HANGANG SA MAKAHIGA NA KAMI NI KAEL ay binabagabag pa rin ng samu't saring isipin ang utak ko. Sa kailaliman ng puso ko, hindi ko naman maikakaila na masaya ako. Masaya ako na magkaka-anak na ako. Kami ni Kael. Gayon pa man, ay hindi ko rin maiwasang makaramdam ng takot. Takot, hindi na para sa akin, kung hindi para sa magiging anak ko. Paano kapag lumabas na ang baby namin? Paano kung sa mga panahong iyon ay hindi pa rin lumilitaw si Kira? Kailangan din ba siya munang itago, hanggat hindi pa nito naaayos ang lahat? Mararanasan din ba nito ang nararanasan ko ngayon? Second priority? "Baby...?" Narinig kong bulong ni Kael sa tainga ko, kasabay ng pagyakap nito sa akin mula sa likuran, pero hindi ako kumibo. Ipinikit ko pa ang mga mata ko para isipin nito na tulog na ako. Parang ay

