Chapter 21 "Rosas" Nagmamadali kong tinanggal ang kuwintas sa leeg ko bago pa makita ng iba lalo na ni Joy. Tinago ko iyon sa cabinet. May pakiramdam akong napakamahal nun. Isa pa, paano ko ba ipapaliwanag sa mga kasama ko yun? Paano ako magkakaroon ng ganun kamahal na bagay? Nagpalit din ako ng damit. Saka ko lang naalala naiwan ko sa condo ni Sir Raikko 'yong tinupi kong uniform ko. "Hoy!" Kabado akong lumingon at hinarap si Joy. "Bakit, Joy?" "Anong nangyari? Bakit may pa ganun-ganun?" "Anong ganun-ganun?" Kumunot ang noo ko samantalang ang laki na ng ngisi niya. "Saan kayo nagpunta? Bakit ang tagal mong nakabalik dito at magkasama pa kayo?" Ito na nga bang sinasabi ko! Huminga ako ng malalim. "Naglinis ako." "Eh, 'yang mga 'yan?" I groaned inwardly. "Napadaan sa mall kaya

