One Hundred Twenty Five

1785 Words

MADILIM NA NANG MAGISING AKO. Nakakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura. Kanina pag-akyat ko ng kwarto ko ay naligo lang ako at nagpalit ng komportableng damit saka nahiga na sa kama. Ang balak ko ay palilipasin ko lang saglit ang antok ko at saka ako bababa para kumain. Hindi ko alam na napahimbing na pala ako ng tulog. Mula sa patagilid na pagkaka-uklo sa gilid ng kama ay tumiyaha ako ng higa at mariing nag-inat. Na kaagad ding napigil nang may mahagip na katawan ang isang braso ko. Nangunot ang noo ko. Pangungunot na unti-unting napalitan ng pagsimangot nang makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng katawan na nabangga ko. Naglakbay ang tingin ko sa kabuuan nito. Suot pa rin nito ang slacks na suot kaninang umaga nang umalis ito. Pero hubad baro na ito. Ang sapatos ay natanawan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD