-" He pointed the chair parallel to his. Wala na akong nagawa kung hindi naupo. "Don't worry," aniya. Nag-iwas ako ng tingin. My eyes roam around the place. Kaonti lang ang customers. Ito ang unang beses kong makapasok sa ganitong lugar. Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko. Kanina lang nakasakay ako sa kotse niya ngayon naman kaharap ko siya habang naghihintay sa in-order. It's all inappropriate considering that he is my boss... and also he don't want to be close with someone from the low class. Hindi nagtagal ay dumating na ang order. Ang dami! May isang party size pizza, dalawang burger, fries at iced tea. Kaya niyang ubosin ang lahat ng ito? Hindi halata sa hubog ng katawan niya. His ripped muscle only proves how he take good care of his body. Kumuha siya ng isang slice ng pizza. He took a bite and chew it. I can't help but stare at him. What exactly he is trying to do? Akala ko ba ayaw niyang makisalamuha sa mga kagaya ko? Ano 'to? This is really awkward. "Eat. Hindi ko kayang ubosin 'to." Eh, bakit ka pa um-order ng marami kung ganoon? Nakakairita na talaga siya. "Sige na. Hindi tayo aalis dito hanggat hindi 'to nauubos." I was appalled. "Hindi po talaga ako gutom." "Maraming bata ang nagugutom, Denny. A bite won't hurt." He smirked. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang iniisip kung bakit niya ito ginagawa. Hindi ako gumalaw. Sa totoo lang gusto ko ng tumayo at iwan na lang siya. Kaya ko naman sigurong sumakay ng taxt pauwi. There is always a first time, right? "I am waiting." He said impatiently and bite his pizza. Should I be honored, eating with my boss? I let out a soft sigh before picking a piece of fries. Nakatikim na ako ng ganito. May ganito sa canteen namin pero hindi ganito kasarap. Maybe it has something to do with the price? "Kumain ka pa," sabi niya nang hindi na ako kumuha pagkatapos ng dalawang subo. "Ibabawas ko sa suweldo mo ang kalahati nito kapag hindi ka kumain." Nabahala ako. Seryoso ba siya doon? Ngumisi siya nang makitang nag-panic ako. He look satisfied that I got bothered. Kinuha niya ang basong may lamang iced tea at uminom. "Ubosin mo 'yan." He pointed the burger. Bahagyang namilog ang mga mata ko. Ang laki noon! I think it's bigger than the regular size burger I know. May mga d**o-d**o pa. Hindi lang patty ang nakalagay. "Just kidding." Ngumisi ulit siya. Iyong pizza naman ang tinikman ko. It taste good. Hindi ko alam kung dahil bago lang sa akin ang lasa nito o masarap talaga. "So, tell me about yourself." Napaangat ako ng tingin. "Ano pong tungkol sa akin?" "Anything." Kumunot ang noo ko at napaisip. "Wala naman pong interesante tungkol sa buhay ko." Nagiwas ako ng tingin at napainom. "Ako na lang ang magtatanong kung ganoon." Umahon ang kaba sa akin pagkatapos ng saglit na pagiging kalmante. Hindi ko talaga mahulaan kung bakit niya ito ginagawa. Bakit ako nandito kasama siya? And why he is starting to annoy me? "Anong natapos mo?" "Highschool." Tumango siya. "You're going to college... Hmm. What are you going to take if ever?" Kumunot ang noo ko pero agad ding inayos ang ekspresyon. Why is he suddenly interested about me? Hindi ko na talaga alam. He is too complex. "Kahit ano." His brows furrowed. "What do you mean, 'kahit ano?' Don't you want something specific?" "Depende po kung alin ang hindi gaanong magastos." Mataman niya akong tinitigan tila inaanalisa ang sagot ko. He licked his lip and nodded. "Well, If I were to say it's better if you study what you really want... but you also got a point." "Kung susundin ko ang gusto ko baka hindi rin ako makapag-aral." His intense gaze bore into me. Hindi ako komportable kaya uminom na lang ulit ako para maiwasan ang mga mata niya. They are too deep and dark. Kahit pa nakangisi siya, it does not always mean happiness. It could mean danger or something else. Basta hindi ako mapakali. I feel like being scrutinized by those eyes. "Ano ba ang gusto mo?" "E-engineering." Pakiramdam ko tatawanan niya ako sa sagot ko. Pero hindi naman. "Civil? Electrical? What kind of engineering?" "Civil." This is the longest conversation that we have... and the longest encounter too. Sa nagdaang buwan panay akong umiiwas sa kanya. I can't stand his presence for a lot of unknown reasons. I tried to sort out my feelings but always come out with nothing. Sa huli nauunahan ako ng kaba. Right now, I can certainly conclude why I can't stand him. It's because of his deep set eyes... that are full of mystery. Para itong madilim at malalim na karagatan. You won't know what lies beneath it's rough waves. At iyon ang nakakatakot. "I am a civil engineer... Well, almost not yet. I can help you if ever." Nahigit ko ang hininga. "Hindi naman ako kukuha ng engineering. Isa pa malayo pa iyon." I bit my lip and look at the food in front. Ang dami pa rin. Tumigil na rin kasi siya sa pagkain. Hindi pa ba kami aalis? Seryoso ba siyang kailangang maubos ito lahat? "There's always a way, Denny." Hindi na ako nagsalita. Nagkatinginan kami nang humaba na ang katahimikan at wala na ring kumakain. Busog na talaga ako. "Let's go." "Hindi pa po ubos." He chuckled. "Nagbibiro lang ako. Don't stress yourself." Lumabas kami ng pizza parlor at dumiretso sa parking lot. Hindi niya pa rin binigay sa akin ang paper bags. Nang mahanap ang sasakyan niya binuksan niya ang trunk at nilagay ang mga pinamili. Naghintay ako matapos siya. Nakakahiya pa lalo na nang siya pa mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. I slid inside while he turn to the other side. After we settled, pinaharurot niya na ang sasakyan. Muli na namang namuo ang kaba ko dala ng katahimikan. I keep on fidgeting my fingers while I am staring on it. Ramdam ko naman ang mga nakaw niyang sulyap. "I noticed you keep on staring on the bridge inside my room." He broke the silence after we pass through the heavy traffic. "Ah, nagagandahan lang po." Binalingan ko siya saglit bago nilipat sa tanawin sa labas ang tingin ko. "You can take a closer look at it if you want. Sabihin mo lang." "Hindi na po." He concentrated in driving while I fight the urge to glance at him every now and then. We reached the mansion. Sa harap siya huminto kaya sa front door kami pumasok. Siya pa rin ang nagdala ng mga paper bags kahit anong agaw ko sa kanya. Sinalubong siya ni Ate Emma at ito na ang tumanggap sa mga paper bags. Dinala niya ito patungong kitchen. "Denny, mabuti naman andito ka na." Illias greeted me with a bright smile. I was surprised to see him. Una, dahil akala ko sa susunod na linggo pa siya. Pangalawa, dahil bakit parang ako ang sadya niya. Mas nauna niya pa akong batiin kay sa kay Sir Raikko. "Illias, what are you doing here?" Mariing tanong ni Sir sa kaibigan. "Dumadalaw lang, Raikko. You don't seem happy to see me." pabiro nitong ani. "Sige po. Sa kitchen muna ako." Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. "Sandali lang Denny," pigil sa akin ni Sir Illias. "I have something for you." Kinunotan ko siya ng noo. "Hindi ba sabi ko may pasalubong ako sayo?" paliwanag niya at pagpapaalala na rin sa naging paguusap namin noong nakaraan. "Unfortunately, I can't take Switzerlands soil with me. I hope these will do." He laughed and gave me a paper bag. "Illias..." Mas lalo siyang tumawa. "Ayan, wala ng Sir." Pinigilan niya ang kamay kong ibibigay dapat pabalik ang paper bag. "I hope you'll like it." "Hindi ko ito matatanggap." Dahil sa mabigat na apak ng sapatos napalingon ako kay Sir Raikko. Paalis na siya at mukhang aakyat na sa second floor. "If you're done. Bring me coffee in my room," he commanded at tuloyan ng nilisan ang bulwagan. Nakasunod ang mga mata ko sa kanya hanggang sa umakyat na siya sa grand staircase. Muntik ko nang makalimutan na nasa harap ko pa pala si Illias na kasalukuyang kinukuwento ang naging bakasyon niya. I looked at the paper bag I am holding. Puno ito ng mga tsokolate. "Hindi ka na sana nagabala pa... pero salamat." "You're welcome." Hindi maalis sa isipan ko ang madilim na titig ni Sir Raikko bago ito maka-alis kaya kahit kausap ko si Sir Illias siya ang naiisip ko. Pati na ang nangyari kanina. Mukhang hindi niya nagustohan ang pagbisita ni Illias. O baka dahil sa akin? I excused myself. Nagmamadali akong tinungo ang kitchen para magtimpla ng kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD