"AYOKO NIYAN..." Napakunot ang noo ko at napanganga nang bitiwan ni Rhia ang huling piraso ng balot na binalatan nito. Dito sa labas ng tindahan ni Auntie Sabel namin napiling maupo at kumain ng balot, pagbalik namin, galing bayan. May dalawang mahabang upuan naman dito at mesa sa gitna niyon. Pumasok lang ako kanina upang kumuha ng tasa, lalagyan ng suka at tubig na maiinom. Noong una ay puno pa ng excitement ang mga mata nito habang inilalabas ko isa-isa ang mga itlog sa supot na papel. Ngunit nang umpisahan na nitong balatan ang mga iyon, unti-unting nauuwi sa pagsimangot ang mukha nito. Hanggang sa nabalatan na nga nito ang pang-sampu at kahuli-hulihang piraso ng balot. "Bakit? Sabi mo balot?" Kunot-noo pa ring ani ko. "Oo nga. Pero ayoko ng may sisiw, eww!" Nangilig pa ito na an

