Chapter 4

2563 Words
Chapter 4 "Bawal" Kabisado niya na parang alpabeto lang ang Dewey Decimal. Namamangha ako dahil wala pa naman akong nakikilala na may interes na i-memorya ang ganoong bagay. Not being judgemental but he doesn't look like one. But then, maybe he is just too intelligent that memorizing it is not really a big thing. "Second rack at the bottom." Nilingon ko siya bago binalik sa hawak kong makapal na libro na tungkol sa Engineering. I inserted it and stood up straight. Bumaling ako sa magkapatong na libro sa aking tabi. Kumuha ako ng isa at tiningnan ang nakalagay na numero then I showed it to him. He looked up kaya napatingin din ako sa itaas. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. "Top rack." Napalunok ako. Nasa pinaka-tuktok iyon at isang metro na lang ang layo sa ceiling. I glanced at the ladder. Kailangan kong umakyat, obviously. I tugged my right ear before walking towards the ladder. Ginamit ko iyon kanina pero sa mababang parte lang na hindi ko na abot. Hindi naman ako takot sa matataas na lugar but the thought that he is watching me make my knees a bit shaky. I cleared my throat to ease the nervousness I am feeling before stepping on the ladder. Hawak ko sa isang kamay ang libro habang ang isa ay nasa hagdan. "Can you do it?" "Opo," sagot ko na hindi siya tinitingnan. I took another step. Bakit pa kasi nandito siya? Well, aside sa alam niya paano ipagkasunod-sunod ang mga libro dito, hindi ko talaga maintindihan. He is the boss and he don't have to be here helping a maid do her task. Nang nasa pinakataas na ako saka ako huminga nang malalim. I scanned the lined up of books and put the one I am holding in between the two thick books. Tumingin ako sa ibaba at mas lalong nanginig ang tuhod ko nang nakatingala siya sa akin. Nakatinginan kami. Ako ang unang nagiwas ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa hagdan habang inaapak ang isang paa pababa. I tried not to be bothered or else baka mahulog na lang ako rito. I looked down when I am already four steps below kaya lang dumulas ang suot kong sapatos. "s**t!" I cursed when I can't feel the steel bar on my feet. "f**k!" I heard him cuss too. Naging maagap siya at nahawakan ang baywang ko bago tuloyang mahulog. Sa kaba at bilis ng t***k ng puso ko, nagmamadali kong ini-apak ang paa sa sahig. I swallowed hard. He is standing so close behind me and he is towering over me. It is such an effort for him to crouch just to look at me. Ngayon na ganito ako kalapit sa kanya mas lalo kong napatunayan kung gaano ako ka kaliit. Hanggang dibdib niya lang ako. "Watch your step." "S-sorry..." Uncomfortable and tensed, mabilis akong lumayo sa kanya. It was awkward dahil sa gilid ako dumaan. Hindi naman ako puwedeng umatras dahil nasa likuran ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay. Trying to save face, binalingan ko ang tatlong librong nakalapag at kinuha iyon para mabilis ng mailagay sa shelf. "That's enough." Narinig kong sabi niya habang naglalakad sa kabilang bookshelf. Dahil doon napalingon ako sa kanya. "You can put it down. I'll let someone do it." "P-po?" Wala pa ngang trenta minutos! At hindi pa nangangalahati ang mga na-i-ayos ko. Sa tingin niya ba hindi ko kaya, kaya pinapahinto niya na ako? Nilabas niya ang isang itim na cellphone sa kanyang bulsa at may tiningnan doon. Saglit lang at binalik niya na sa akin ang titig. "Thank you. You may go out now Denny." he said. The side of his lips rose a bit. Hindi ko alam kung iyong normal na ngisi niya ba iyon dahil agad din naman bumalik sa isang linya. "S-sige po," confused kong sabi. Lumabas na nga ako ng library. Naiwan siya sa loob. I took a deep breath. I wonder what's going on inside his head. Sa tuwina ay napapaisip ako kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan ni Sir Raikko. But then again, I reminded myself what I am here for and why I am here. Kung ako lang ay mas pipiliin kung umiwas sa kanya. I can't pin point that exact feeling I feel towards him... that's why I am never comfortable near him. Pagdating ng gabi napuno ng tilian ang kuwarto namin dahil sa palabas na pinapanuod. Halos masakal na ako ni Joy dahil sa kilig sa eksenang iyon. Natatawa naman akong lumayo sa kanya. "Putek! Ang gwapo talaga! Ang galing pa humalik." "Pambihira talaga!" "Kung ako iyong babae, hindi na ako magpapakipot no!" Naiiling na lang ako at tumayo na dahil patapos na. Magto-tooth brush na ako para makatulog na. Manunuod pa raw sila ng isa pang episode. Ako mauuna ng matulog dahil maaga ako lagi para maglinis ng pool area. "Kaya ikaw Denny kapag nanligaw sayo si Sir Illias sagutin mo na agad!" biro nila sa akin. Natigilan ako sa paghakbang at tinawanan sila. Kung anu-ano talaga ang pinagsasabi nila sa akin. "Malabong manligaw iyon!" sagot ko. "Aba, hindi no! Uso na iyan ngayon. Guwapo at mayaman ma-i-inlove sa isang maid lalo na at maganda ka naman Denny." Nakakahiya talaga ang mga pinagsasabi nila. "Paano nga kung manligaw? Lagi ka pa naman hinahanap noon kapag nagpupunta rito." Hindi. Imposible. Mabait lang talaga si Sir Illias. He is just friendly and they are exaggerating it. Nagkakausap kami madalas at naging magkaibigan nga kalaunan. Hanggang doon lang iyon. "Manuod na nga lang kayo." Pumasok ako sa banyo at nagsipilyo na. Naghilamos ulit ako. Ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil sa panunukso nila. I just wish they will stop it. Hindi naman ako napipikon, nahihiya lang. Ang labo naman kasi, not that I am expecting such thing to happen. At baka pa marinig ng hindi sadya ni Sir Illias ano pa ang isipin niya. It will be awkward. Natulog na ako, sila ay nanunuod pa. Kinabukasan nagising ako sa parehong oras. I took a bath and readied myself for work. Nagpahinga ako saglit pagkatapos kumain at tinungo na ang pool. I did my daily routine. Nagwalis at nag-mop ako sa gazebo kahit pa nalinisan na ito kahapon pagkatapos umalis ng mga bisita. Nagwalis din ako sa ground. Ang mga tuyong dahon sa mga bush ay inipon ko at tinapon. Huli kong nilinisan ang pool. When I was done with my chore, I went back inside. Hinanap daw ako ni Aling Susan kaya naman nagmamadali ko siyang pinuntahan. "Denny, ikaw na ang bumili sa kulang sa stock. Alam mo naman na ang gagawin." Tumango ako. Ilang beses na akong sinama tuwing nag-go-grocery kaya sa tingin ko ay kaya ko naman. Kasama naman ang driver. Siguro kung magko-commute ako baka mawala ako. Nakabisa ko naman na ang loob supermarket na pupuntahan namin. Ang sabi esklusibo lang daw iyon sa mayayamang miyembro. Kaonti lang ang tao roon kapag nagpupunta kami kaya mas madali. "Ito ang listahan." Tinanggap ko ito at pinasadahan ng tingin. "Tapos ang pera. Ikaw na ang bahala. Tumawag ka kung may kailangan ka." Binigay niya sa akin ang puting sobre na may lamang pera. "Sige po." Saglit akong bumalik sa kuwarto namin para tingnan ang sarili. Naghilamos, nagsuklay ako at pinusod ang buhok. Nang makitang presentable na ay lumabas na ako. "Wala pa ba si Manuel?" Narinig kong ani Aling Susan. "Nasiraan daw po." Tahimik akong nakikinig sa sulok, handa ng umalis. "Kung bakit ba naman kasi sabay nag-leave itong si Calixto at si Dario." "Denny, mag-taxi ka na lang. Ipapasundo na lang kita kapag nandito na si Manuel. Matatagalan pa iyon." I unconsciously tug my ear. Hindi pa kailanman ako lumabas sa mansyon ng mag-isa. Mag-ta-taxi naman kaya siguro ayos lang? Itinago ko ang kaba ko at tumango. "Venus, magtawag ka ng taxi," utos ni Aling Susan. Habang naghihintay ay kinakalma ko naman ang sarili. Hindi naman siguro ako mawawala. Isa pa puwede naman akong tumawag dito sa mansyon kung sakali man. Sasakay lang ako ng taxi at ibaba naman ako sa eksaktong pupuntahan kaya ayos lang. "Nakatawag ka na Venus?" tanong ni Aling Susan nang makabalik ang inutosan. "Ang sabi po ni Sir Raikko, huwag na raw po." The mere mention of his name made me attentive. Sa halip na inomin ang hawak na tubig ay naibaba ko pa. Nakatingin na ako kay Venus at kay Aling Susan. "Ha? Bakit?" Bago pa makasagot si Venus ay pumasok na si Sir Raikko. "Isasabay ko na lang po si Denny." aniya at nilipat sa akin ang tingin. Mas lalong hindi na ako nakainom. "Are you ready?" "Yes, Sir." "Sigurado ka hijo? Puwede namang mag-taxi na lang. Baka maabala ka pa sa lakad mo." nababahalang sabi ng matanda. "Hindi naman po ako nagmamadali kaya walang kaso sa akin." "Kung ganoon..." Bumaling sa akin si Aling Susan. "Hala, humayo na kayo Denny." Mabilis akong napasunod kay Sir Raikko. Ngayon hindi ko na ako sigurado alin ang mas nakakakaba, iyong sasakay ako ng taxi mag-isa o ang sasakay kasama si Sir. Sa likod sana ako dadaan kaya lang tinawag ako ni Sir. Tinuro niya ang front door. Pumihit ako at naglakad palapit sa kanya. "It's here." Paglabas sa front door naka-abang na ang isang puting sasakyan. Bilog at may tatlong linya sa gitna na parang hugis bituin ang marka nito. Isang tingin mo lang masasabi mo agad na mamahalin ito. I haven't seen a car like this until I work here. Sa katunayan ay maraming sasakyan ang nakaparada sa garahe. Ang madalas na ginagamit lang ay ang mga SUV. Nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. "Get in." Pumasok ako at umupo habang umikot naman siya sa kabila nang ma-isara ang pinto. My eyes immediately wander in the interior of his car. It's a mixture of black and white colors. Bumukas ang pinto sa driver's seat. Umupo siya at mabilis na sinarado ang pinto sa gilid niya pagkatapos binuhay niya ang makina. Naninigas ang balikat ko habang tuwid na nakaupo. He turned to me and I am starting to be more tensed. "Fasten your seatbelt," aniya. Kinapa ko agad ang seatbelt sa side ko. Alam ko naman paano mag-kabit ng seatbelt. Ilang beses na rin akong sumakay sa sasakyan nila Clifford. Kaya lang sa tindi ng kaba ko hindi ko na alam paano ba ito. Maybe because this is a different car and not to mention it's a luxury car? Pero hindi ba ay pareho lang naman lahat ng seatbelt? "Ako na." Embarrassed, I immediately let go of the buckle. Nagiwas din ako ng tingin nang kunin niya ang buckle at siya na ang nagkabit. He was leaning on my side. We were too close that's why I inhaled his scent. At tama nga ako mabango siya. Well, not that I am imagining something weird about my boss but I just guess he smells good. He has a manly scent probably because of the expensive perfume he is using? I bit my lower lip when he was done putting on the seatbelt on me. "Let's go," aniya at hinawakan na ang manibela. Nasa bintana sa aking gilid ang aking mga mata. What makes me more uncomfortable is the deafening silence between us. Ako lang naman ang hindi komportable. He looks so calm and cool maneuvering the wheel. Napapansin ko ang madalas na pagtingin niya sa rear view mirror at madalas ding nagtatagpo ang tingin namin, kaya naman kahit nangangalay na, sa aking gilid na lang tinuon ang tingin. He is driving fast kaya nagiging blur ang view sa labas. "Malamig ba?" "Sir?" "I noticed you keep on touching your shoulder. Puwede kong hinaan ang aircon." Napansin niya pala. Hindi naman dahil sa nilalamig ako, hindi lang ako mapalagay. I was mindlessly touching my shoulder. "Hindi po.... Hindi ako nilalamig." "Are you sure?" "Opo." Binaba ko ang kamay na nakahawak sa braso at kinuyom na lang sa aking hita. Muling humaba ang katahimikan. Nasa highway na kami, nakalayo na sa village. Nang mangalay na ang leeg ay listahan na dala naman ang binalingan. Binasa ko iyon na para bang kailangan kong kabisadohin. Nang napansing napapatulala na lang ako sa hawak na papel ay tinago ko na lang ulit. Huminto ang sasakyan dahil sa traffic. Malapit na yata kami sa pupuntahang supermarket. "Denny... Is that your real name?" I hear him asking. Napalingon ako sa kanya. Dahil nga nakahinto ang sasakyan, natitingnan na niya ako ng diretso. Ito na siguro ang pinakamahabang minuto o oras na kaharap ko siya at nasa maliit na ispasyo pa. "Denielle Ele po." Isang tango ang ginawa niya. He is starting a rapport! Wala namang masama. It's just I am overthinking and I am nervous. Sana lang ay hindi halata sa itsura ko. "How old are you?" "Seventeen... po." He pursed his lips and turned his gaze in front. Umusad ang naunang sasakyan kaya pinaandar niya muli ang kotse. Akala ko tapos na siya sa mga tanong niya but he glance at me again when the cars stopped. "Taga saan ka?" "Nueva Ecija po." "That's far," komento niya. "So your family is fine with it? Na umalis ka sa inyo?" "A-ayos lang naman po..." I trailed off while thinking if I should add some details. I feel like I am being rude giving him dead end answers pero kapag naman mahaba ang sasabihin ko nababahala akong baka madaldalan siya sa akin. "Para naman po ito sa... ano... pag-aaral ko." I sighed softly. Pakiramdam ko na-ipon ang hangin sa dibdib ko sa mahabang pananahimik kanina. "You're working to save up for your education?" "Opo." "Hmm... That's good." Sa muling pag-usad ay tuloy-tuloy na ang pagtakbo ng mga sasakyan. Ilang minuto pa ay tanaw ko na ang pamilyar na building. "You are seems pretty close with Illias..." he draweled. Just when I was about to be at ease nagsalita na naman siya. Sinabi niya iyon nang nasa daan pa rin ang tingin. Hindi ko alam kung tanong ba iyon o pahayag pero dahil seryoso siya nang sinabi iyon pakiramdam ko ay hindi siya pabor doon. "B-bawal po ba?" Inikot niya ang manibela at tinahak ang daan patungong parking lot. Nandito na pala kami. "Bawal." His answer came so late kaya ganoon na lang katindi ang kaba ko. My heart pounded hard after it paused for a split second. Ngunit ang kaba ko ay nahaluan ng iritasyon. Bakit hindi ba puwedeng maging magkaibigan kami? Is he like those rich people who create gap between the poor? Sa tingin ko ay hindi naman pero kung sinabi niyang bawal kaming maging malapit ni Sir Illias siguradong ganoon nga ang pananaw niya. I don't see other reason why he don't want me to be friends with his friend. Then I realized maybe that's why he is keeping me away from his friend and cousin, because he don't want them to be associated with someone low like me. Bitterness spilled in my stomach. I swallowed the bile and tried no to be affected. "Just kidding." Kumunot ang noo ko. Ang tagal bago niya binawi ang sinabi niya. Tila hindi naman biro iyon. He mean it. For once I felt something different towards him... Iritasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD