Chapter 19 "Boyfriend" Pakiramdam ko bumili ako ng isang bagay na agad ko ring pinagsisihan kung bakit binili ko pa. Puwede ring pumayag ako sa isang lakad at nang dumating na ayoko na palang umalis. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Noong nakaraan lang tinanggihan ko si Clifford dahil hindi pala ako handa maliban sa wala na akong tiwala sa kanya, tapos kanina lang pumayag akong magpaligaw sa amo ko. Puwede ko naman siyang i-reject. E, 'di ba hindi naman epektibo? Ngayon pa lang sumasakit na ang ulo ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa mansyon? Kung nagkataon baka mapatalsik pa ako. Oo, mabait si Maam Rosalinda pero matatanggap niya kayang may pinagkakaabalahang pobre ang anak niya? Siyempre, mas gugustuhin niya ng ka-lebel nila, ng mula sa parehong antas sa lipunan — and tha

