Chapter 20 "Aalis" Siya ang may hawak ng basket dahil ayaw niyang ibigay sa akin. Sinulyapan ko ang bakanteng basket at nilapag ang kinuhang papel. Umusad kami at sa mga notebook naman. Siyempre una kong tiningnan ang presyo. Isa sa napansin ko sa bookstore na 'to ang mamahal ng mga paninda. Ang hirap tuloy mamili. Iyong pinakamura mahal pa rin. Ang sabi ni Joy may bilihan daw ng mumurahing mga gamit pang eskuwela. Doon dapat kami mamimili. "What's wrong?" Binaba ko ang natipuhang notebook nang makita ang presyo nito. Maganda at makapal ang klase ng papel pati ang desenyo ng kuwaderno... pero mahal. Hindi ko naman kailangan ng espesyal na papel. "Doon tayo sa kabila." "Just get it." Siya na mismo ang kumuha sa notebook at nilagay sa loob ng basket. "T-teka..." Nilayo niya sa akin

